Solanna's pov
It's been one week and everything is back to normal saamin ni Gabby. Para ngang walang nangyaring pag-aaway between the both of us. What happened one week ago. Nung pinakita ko sa kaniya ang pinaka tatago kong sikreto ay kailanman hindi na namin pinag-usapan pa. Klaro na naman ang lahat para sa kaniya eh and I know she understands me more now and I know she has my back.
"Tara na nga Solanna nagugutom na ako"
Ito talaga si Gabby hindi makapaghintay! Nililigpit ko Pa kasi ang mga gamit sa desk ko dahil tapos na ang klase namin sa calculus at recess na kaya pupunta na kaming private booth. Isang buwan na wala sila mommy at daddy sa bahay dahil nasa Cebu parin sila hangang ngayon and I'm thankful hindi sila nagpadala ng mga bodyguards para bantayan kami. Alam ko ginawan na iyon ni Adam ng paraan. Ganon din ang mga magulang nila Gabby three weeks na rin silang nasa Cebu kasama ang parents namin. Speaking of Adam sa buong isang buwan ay Puro pag-iwas lang ang ginawa ko sa kaniya. Ayoko lang kasi na maulit pa ang dati.
"Oo na po sandali lang"
Matapos kong ligpitin ang mga gamit ko lumabas na kami ni Gabby ng classroom at papunta na sanang cafeteria ng may humarang saamin.
"God! Solanna I missed you so much!"
Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Angelo. One week ko rin kasi itong hindi nakita kasi nag bakasyon ang pamilya nila.
"I miss you too Angelo"
Hindi ko alam kung nanliligaw pa rin ba siya saakin hangang ngayon. Ayoko lang I open up dahil natatakot akong may masabing pagsisisihan ko.
"Angelo papunta kaming private booth. Nag lunch ka na? Sabay ka na saamin?"
Napalingon ako kay Gabby dahil sa sinabi niya. Tumango naman si Angelo at sumabay na siya saamin sa pag-lalakad papuntang cafeteria. Kumunot ang noo ko kay Gabby pero hindi niya lang ako pinansin. Pagdating namin sa private booth wala pa sina Adam at Shawn.
"Bakit wala pa sila kuya dito? Nasaan na naman kaya iyon sila?"
Sabi ni Gabby. Uupo na sana kami ni Angelo ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Shawn , Adam , at Katrina. Tsk napaismid naman ako dahil parang isang ungoy si Katrina na nakakapit sa braso ni Adam. Pathetic.
"Nandito na pala kayo"
Dinig kong sabi ni Shawn dahil iniwas ko ang mga mata ko sa direksyon nila. Hindi ko Pa rin nakakalimutan hangang ngayon ang ginawa ng babaeng iyan noon saakin!
"Anong ginagawa ni Angelo dito?"
Tanong ni Adam saakin. 'anong ginagawa rin naman ni Katrina dito' Ugh! Ang sarap isigaw iyan sa mukha niya.
"Angelo is a friend at dito siya kakain"
Nag-simula na akong mag order sa "waiter" namin. Napatingin naman ako kay Angelo at nakangiti siya saakin. While si Adam ay seryoso ang mukha saakin. Hindi niya ba alam that I hate Katrina?! Nag-simula na kaming kumain lahat ng maagaw ni Katrina ang attention naming lahat. Paano ba naman kasi umubo ito ng napakalakas.
"Guys I have an idea! Bakit hindi tayo mag outing anim since semestral break naman! Just one week guys ano sa tingin niyo?!"
Outing huh? Kami lang anim?! Diba parang ang awkward naman nun. Kung sabagay hindi naman awkward iyon para kay Katrina basta ma solo niya lang si Adam okay na.
"I don't think that's a good idea Right Solanna?"
Halos maibuga ko naman ang iniinom kong tubig. Bakit ako ang tinanong mo Adam?!
"H-huh? I don't k-know maybe uhm.....it is a good idea"
Napatingin naman si Shawn at Gabby saakin na nagtatakha. What did I just said?
"See Adam your sister agreed! Please Adam tutal last day na naman bukas tapos sem break na"
Napatingin ako kay Shawn because he chuckled when he heard Katrina said "your sister" pinandilatan ko naman siya ng mata dahil sa ginawa niya.
"Adam pumayag ka nalang! Malay mo this trip will change something for the better! That it will change everything!"
Nagulat naman ako dahil pinatulan pa ito ni Gabby! Ano ba ang nasa isip niya?! Tsaka anong gusto niyang palabasin?! Tumingin muna siya kay Adam bago tumingin saakin ng may nakakalokong ngiti. Lagot ka talaga saakin mamaya Gabriela Maylas. Naagaw naman ng attention ko ni Angelo dahil kinakalabit niya ako.
"Okay lang ba sa kanila na sumama ako Solanna?"
Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya na nakapatong sa lamesa kaya napatingin naman siya sa kamay niyang hinawakan ko.
"Oo naman! at kapag Hindi okay sa kanila ako ang makakalaban nila okay? Kaya chill ka lang ikaw talaga"
Napangiti naman siya sa sinabi ko. Angelo is really a good friend. Ang pag hawak ko sa kamay niya just means I am making him sure everything's alright. Napatingin naman ako kay Adam at seryoso siyang nakatingin sa magkahawak naming kamay ni Angelo. Agad ko namang tinangal ang kamay ko sa kamay niya dahil kung nakakapatay lang ang tingin kanina Pa kami patay ni Angelo dahil sa mga titig ni Adam. What's his problem anyway? Pagkatapos naming mag-usap at makapag Plano kung saan kami mag o-outing pumunta na kami ni Gabby sa room namin dahil practical research subject na namin. Plano kasi ni Katrina. Yeah right siya talaga ang nag Plano tsk. We'll be staying in a resort somewhere in cagayan de oro for one week. Parang ang awkward nga kasi kaming anim lang. Hindi naman ako makapag invite dahil gusto rin naman ni Katrina kaming anim lang at tsaka wala naman na akong ibang kaibigan eh. You know lahat sila lumalayo saakin dahil natatakot sila sa daddy ko. The great Henry Mendez , ang mayor ng syudad ng San Agustin.
"Nakakainis talaga iyan si teacher Maricel! Dapat bakasyon lang ang inaatupag natin eh! Kailangan ba naman nating gumawa ng chapter one hangang three ng nabunot nating topic kanina para sa practical research na subject niya! Buti nalang talaga Solanna partner tayo! Pero this still sucks! Kailangan I pasa na after semestral break!"
Pagmamaktol na reklamo ni Gabby habang nag-lalakad kami papuntang parking lot nitong school.
Please vote and comment para may inspiration naman po ako para mag update hihihihihi!
-Queen
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Lover
RomanceSolanna Andrea Mendez , 20 years old. Mayaman at kinaiingitan ng lahat. Bukod dito maganda rin siya at matalino kaya marami ang naiingit sa kaniya dahil sa kasikatan niya dahil anak lang naman siya ni Henry Mendez , ang mayor ng syudad ng San Agusti...