MY MRS. SAADVREAS

682 2 1
                                    


As saying goes

" it's better to die in the edge of danger than to see my lover in the hands of others"

You have all the right pero my hanggang kailan ang karapatan na yon. Gaano ka kasigurado sa pinanghahawakan mo.

Tigil mo na tayo sa pag faflashback ng past. 😊😊
____________________________________

Chapter 22

Present time

Shrakraine pov

Napalalim ang pag iisip ko hindi ko namalayan na gabi na. Hindi ko na rin napansin kung makailang ulit ako na nag ikot sa mall.

Nakaramdam ako ng pagod kaya nagpasya na akong umuwi. Nang icheck ko ang cellphone ko andaming miscall at text si mommy sa akin.

Parang gusto kong batukan ang sarili ko. Hindi ko man lang inalala na my mag aalala sa akin.

My mensahe din si Elly saka mga kapatid ko. I got them worried again. Papasakay na ako ng kotse ko ng tumunog ang cellphone ko.

Without looking who is it sinagot ko na agad. Iniipit ko ito sa tainga ko at balikat habang nagmamaniobra ako ng sasakyan papalabas ng parking lot.

" asawa ko, nasaan ka? " Nalaglag ang cellphone ko sa gulat ng marinig ko ang boses na yon.

Agad kong itinigil ang sasakyan ko at hinagilap ko ang cellphone ko na nahulog.

"Sino to? " tinanong ko parin kahit alam ko kung sino ito.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito bago nagsalita.

"Asawa ko nakikiusap ako mag usap naman tayo, pangako wala akong ibang gagawin, gusto lang talaga kita makausap" nagsusumamo ang boses nito at mukhang nakainom ito.

"Lasing ka ba? Bakit ganyan ka magsalita nasaan na ang matayog na Alejo Saadvreas, bakit ngayon nagmamakaawa ka sa isang hampas lupang katulad ko" puno ng pait na sabi ko dito, nararamdaman ko pa rin ang sakit at ang galit sa dibdib ko.

" patawarin mo ako asawa ko, sa lahat lahat, kahit na mamatay ako gagawin ko para lang patunayan na nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko" garalgal na ang boses nito, napakunot noo ako, umiiyak ba ito.

Dinig na dinig sa ang ingay sa back ground nito. At nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na inis.

" tigilan mo ako sa pambobola mo Saadvreas hindi na ako madadala sa mga ganyang salita lalo na at nanggaling sa'yo" yamot na sabi ko dito, natahimik ito sa kabilang linya.

"Hoy andyan ka pa? Hoy-" ewan ko pero nataranta ako ng hindi na ito sumagot.

" ahmmm hello po-" napakunot noo ako kasi iba na ang sumagot.

"Sino to?" Mataray na tanong ko dito.

"Bar tender po ako dito, nakatulog na po ang nagmamay ari ng cell phone na to, pwede po ba malaman kung sino po ito" magalang naman na sagot ng babaeng kausap ko.

"Ano ang pangalan ng bar niyo"naiinis na talaga ako sa reckless na lalaking yon.

" jeavans bar po ma'am dito po sa Makati" alam ko naman ang lugar kaya napagpasyahan ko na puntahan na lang nasa malapit lang naman.

"Paki bantayan na lang siya miss, papunta na ako diyan ngayon" nilagay ko sa loud speaker ang cell phone ko at binuhay ko na ang sasakyan.

"Sino po pala kayo ma'am? " tanong ulit nito.

Nang Dahil Sa Pag ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon