chapter 4 unexpected

113 5 0
                                    

Solanna's pov

I woke up because of the heat of the sun hiting my face , it's been two weeks and Adam is still not here. Dapat last week Pa siya nandito kaso na delayed ang flight niya dahil sa may bagyo ngayon dito sa pilipinas. I don't know when will he return pero mas mabuti na rin iyon dahil Hindi Pa ako handa makita siya ulit. I mean yeah a part of me want to see him again because.....he's my brother. Pumasok na ako sa banyo at naligo na. After taking a bath nag suot lang ako ng mini skirt at isang plain white v neck T-shirt. Walang pasok ngayon kaya napag desisyunan ko nalang na manood sa AVR room namin dito sa mansion ng mga movies. Bumaba na ako para mag breakfast pero wala sila sa kusina kaya pumunta ako sa garden and I was right doon sila nag breakfast. I was approaching the garden ng may mapansin akong lalaking kausap nila. Nakatalikod ang lalaki saakin kaya Hindi ko ito makilala. Probably just another politician or a businessman.

"Solanna you are already awake! We have a surprise for you!"

Dahil sa sinabi ni daddy lumingon saakin ang lalaki. Ng makita ko kung sino iyon napatigil ako sa pag lalakad at parang sasabog na ang Mundo ko.

"Solanna why are you still standing over there? Can't you see Adam is already home"

I can clearly see it mom. Hindi ko inakala na ngayong araw uuwi si Adam. Para akong nakakita ng multo. He didn't change a bit pero mas lalo lang siyang gumwapo.

"No mom.....I mean uhm I'm just shocked.....very shocked"

At iyon naman talaga ang totoo. Today is totally unexpected. Dapat expected ko na na uuwi siya pero.....

"Hi Solanna it's nice to see you again"

His voice is very deep and husky and I miss his voice so much. Damn it! Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng matipid. Agad din akong kumawala sa yakap niya at humarap sa kaniya ng may pilit na ngiti.

"Welcome home"

All I can feel towards him is pain and anger at iyon lang dapat ang mangibabaw sa puso at sa utak ko. Na nasaktan niya ako at galit ako sa kaniya.

"Well Solanna why not the both of you have some quality time together with Shawn and Gabriela"

Tumango lang ako sa sinabi ni daddy. Tinignan ko si Adam and he is still looking at me and smiling from ear to ear.

"If you say so daddy , excuse me magbibihis lang ako"

Dali dali akong nag-lakad sa second floor nitong mansion at pumasok sa kwarto ko. Pag pasok ko napabuntong hininga nalang ako. Kaya mo Ito Solanna , huwag ka lang magpa apekto. Nag-bihis lang ako ng isang floral yellow dress and texted Shawn at Gabby na mag kita kami sa restaurant namin. Sa Solanna's food house which is isa sa mga restaurants namin dito sa San Agustin. Especial lang ang restaurant na ito dahil saakin pinangalan. Bumaba na ako at nadatnan si Adam sa sala. Naka suot siya ng maong na ripped jeans and plain black T-shirt at hindi makakaila na ang gwapo niya. Stop it Solanna and just focus!

"Let's go?"

Tumango lang ako sa kaniya at sumakay na sa Mercedes Benz namin na sasakyan. Ako ang nasa passengers seat at siya naman ang nag mamaneho. Buong byahe namin ay sobrang tahimik at awkward. Kung siguro sa ibang magkapatid pa ito baka nagyakapan na sila at nag iyakan dahil nawalay sila sa Kapatid nila ng limang taon. Pero sa kaso namin ni Adam Hindi kami ganoon. Dahil Hindi lang kami ordinaryong magkapatid. Ni Hindi nga kami totoong magkapatid pero kahit ganoon sa loob ng puso ko kanina ko Pa talaga siya gustong yakapin dahil miss na miss ko na siya pero hindi eh. Kailangan maging matatag ni Solanna. Pagka rating namin nag park na si Adam sa personal parking space namin dito sa restaurant na tanging ang mga Mendez lang ang pwedeng mag park dito.

"Mauna na ako sa loob"

At nauna na akong pumasok sa loob ng restaurant. Kanina Pa kasi talaga namumuo ang awkwardness saaming dalawa at hindi ko na ito kayang tagalan. Pag pasok ko agad kong nakita si Gabby at Shawn.

"Solanna Andrea Mendez do you know it's already 9:00 am in the morning? Ano ba kasi ang importanteng sasabihin mo saamin ni kuya at ganito pa talaga kaaga? Alam mo bang Hindi Pa kami kumakain ng breakfast?"

Bungad saakin ng magaling kong bestfriend na si Gabriela Maylas. Ngumiti nalang ako sa kaniya ng mapait.

"Gabby si Ad-"

"Hey guys!"

Hindi Pa man ako tapos magsalita biglang bumungad sa likuran ko si Adam ng nakangiti. Napatingin ako kay Gabby at hindi maipinta ang mukha niya ngayon.

"WWWAAAHHH ADAM I MISS YOU!"

Niyakap ng mahigpit ni Gabby si Adam at naiiyak pa ito. Nagulat naman si Adam sa ginawa ni Gabby.

"Chill lang Gabby. Obvious tuloy na miss mo na talaga ako"

Adam chuckled at mas lalong hinigpitan pa ni Gabby ang yakap kay Adam. Nag selos naman ako , I mean mabuti pa siya kaya niyang mayakap ng mahigpit si Adam. Pwede ko rin naman siyang yakapin ng mahigpit pero.....

"OO NAMAN IT'S BEEN 5 YEARS AND I MISS YOU SO MUCH. KAILAN KA PA BUMALIK?"

Umupo na kami at magkatabi si Adam at si Gabby While magkatabi naman kami ni Shawn. Napatingin ako sa mga tao dito sa loob ng restaurant na nakatingin saamin tapos ay mag bubulungan. Sikat kasi ang Solanna's food house dito sa syudad ng San Agustin kaya kahit maaga pa ay marami ng tao. Kinukuhanan nila ng pictures si Adam kaya alam ko bukas ay Kalat na sa buong San Agustin na dumating na dito si Adam.

"Kumain muna tayo Gabby okay? I bet Hindi Pa kayo kumakain. Let's eat and it's my treat tutal restaurant rin naman namin ito"

Tumango si Gabby at ngumiti habang ako dito ay tahimik lang at nakaupo sa isang Banda.

My Brother Is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon