chapter 13 awkward

86 3 0
                                    

Solanna's pov

5:00 pm

Nag bihis na ako ng isang black off shoulder dress at black stilettos dahil magkikita kami ngayon ni Angelo sa Solanna's food house. Buong araw lang kasi akong nakatambay dito sa kwarto at wala naman akong ginagawa kaya nung sinabi niya kanina na mag-kita kami ay pumayag ako. Gusto ko rin kasi mag sorry sa kaniya tungkol sa nangyari kagabi. Bumaba na ako at nagulat ako ng maabutan ko si Angelo na naka upo sa couch namin sa sala.

"Angelo?"

Kunot noong tanong ko sa kaniya. Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo habang ako ay inilibot ko ang mga paningin ko sa buong mansion. Pero Puro mga katulong lang namin ang nandito.

"Hey! Sorry dumiretsyo ako dito. I know sa Solanna's food house nalang tayo mag kita pero kasi gusto ko lang sunduin ka"

Ngumiti naman ako sa kaniya ng matipid. Napansin ko rin ang sugat niya sa may gilid ng labi niya.

"Uhm sige wait lang mauna ka na sa labas"

Ngumiti naman siya saakin at lumabas na. Pumunta ako sa kusina at nadatnan ko ang isang katulong namin na nag huhugas ng pingan.

"Yaya nasaan sila?"

Pero sa totoo lang si Adam lang naman talaga ang gusto kong malaman kung nasaan. I mean naabutan kaya niya si Angelo na nasa sala?

"Ah ma'am Solanna si ma'am Roxanne at sir Henry po ay nasa isang meeting sa Cebu at baka next week Pa po sila makakauwi habang si sir Adam po ay kanina pa pong umaga wala"

What the hell?! Nasa Cebu sila mommy at daddy?! I mean sanay na naman ako na aalis nalang sila bigla at Di nagpapaalam pero nakakainis pa din. Tumango nalang ako sa kasambahay namin at lumabas na. Sumakay naman ako sa sasakyan ni Angelo at nag Simula na niyang paandarin ito.

"Uhm Solanna nalaman ko pala na kapatid mo si Adam"

Bigla naman akong napalingon sa direction niya. Speaking of Adam nasaan kaya siya?

"Uhm oo"

Iyon nalang ang nasagot ko sa kaniya at itinuon nalang ang pansin sa labas.

"Pero it's just weird kagabi the way he acts. I mean wag mo sanang mamasamain Solanna pero kasi iyong reaction niya kagabi.....I mean nagulat nga ako kasi kapatid mo pala siya. I really thought for a second he's your boyfriend or ex"

Shit! Hindi ko inaasahan na ganun pala ang nasa isip ni Angelo. Tinignan ko lang siya at ngumiti ulit ng matipid because I don't even know what to do or what to say! Damn it!

"We're here"

Bumalik naman ako sa ulirat ng sabihin iyon ni Angelo. Nandito na pala kami. Lalabas na sana ako ng sasakyan niya ng bigla niyang buksan ang pintuan. Napaka gentleman naman niya. Pag-pasok namin uupo na rin sana ako sa isang table pero hinila niya ang upuan ko at pinaupo ako. Kaya pinamulahan naman ako ng pisngi dahil ang gentleman niya.

"Hhhmmmm I'll have a steak and please make it a medium rare and for the lovely girl over here?"

Ayan na naman ang pagiging kamatis ng pisngi ko. Dahil restaurant namin ito agad kong in-order ang favorite ko dito.

"I'll have a chicken ala king with two slices of pepperoni pizza and a clam chowder please tapos pakidagdagan nalang rin ng a bottle of red wine thank you"

And then I heard him chuckled. Nahiya naman ako. Ano ba naman kasi iyan Solanna ang dami mong in-order! At dahil restaurant namin ito wala pang 10 minutes at nandito na ang order namin kaya nag Simula naman kaming kumain.

"Uhm Angelo sorry nga pala sa mga nangyari kahapon"

Napatingin siya saakin pero ngumiti lang siya ng matipid showing his dimples.

"It's okay Solanna naiintindihan ko naman ang kapatid mo. He is just protective towards you at hindi ko naman siya masisisi"

Tumango lang ako at ngumiti ng matipid. Kumain nalang ulit kami at nag kwentuhan at kagaya ng kahapon. Konportable pa rin naman akong kausap siya.

"Omg! Hi Solanna it's nice seeing you here! Mind if we join you?!"

Sa gitna ng tawanan at kwentuhan namin ni Angelo.....Kung Hindi lang masamang pumatay kanina ko pa pinatay si Katrina na nasa harapan namin ngayon.....kasama si Adam.

"Uhm yeah sure! The more the merrier! Okay lang naman sa iyo right Solanna?"

Isa pa tong si Angelo eh napaka epal! Tsk. Napatingin ako sa direction ni Adam at napaka sama ng tingin niya kay Angelo. Ooohhh now I get it kaya pala buong araw wala si Adam sa bahay eh dahil kasama niya si Katrina. EDI MAG SAMA SILA! napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya ng maalala ko ang sinabi niya kahapon. Na nag-seselos daw siya saamin ni Angelo.

"You are Angelo Romena right? Anak ng vice mayor nitong San Agustin? I'm so happy to finally meet you! By the way I am Katrina Lim. My father is a Chinese businessman and we have a lots of businesses here in San Agustin and all over the Philippines. Anyways maiba nga tayo boyfriend ka ba ni Solanna?"

Gusto ko na talaga hilahin ang buhok ng babaeng Ito. Akalain mo naman. Hindi nga nag tanong si Angelo tungkol sa family background nila pero sinabi niya. Ang dal-dal naman.

"I'm happy to meet you too! But I'm not Solanna's boyfriend. NOT YET but I'm planning to be. Malapit na"

And then I heard him chuckled. Napatingin naman siya saakin ng nakangiti pero tinaasan ko lang siya ng kilay. NOT YET?! Malapit na?! I mean I'll admit it na ang gwapo niya at ang bait pa pero.....

"Oh I see. Ako naman is Hindi Pa girlfriend ni Adam pero soon magiging girlfriend na rin right Adam?"

I did my best not to burst out! At sugurin ang babaeng Ito pati na din si Adam. SOON pa la ha! Okay fine! Napatingin naman ako kay Adam pero nakatingin lang siya saakin with a serious face kaya agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kaniya.

"Let's just eat"

Sabi ni Adam.

My Brother Is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon