MISSION: AVOIDING HIM AT ALL COST BUT FAILED MISERABLY

821 6 0
                                    


Rated spg ALERT

Chapter 9

Sharkraine pov

For the following days sinasadya kong iwasan ang binata. Ayoko maulit ang nangyari sa amin sa opisina ng Don.

And i know he is trying to corner me, lalo na wala na dito ang mga kaibigan niya bumalik na ng Maynila kasama ang girl friend nito.

While Ma'am Angie is with her abuelo, busy ang mga ito sa pag gala. Sinisigurado kong hindi ako matigil sa loob ng opisina.

Nag field work ako para hindi ko makita ang lalaking yon. But i know he is just around lurking in the dark and anytime he can come and finish what he started.

Right now, kausap ko ang mga taong nagkokopra ng niyog. Nakisalo ako sa tanghalian nila at masayang nakikipagbiruan.

Nang biglang natahimik ang lahat nagtataka naman akong nag angat ng ulo ko. Nakatingin sila sa bandang likuran ko.

"Magandang tanghali po senyorito" sabay sabay na bati ng mga ito sa bagong dating.

Agad akong napalingon, nanlalaki ang mga mata ko sa pagkakatitig dito. " magandang tanghali po" agad kong sabi din sabay distansya.

Napansin siguro nito ang paglayo ko dito naningkit ang mata nito sa pagtitig sa akin. Napawi ang malapad na ngiti nito kanina.

"May kailangan po ba kayo senyorito? " magalang na tanong ni Tata Densyo dito. Ang matanda ang namamahala sa pagkokopra ng mga niyog.

" wala naman po naisipan ko lang mag iikot ikot, nabobored na po ako sa mansyon" humakbang ito papalapit siya namang pag atras ko.

Paano ba naman sa akin papunta ang lakad nito. Kinakabahan ako, para akong daga na wala ng matakbuhan.

" nahihiya naman po kami na ayain kayo sa pagkain, simple lang po kasi ito" nahihiya namang saad ni Aling Maring.

" no problem po, sige po ipagpatuloy niyo na po ang pagkain niyo huwag niyo na lang akong pansinin" nakangiting sabi nito sa mga tauhan nila.

Agad namang bumalik ang masayang usapan nila. Ako naman hindi ko alam ang gagawin ko.

Mabilisan akong sumusubo, ramdam na ramdam ko ang pagdikit ng katawan ng binata sa likuran ko.

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Nilingis nito ang mga braso sa beywang ko para yakapin mula sa likuran ko.

Ipinatong nito ang baba nito sa balikat ko at humugot ng malalim na hininga. Inaamoy ako, napatingin sa amin ang mga taong nandodoon.

Nanlalaki ang mga mata ko sa malisyoso at malisyosang tingin sa akin ng mga trabahador.

Pilit akong nagpupumiglas sa yapos nito pero mas lalo lang nito hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Naramdaman kong padampi dampi na halik nito sa leeg ko.

Nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan sa ginawa nito. Buong lakas ko siyang binaklas sa katawan ko.

Nagulat din naman ito, agad akong lumayo dito at lumapit kay Tata Densyo. Pumagitna ako sa kanila ni Aling Maring, puno naman ng pag unawa ang tingin na ibinigay sa akin ng ginang.

Galit ang mukhang nakaharap sa akin ang binata pero wala namang sinabi. Bigla itong tumalikod at lumakad paalis dito.

Nakita naming mabilis nitong pinatakbo ang kabayong sinasakyan nito. Naluluha ako sa sobrang kahihiyan, tiyak ko pag uusapan na namn ako ng mga kababaryo ko.

Nang Dahil Sa Pag ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon