PAGSUSUMAMO

750 9 1
                                    


sorry po sa late update
Medyo busy ang schedule saka wala sa mood

______________________________

Chapter 31

Shrakraine pov

Mabilis lumipas ang mga araw,dalawang linggo na si Alejo sa hospital.

Tatlong araw itong walang malay at nang magising nagwala ito.

Kumalma lamang ito ng ipinaliwanag ng doctor na hindi siya bulag.

Agad niya akong hinanap,kahit labag man sa loob inasikaso ko pa rin ito.

Kinakausap ako nito at nagpapaliwanag pero bingi na ako sa lahat ng sinasabi nito.

Pagkatapos ng apat na araw nakaluwas ng Manila ang mag lolo. Araw araw din nakaalalay si Reagan sa akin.

Dumating ang magulang nito kasama si Lizbeth pero pinatabuyan niya ang mga ito.

Tinanggal na yong benda sa mga mata niya at naluha ito dahil malabo ang paningin niya.

Napagpasyahan ng mga doctor na ipasailalim pa ito sa isa pang operasyon para sa mga nito.

Para naman doon sa cast ng binti niya at kamay binigyan siya ng 2 buwan bago tanggalin at kakailanganin niya sumailalim sa therapy session.

Kahit labag man sa loob niya wala siyang magawa kundi sundin ang sinabi ng doctor.

Kinausap na din ako ng pamilya ko na iwanan ko na siya at sumama na pabalik sa kanila sa Greece.

Napag alaman ko na nalaman na ng asawa at anak na babae ng ama niya ang tungkol sa kanya.

Nang Dahil Sa Pag ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon