10 years ago
"KUYA MANONG DRIVER STOP THE CAR!"
Sigaw ng batang Solanna Andrea Mendez sa driver ng kanilang sasakyan kaya inihinto nito ang sasakyan. Napalingon naman sa kaniya ang kaniyang ama na naka-upo sa passengers seat.
"Solanna what's wrong?"
Hindi sinagot ng batang Solanna ang kaniyang ama at lumabas ito ng sasakyan kahit napakalakas ng ulan.
"Solanna where are you going?!"
Sigaw ng kaniyang ina. Tumakbo siya ng mabilis kahit na basa na ang suot niyang gown dahil kagagaling lang nila sa isang party. Lumapit siya sa isang batang lalaki na umiiyak sa may gilid ng kalsada.
"Hi!"
Napatingin ang batang lalaki sa kaniya na nakakunot ang noo. Hindi naman ininda ng batang Solanna ang ulan kahit na basang basa na ito.
"Bakit ka umiiyak? Okay ka lang ba?"
Hindi Pa rin nag salita ang batang lalaki at naka kunot pa rin ang noo nitong nakatingin sa batang Solanna.
"Bakit mag isa ka lang? Nasaan ang mga magulang mo?"
At nakatingin pa rin ang batang lalaki sa kaniya ng nag tataka.
"May mga magulang ka ba?"
At sa wakas umiling ang batang lalaki sa kaniya. Inakala tuloy ng batang Solanna na pipe ang batang lalaki.
"Maam Solanna Alis na po tayo. Galit na po ang daddy niyo"
Lumapit ang driver nila sa kaniya ng may dalang payong. Tumayo na siya pero lumingon ulit sa batang lalaki.
"Gusto mo bang sumama saamin?"
Ngumiti ang batang lalaki kaya ngayon ang batang Solanna na naman ang kumunot ang noo.
"Oo!"
Masiglang sabi ng batang lalaki. Ngumiti ng malawak si Solanna at nilahad nito ang kaniyang kamay sa batang lalaki at inabot naman ng lalaki iyon.
"May pangalan ka ba?"
Bigla namang nalungkot ang batang lalaki at umiling.
"Adam , Simula ngayon Adam na ang pangalan mo okay?"
At dahil doon ngumiti ng napakalawak ang batang lalaki.
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Lover
RomanceSolanna Andrea Mendez , 20 years old. Mayaman at kinaiingitan ng lahat. Bukod dito maganda rin siya at matalino kaya marami ang naiingit sa kaniya dahil sa kasikatan niya dahil anak lang naman siya ni Henry Mendez , ang mayor ng syudad ng San Agusti...