chapter 17 dinner

83 2 0
                                    

Gabby's pov

"Gabby iniiwasan mo ba ako?"

Hinarap ko siya at nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Kung alam mo lang Solanna.

"Hindi"

Nag-simula na akong maglakad at iniwan siya pero agad din siyang sumunod saakin at hinila na naman ang kamay ko.

"Hindi? Gabby bata palang tayo kilala na Kita kaya nga mag bestfriend tayo eh! Alam kong may Mali! Kaya sabihin mo na saakin! At please huwag kang magsinungaling"

I fake a sarcastic laugh. Huwag magsinungaling? Speak for yourself Solanna Andrea Mendez.

"Iyon nga Solanna eh! Bata Pa lang tayo kilala na natin ang isa't-isa! Kilala mo na ako! Pero ako? Sino ka ba talaga? Hangang ngayon Hindi pa rin kita lubusang kilala dahil ang mag bestfriend ay Hindi nag sisinungaling sa isa't-isa! Solanna sinasabi ko sa iyo lahat! Sana ganon ka rin saakin!"

Nagulat siya sa mga pinagsasabi ko. Hindi ko na talaga kasi kaya at nasabi ko na talaga.

"Gabriela what are you talking about?"

I rolled my eyes at her. Tsk "Gabriela" again!

"I need to go"

Iniwan ko na siya at nakikita ko pa rin sa peripheral vision ko na nakatayo pa rin siya doon at windang dahil sa mga sinabi ko. Malapit na sana ako sa classroom ko ng namataan ko si Adam at ng nakita niya ako ay agad niya akong niyakap.

"Gabby I miss you. May problema ba? Iniiwasan mo ba ako?"

Iniiwasan? Grabe Adam! Parehas lang kayo ng sinabi ni Solanna saakin kanina.

"Paano mo naman nasabi iyan?"

Kumawala siya sa pagkakayakap niya saakin at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Because it's obvious! Hindi ka na sumasabay saamin kumain Nina Solanna at Shawn buong lingo! Ni Hindi kita mahagilap dito sa school! Pati nga ang sarili mong kapatid hindi ka mahagilap!"

Is he mad at me? Lumayo ako ng kaunti sa kaniya at kinalma ang sarili ko. So nag sasabay pa rin pala silang tatlo kumain hangang ngayon? Pathetic.

"Go figure it out yourself Adam"

Nagulat din siya sa sinabi ko. Yumuko ako ng kaunti at na guilty. Hindi ako sanay na ganito ako kay Adam.

"Gabriela please don't do this"

He said almost pleading. Alam ko kung bakit siya nagkaka ganyan. Bata Pa lang kami para ko na siyang kuya and it hurts in my part knowing na magka galit kami.

"I'm sorry"

Iniwan ko na siya doon at dumiretsyo na akong room. Umupo agad ako sa upuan ko at pinahid ang takas na luha galing sa mata ko. Para na kaming mag-kakapatid apat kaya natatanong ko sa sarili ko bakit naatim nila Adam at Solanna na magkaroon ng relasyon! Hindi ba sila nandiri?! Never in my life na imagine ko na may relasyon kami ni kuya Shawn at Adam. Bago pa ako mabaliw kakaisip pag tungtong ng uwian umuwi agad ako ng bahay pero pag-pasok ko wala akong nadatnan kahit na kasambahay namin. Wala din si kuya at mommy and daddy. Pinili ko nalang pumasok sa kwarto ko at magpa hinga. Naalimpungatan ako ng may naririnig akong kumakatok ng pintuan ng kwarto ko. Bago pa ako makapagsalita bumukas na ito at iniluwa nito si kuya.

"Can we talk?"

Umayos ako ng upo sa kama ko at umupo naman si kuya sa sofa.

"Umalis sina mommy at daddy. Pumunta silang Cebu. Sumunod sila kina Tita Roxanne at Tito Henry na nasa Cebu at two weeks na sila doon. I don't know how long they will be staying there basta alam ko mawawala sila ng matagal. At nag bakasyon rin ang mga maids natin kaya tayong dalawa lang dito sa bahay ngayon. Kaya bukas dito mag di-dinner sila Adam at Solanna"

Natahimik ako dahil sa sinabi ni kuya. So mag kasama pala ang mga magulang namin.

"Oh. Then that's great kuya! Solong-solo na pala Nina Adam at Solanna ang mansion nila. I'm sure solong-solo na rin nila ang isa't-isa"

Hindi tanga si kuya. Dahil sa sinabi ko alam kong may hinala na siya na may alam na ako.

"What are you trying to imply Gabriela?"

Tumayo siya sa pagkakaupo niya sa sofa at lumapit sa kama ko at unti-unti siyang umupo rin sa kama ko.

"We both know what I'm talking about kuya. Please leave pagod ako. Goodnight"

Agad akong humiga at nag talukbong ng kumot ko. Nag kunwari rin akong tulog. Makalipas ang ilang minuto naramdaman kong gumalaw ang kama. Narinig ko ring binuksan niya na ang pintuan pero bago siya lumabas narinig ko muna siyang bumuntong hininga. The next day I stayed in bed all day. Wala akong balak lumabas ng kwarto hangang mag hapon na. Si kuya ang nag-luluto ng pag-kain at dinadalhan lang niya ako ng pag-kain dito sa kwarto. Ng nag alas singko na naligo na ako at naghanda na ng sarili ko. Nag suot lang ako ng maong na shorts at isang Sando na kulay puti. Hindi na ako nag abalang magsuot ng mas pormal na damit dahil wala ako sa mood. Pagbaba ko nadatnan kong tapos na mag luto si kuya.

"They will be here in a while"

Hindi ko pinansin si kuya at nanood nalang ng TV sa sala. Makalipas ang ilang minuto tumunog ang doorbell namin.

"Gabby please pag buksan mo muna sila ng gate. Naghahanda pa kasi ako ng pag-kain"

Tumayo ako at lumabas ng bahay at binuksan ang gate. Tumambad saakin sina Solanna at Adam na nakangiti.

"Hey"

Bati ko sa kanila at ngumiti ng pilit. Agad akong niyakap ni Solanna na ikinagulat ko.

"Hi Gabby pwede ba kaming pumasok?"

Tumango ako at binuksan ng malaki ang gate namin para makapasok sila. Pumasok kami sa loob at sakto lang tapos na si kuya mag handa ng pag-kain.

"Solanna! Adam! Perfect timing talaga kayo! Tara Kain na tayo! Kakatapos ko lang mag-luto!"

Adam and Solanna chuckled. I hate that they are pretending that they are like ordinary siblings.

"Shawn at Gabby. Kamusta na kayong dalawa dito?"

Tumawa ako ng malakas kaya napatingin silang lahat saakin.

My Brother Is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon