Gabby's pov
I slam the table real hard at tumayo. Tinignan ko sila isa-isa. I'm done with this crap.
"Cut the act everyone! Alam ko na ang lahat!"
Agad tumayo si kuya at hinawakan ang kanang braso ko kaya Hindi ko mapigilan pangilidan ng luha.
"Gabby! Stop! Just stop!"
Agad akong hinila ni kuya papuntang living room pero sumunod din saamin si Adam at Solanna. Ginamit ko ang buong lakas ko para makawala sa kaniya.
"Bitawan mo nga ako kuya! Bakit mo ba sila pinag tatakpan saakin?! I hate all of you dahil Hindi niyo man lang sinabi saakin na may relasyon pala kayo Adam at Solanna! Pati ikaw kuya nilihim mo rin saakin! You are both disgusting incest kayo! I hate you so mu-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang may sumampal saakin pero mas nagulat akong si Solanna pala iyon.
"Wala kang alam Gabby! You just know the tip of the ice burg!"
Agad akong dinaluhan ni kuya dahil sa pag sampal saakin ni Solanna at sa sinabi niya saakin. Nakikita ko ring pinapatahan ni Adam si Solanna pero hinahawi niya ito. Agad kong pinalis ang mga luha sa mga mata ko at hinarap muli si Solanna.
"Tama ka Solanna. Wala nga akong alam! Solanna bestfriends tayo! How could you do this to me?! Nag lihim ka saakin for five long years! Pati din ikaw Adam at Kuya! What do you expect? Mag pa-party ako?!"
Hindi ba nila naiintindihan ang punto ko?! The fact that they are incest! And the fact na nag lihim sila saakin.
"Gabby we are sorry pero huwag naman ganito. Nasasaktan mo ang kuya mo pati na din ako but most Importantly si Solanna! Last week nga lang rin nalaman ni Solanna na alam na pala ni Shawn ang tungkol saamin five years ago. She's also hurt dahil isang taon ng alam ni Shawn ang tungkol sa nakaraan namin pero hindi ganito ang reaction niya!"
Napatingin ako kay kuya. Isang taon na niya itong alam?! I am surrounded with a bunch of liars.
"Explain all you want pero wala na akong pakialam sa inyo! Lumayas kayo sa pamamahay ko! and Solanna? Don't expect na magiging kaibigan pa rin kita!"
Agad akong tumakbo na umiiyak sa kwarto ko and lock myself. Napaupo ako sa sahig at umiyak lang ng umiyak. Binasag ko ang flower vase dito sa kwarto ko. Ugh! Bakit kahit sinabi ko na sa kanila na alam ko na ang lahat Hindi pa rin nababawasan ang sakit dito sa puso ko?
Solanna's pov
Humihikbi pa rin ako habang palabas kami ng bahay nila Shawn. This dinner is a disaster! Nakaakbay saakin si Shawn dahil inaalalayan niya ako habang si Adam naman ay nauuna saamin mag lakad.
"Solanna I'm really sorry sa inasta ngayon ni Gabriela but please pag pasensyahan mo na siya. Kilala mo naman iyon diba? Masyado lang siyang nagpadala sa emosyon niya kaya niya nasabi ang mga bagay-bagay na iyon but I promise I'll talk to her"
Sana tama ka nga Shawn. Nakikita ko rin sa mga mata ni Shawn Na malungkot siya sa mga nangyari ngayong Gabi at nag-aalala siya para saamin. Pero Hindi ko naman masisisi si Gabby sa mga sinabi niya pero sana nga lang marinig niya naman ang panig ng kwento ko. Ngumiti lang ako sa kaniya na ikinagulat niya. Pero mas ikinagulat niya ng yakapin ko siya.
"Thank you for everything"
Bigla akong hinila ni Adam kaya kumalas ako sa pag kakayakap ko kay Shawn.
"Solanna pumasok ka muna sa sasakyan. May pag-uusapan lang kami ni Shawn"
Sinunod ko naman siya at pumasok na sa sasakyan niya. Nakikita ko sila mula rito sa loob pero hindi nila ako nakikita dahil tinted ang bintana ng sasakyan. Ilang minuto pa pumasok na ng sasakyan si Adam.
"Solanna please let's ta-"
"Just drive. Pagod na ako Adam gusto ko ng magpa hinga"
Pagod na talaga ako kaya sa tuwing naaalala ko ang sinabi ni Gabby kanina napapaiyak ako. Agad kong pinahid sa pisngi ko ang takas na luha sa mga mata ko. Nakita naman iyon ni Adam. Bumuntong hininga Muna siya bago nag drive papuntang mansion. Pag-pasok namin sa bahay walang tao as usual. Bakasyon rin kasi ng mga kasambahay namin at matagal pa uuwi sila mommy at daddy galing Cebu kasama ang mga magulang nila Shawn. Aakyat na sana ako ng biglang hinila ni Adam ang braso ko.
"Ano ba Adam! Alin ba sa mga sinabi ko kanina ang hindi mo na intindihan?!"
Seryoso niya akong tinitignan kaya pakiramdam ko nalulusaw ako sa mga tingin niya kaya nag kunwari akong tinitignan ang sofa namin sa kanan ko.
"Solanna we are not incest dahil in the first place pa lang hindi tayo mag kapatid. Hindi kita kapatid"
Sa simpleng salita niya lang nanumbalik lahat ang Alaala ng nakaraan five years ago saamin at ang pakiramdam na kahit ilang beses kong itangi sa sarili ko alam ko kung ano ang totoo. Natatakot lang talaga ako.
"Ano ba ang gusto mong sabihin ko? Na mahal Pa rin kita hangang ngayon? Seriously Adam?! Dapat ang problemahin mo ngayon ay si Gabby na galit saatin! Matutulog na ako. Good night"
Tinuloy ko na ang pag-akyat sa taas pero bago iyon may narinig pa ako galing sa kaniya na nagpakilabot sa buong katawan ko. Sana hindi niya nalang iyon sinabi dahil mas lalo lang akong maguguluhan.
"Bakit hindi ba?"
Kinabukasan hindi pumasok ng school si Shawn at Gabby at iniiwasan ko rin si Adam. Bakit niya ba sinabi iyon?! Solanna huwag maging tanga okay? Minsan ka na nagkamali sa kaniya at hindi na iyong mauulit pa. Ayoko lang malaman ni Adam ang pinaka tatago kong sikreto. Pero kung kailangan kong sabihin iyon kay Gabby para maibalik lang ang pag-kakaibigan namin then yes! I will do whatever it takes! Natapos ang buong araw na lutang ang pakiramdam ko. Pag-pasok ko sa mansion wala si Adam. Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang kahon ilalim sa kama ko.
"Baby"
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Lover
RomanceSolanna Andrea Mendez , 20 years old. Mayaman at kinaiingitan ng lahat. Bukod dito maganda rin siya at matalino kaya marami ang naiingit sa kaniya dahil sa kasikatan niya dahil anak lang naman siya ni Henry Mendez , ang mayor ng syudad ng San Agusti...