THE LOST

640 4 2
                                    


Lahat daw ng pagmamahal mo sa isang tao ay may hangganan. But do you still believe for a second chance. Are you strong enough to prove that love you are fighting for.

Happy naman ako at may nagbabasa sa kwento ko thanks po. Pagpasensyahan na po at medyo busy talaga kaya matagal ang update

____________________________________

Chapter 27

Sharkraine pov

Nang malaman ng Kuya Aviorre ko ang nangyari sa akin sumugod ang mga ito sa hospital. Galit na galit ang mga ito, si Daddy at Kuya pero pinipilit ko pa rin sila na hayaan akong manatili sa mansyon ng Saadvreas.

Sa pagdaan ng araw pagkatapos akong makauwi. Todo alaga ako nina Don Franko at Angie. Puno naman ng pagkapoot ang mga titig sa akin ng mag asawa pero wala silang magawa.

Nakaupo ako sa garden ng mansyon ng makatanggap ako nh tawag mula sa Kuya Aviorre ko.

" hey baby, kamusta kana man diyan, talaga bang okay ka lang? "Natawa ako sa sinabi nito paano naman kasi kakatawag lang din nito sa akin 20 minutes ago.

" OA Kuya hah.. So ba't ka napatawag? May nangyari ba? " nag aalalang tanong ko.

" actually mayron at emergency ito kailangang kailangan ka? "Kinabahan ako sa seryosong boses nito.

" papunta na ako ngayon diyan susunduin kita naipagpaalam na kita sa matandang Don" sa takot ko sa kung ano mang nangyari hindi na ako nakapagsalita.

" just wait for me okay ingat ka diyan" naibaba na nito ang tawag pero speachless pa rin ako.

Mamayang konti dumating na ito, sinalubong namin ito ni Angie. Tamang tama naman at wala ang mag asawa at busy din si Don Franko.

Hindi na namin pinababa ng sasakyan ito para huwag na magkaroon pa ng isyo.

Habang nasa daan kami, panay tanong ko dito anong nangyari pero ngiti lang ang sinasagot nito sa akin.

Dinala ako mg Kuya Aviorre ko sa Maynila. Kaya pala ako pinabihis ng maganda. Papasok na kami ng hotel ng mag aya ako na kumain kami muna.

Iginaya ako ng Kuya sa isang pribadong sulok at inaasar ako nito.

"Panay kain mo tataba ka niyan ang pangit mo pa naman" nakangising sabi nito sa akin at inirapan ko ito.

"Nagsalita tong akala mo kagwapohan-" nanghahaba ang nguso ko sa inis dito.

Tawa naman ito ng tawa na lalo kong kinainis pero kalaunan natawa na din ako.

" but seriously Kuya bakit tayo andito" lalong lumapad ang ngiti nito.

" finish your food first bago ko sabihin sa'yo" pero lalo kong itinigil ang pagkain ko at napansin naman nito.

Napabuntong hininga ito bago sinabi sa akin ang rason kung bakit kami andoon.

" andito na ang ibang Kuya mo at gusto ka nila makilala ng personal" nanlulumo ang mukha nito at natawa naman ako.

Nawala ang kaba sa dibdib ko sa sinabi nito at napuno ako ng pagkasabik.

"Andaya daya naman kasi hindi pa nga kita nasolo ng matagal umuwi uwi pa sila dito" parang batang nagmamaktol ito.

Tinawanan ko lang ito at lalo itong sumimangot. Magsasalita pa sana ito ng tumunog ang cellphone nito.

Nang Dahil Sa Pag ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon