pasensya na po sa late na update
Eto po kasi mahirap sa isang ofw
Wala nang time para sa sariliSa lahat po na nag add ng book ko thank you po
Enjoy 😘😘
_____________________________________________
Chapter 34
Alejo pov
Tahimik akong nakaupo sa sofa ng receiving room ng mga Tsivi. Ramdam ko ang kaba sa matiim na titig sa akin ng kinikilalang ina ng sinisinta ko.
Pinagpapawisan ako ng malapot at hindi ako makatingin ng deretso dito. Nakatungo ang ulo ko at nakatingin sa pawisan kong palad.
Tumikhim ito sa gulat ko napatayo ako agad, ng mapansin kong pinagtaasan ako ng kilay nito.
Namumulang umupo uli ako,
"Ahmmm kuwan po-" alanganin kong sabi pero hindi ko naituloy." saan mo dinala ang anak ko kagabi? "Napangiwi ako sa tanong nito para tuloy akong bata na pinapagalitan ng magulang.
"Ahmmm sa ano po.. Sa lupa na binili ko para sa amin na patatayuan ko pong bahay namin ni Ina"dahan dahan itong humihigop ng tea sa hawak nitong tasa.
"Sigurado ka talaga na babalik pa sa'yo ang anak ko at nangahas ka na kidnappin siya "mataas na boses na sabi nito, nanigas ako bigla sa kaba ko.
"Humihingi po ako ng tawad Ma'am, desperado na po talaga ako na makausap ang anak niyo, matagal na panahon ko po siyang hinanap at ng makita ko po siyang muli hindi po ako mapanatag na hindi gumawa ng paraan na ayusin ang lahat sa amin" buong puso kong sabi dito sabay tingin dito upang ipakita na seryoso ako sa sinasabi ko.
"Hindi mo ba naisip na, mahirap hanapin ang tao na ayaw magpahanap. At mahirap nang ayusin ang isang bagay na sa simula pa lang wasak na. Kaya ka Iniwanan ng anak ko kasi ayaw na niyang masaktan uli. At sa tingin mo uupo na lang kami sa isang tabi at ipasawalang bahala ang lahat ng ginawa mong kahayupan sa anak ko" nagbabaga ang mga mata nito sa galit na nakatingin sa akin.
Nagbaba ako ng tingin kasi hanggang ngayon naalala ko pa lahat ng ginawa ko dito. Na minsan sa sakit na nararamdaman ko naghihiwa ako ng braso ko.
" napakalaki ng kasalanan ang nagawa ko sa anak niyo aminado po ako doon, sinira ko buhay niya. Hindi ko natupad lahat ng pangako ko sa kanya. Sinaktan ko siya physical at higit sa lahat emotional. Pinatay ko anak namin. Pero maniwala man kayo at hindi ma'am ilang beses ko ng sinubukan na patayin ang sarili ko, pero nakakaligtas ako. Siguro nga mas mabuting parusa yon sa akin na habang buhay dala dala ko ang lahat sa puso at isipan ko. At araw araw kong pagbabayaran ang lahat" mula sa pagkakayuko ng angat ako ng tingin at tinitigan ito.
Blangko ang ekspresyon ng mukha nito na direktang nakatitig sa akin. Hindi ko malaman kung ano ang iniisip nito.
" humihingi po ako ng kapatawaran sa lahat lahat ma'am kung gusto niyo na ipakulong ako buong puso po ako na susuko at aamin sa lahat ng kasalanan ko, importante din po sa akin ang kapatawaran niyo ma'am" pinagtaasan lang ako ng kilay nito.
"Just answer me this once Mr. Saadvreas, paano mo bubuhuin ang nabasag na pagkatao? " natahimik ako wala akong maisagot dito. ention a user
"Mapatawad ka man namin, sa tingin mo ganun kadali na patawarin ka ng anak ko, masyadong malalim ang ginawa mong sugat sa kanya"masakit man sa loob ko pero totoo ang sinabi nito.
"Handa po ako maghintay, hindi po ako susuko sa paghingi ng tawad sa kanya at papatunayan ko na ibang Alejo na ang kaharap niya ngayon" may bahagyang ngiti ako na nakita sa labi nito.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Pag ibig
Ficção AdolescenteNaranasan mo na ba yong naiubos mo na ang lahat ng makakaya mo pero kulang pa din? Naranasan mo na bang masaktan hindi lang sa emosyonal na aspeto pati na rin physical at mental, kasama na kaluluwa mo? Naranasan mo na bang lait laitin ng tao, apak...