Solanna's pov
Matapos kong yakapin si Gabby lumapit naman ako kay Shawn dahil malayo saamin ang kinaroroonan niya. Dahil naalibadbaran ako sa pag-mumukha ni Adam at Katrina na malapit saakin.
"Good morning"
Niyakap ko siya at hinalikan naman niya ang noo ko. Kumalas ako sa yakap niya at hinawakan naman niya ang mag kabilang balikat ko.
"Huwag ka na kasi mag selos kina Adam at Katrina. Just trust Adam. Ikaw lang ang nag-iisang baby niyan mula pa noon. Ang obvious mo masyado mag selos BABY hahahahaha"
Inirapan ko si Shawn dahil sa sinabi niya at the same time pumula naman ang pisngi ko. Bwisit siya! Nahiya tuloy ako sa pinag-sasabi niyang "baby" dahil kay Adam! Eh kasi naman "baby" ang tinatawag saakin ni Adam! Bwisit sila pareho ni Shawn! Napalingon naman saamin si Adam at narinig niya siguro ang sinasabi ni Shawn dahil isinigaw lang naman niya iyong salitang BABY kaya lahat siguro sa kanila ay narinig iyon. Pero sana iyong part lang na iyan. Lalapit na sana si Adam saamin wearing his famous WTF! Look pero dali-dali akong nag-punta sa kinaroroonan ni Angelo. Buti Pa ito Hindi sakit sa mata. Agad namang tumigil sa pag-lalakad si Adam papunta sa kinaroroonan ko kanina ng makita niyang kasama ko na si Angelo.
"Good morning. Your like the sun shining up my day"
Niyakap naman niya ako ng mahigpit. Angelo is really a good friend. Kapag natapos na ang isang lingong bakasyon sasabihin ko na sa kaniya na wala talaga siyang pag-asa saakin. Kahit magalit man siya saakin mas okay nalang iyon keysa sa patuloy siyang aasa at masasaktan lang saakin.
"Ikaw talaga ang aga-aga napaka bolero mo"
And then he chuckled pero mas ikinagulat ko ng biglang may humila sa braso ko at kinaladkad ako.
"T-teka a-ano ba!"
Iritang sambit ko kay Adam dahil ikinaladkad niya ako palayo kay Angelo.
"Listen everyone! Me and Solanna in my car, Shawn and Gabby in of course Shawn's car, and Katrina you will be in Angelo's car and that's final"
A-ano?! Daw! Natameme naman ako sa sinabi niya. Napalingon ako kay Katrina at medyo may pagka irita na ang expression ng mukha niya.
"T-teka Adam baka pwede naman na kay Angelo nalang ako or Shawn kasi si Katr-"
"Shut up baby or else I'll kiss you in front of them. And you know me. I mean every word I said. You are just mine baby. mine alone and I am so possessive pagdating sa iyo and I don't want to share you kay Shawn lalong lalo na kay Angelo. kaya Huwag ka ng mag protesta dahil hahalikan talaga kita dito sa harapan nila kahit na malaman man nila Angelo at Katrina I don't give a damn! Kaya baby please be quiet"
Namilog naman ang mata ko sa sinabi niya at hindi ko malaman kung ano ang irereact. Agad naman akong luminga linga kung may nakarinig sa sinabi niya saakin pero wala naman. Pabulong lang rin naman niya ito sinabi saakin pero kahit na! Kinilig ako pero bawal umasa Solanna! Ugh! Nakakainis! Humakbang ako palayo sa kaniya pero mas lalo lang niyang hinila ang braso ko palapit sa kaniya.
"What?! You've got to be kidding me Adam! Ayoko makasama sa limang oras na byahe si Angelo! I want to be with you!"
Napangiwi naman ako sa sinabi niya dahil pinipilit niya talaga ang sarili niya kay Adam. Kung sabagay siya naman ang nakaisip ng bakasyon na ito at masasayang lang kung Hindi niya makakasama si Adam. Bigla namang kumulo ang dugo ko sa kaniya.
"U-uhm Ada-"
Hindi paman tapos ang sasabihin ko liningon niya ako ng may matatalim na tingin. Okay Solanna shut up ka nalang.
"Katrina it's just a ride. Don't make it a big deal. Let's go guys!"
Hinila na naman po niya ako at nagpatianod nalang ako sa kaniya. Hays hindi talaga kita kakausapin buong byahe Adam! Hindi ko na nakita ang reaction ni Katrina dahil nakapasok na ako sa sasakyan ni Adam. I hope Angelo's okay with Katrina around for five whole hours!
"Baby mag seat belt ka"
Makapag utos Adam?! Hindi ko siya pinansin at sa halip tumingin nalang sa labas.
"Solanna please I said fasten your seatbelt"
Nag bingi-bingihan ako at nakatingin lang talaga sa labas dahil papasikat na rin pala ang araw.
"Tsk. Fine! Let me do it myself"
Siya ang nag seatbelt saakin at qwertyuiopasdfghjklzxcvbnm ang lapit ng mukha niya sa mukha ko! Pati ang katawan rin niya! Hindi nalang ako nag pahalatang parang matutunaw na ang kalooblooban ko.
"You are blushing"
Hindi ko siya pinansin dahil putcha naman oh! Nakakahiya! I acted normal pero evident naman na namumula ako. Hays nakakainis! Pinaandar na niya ang sasakyan niya. Nakikita ko naman sa rearview mirror na nakasunod saamin sila Shawn habang sa likod naman nila ay ang sasakyan ni Angelo.
"Baby are you mad at me?"
Hindi ko ulit siya pinansin. Obvious ba Adam?! Obvious ba?! Walang common sense Ito!
"Baby I'm sorry please don't be mad at me"
Sa unang dalawang oras ng byahe namin nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa sasakyan. The car stereo isn't even on!
"Matulog ka nalang muna baby"
He's words are like a magic spell to my ears dahil bigla akong inantok. Ipinikit ko naman ang mga mata ko.
"I love you baby. I have always been and still do"
Narinig ko muna ang sinabi niyang iyon bago ako nakatulog. Mahal din kita Adam pero tama na ang paglalaro mo saakin. Ginawa mo na iyon noong unang beses at ang ending ay iniwan mo rin ako. Ang tanga ko na siguro kung gagawin ko pang pangalawa kaya kahit ano man ang pagpaparamdam mo saakin Adam hindi na ako maniniwala dahil alam kong niloloko mo lang ako.
**********
"Solanna wake up"
Nagising ako ng may maramdaman akong may humihimas sa mukha ko. Nagulat akong makita si Adam na ang lapit ng pag-mumukha saakin kaya umayos agad ako ng upo.
"Baby let's eat first. Alam kong nagugutom ka na"
Hi guys! 27 more chapters to go at matatapos na po tayo! Please keep on supporting Adam and Solanna until the very end! And please keep on voting dahil may malaking pasabog po ako sa story na ito bwahahahahaha!
See you sa next chapter!
P.s nag u-update ako every weekend
-Queen
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Lover
RomanceSolanna Andrea Mendez , 20 years old. Mayaman at kinaiingitan ng lahat. Bukod dito maganda rin siya at matalino kaya marami ang naiingit sa kaniya dahil sa kasikatan niya dahil anak lang naman siya ni Henry Mendez , ang mayor ng syudad ng San Agusti...