THE TRUTH

653 5 0
                                    

Hanggang saan ang kaya ng isang puso sa pagtanggap ng lahat sakit at pagkabigo. Napapagod ba ang puso sa pag iintindi at pagpapatawad. Hanggang saan ang kaya mo isakripisyo alang alang sa pag ibig.

Enjoy reading guys..
____________________________________

Past pa rin tayo

Chapter 25

Shrakraine pov

Nang mga sumunod na araw hindi ko na masyado nakikita ang binata at nakaalalay sa akin si Angie.

Nalaman na din ng Abuelo nito ang nangyari sa kanya at todo tangi naman ang binata at pinagtakpan pa ito ng magulang niya.

Pinauwi kami ni Angie sa hasyenda at hindi naman tumutol ang asawa ko.

Umiiwas ako sa mga tao sa mansyon, madaming tanong ang mga ito sa akin. At bantay sarado ako nila Angie at Don Franko.

Nalaman ko na nalugi na ang negosyo ng anak ng matandang Don sa hasyenda na naglalagi ang anak at asawa nito.

Kasalukuyan kong hinahanap si Manong Fredo magpapahatid ako sa hasyenda ng mga Tsivi.

Andito kasi si Lizbeth ayoko na magkagulo kami. Habang medyo malapit na ako sa quarters nila,narinig ko ang malakas na ungol. Natigilan ako, familiar sa akin ang boses na yon.

Dahan dahan ako sumilip sa bahagyang naka awang na pinto at nagulat ako sa nakita ko.

Si Madam Yvonne nasa taas ng hubad na katawan ng tagamaneho namin na si Manong Fredo.

Sa sobrang gulat ko at napa atrad ako at nasagi ko ang balde ng tubig at gumawa ito ng ingay.

Agad na napalingon sa akin ang dalawa at dali daling naghiwalay. Mabilis ang hakbang ko papalayo doon.

Tamang tama na nakasalubong ko si Don Franko. Pawis na pawis ako hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

"Nagmamadali ka yata hija saan ka ba galing? " salubong ang kilay na tanong sa akin ng matanda.

"Ahmmm diyan lang Pappie mainit kasi sa labas kaya pawis na pawis ako, may pupuntahan yata kayo? "Pang iiba ko agad ng tanong sa matanda at agad akong namutla ng makita ko si Senyora Yvonne.

" halika sumama ka sa akin at kakausapin ako ni Jeffiore Tsivi, sa kabilang asyenda para makita mo naman ang kaibigan mo"agad aking sumang ayon sa sinabi nito, gusto ko makaalis sa lugar na to.

Hindi ko alam kung papano ko haharapin ang ina ng aking asawa pagkatapos ng nasaksihan ko.

Hindi naman nagtangka na lumapit sa akin ang ina ng asawa ko pero matalim ang pagkakatingin nito sa akin.

Jeffiore Tsivi pov

Andito ako ngayon sa opisina ko hinihintay ang pagdating ni Don Franko Saadvreas.

Kaharap ko si Aviore, napadalas ang pagbalik namin dito. Alam na nila ang tungkol kay Shrakraine. Tanging ang asawa ko lang at si Chesyrl ang walang alam.

Nakumpirma ko ang lahat na anak ko ito dahil sa Dna test na ginawa ko sa kanya. Walang ka alam alam ang dalaga.

Galit na galit ang mga kapatid nito ng malaman ang nangyayari sa dalaga. Madali nilang natanggap ang balita na may isa pa silang kapatid.

Gusto din sana umuwi ng bansa ng tatlong ko pang anak para makilala ng personal si Ina pero dahil sa negosyo hindi nila magawa.

Nakatanaw ako sa labas ng bintana. At nakita ko ang pagbaba ng Don sa sasakyan kasunod ang dalaga.

Nang Dahil Sa Pag ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon