chapter 9 new student

97 3 0
                                    

Solanna's pov

"Calm down Solanna ang obvious mong mag selos"

Napalingon ako kay Shawn dahil sa sinabi niya at pinanlakihan ko siya ng mata. I heard him chuckled.

"Ano ba ang pinag sasabi mo Shawn? I'm not jealous at bakit naman ako mag seselos?"

Napatingin ulit ako kay Adam. Katrina is smiling from ear to ear habang kasayaw si Adam. Habang si Adam naman ay walang expression ang mukha.

"Kunwari naniniwala ako"

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Shawn. Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan Shawn? Do you know something? Tumayo na ako at magpapaalam ng umuwi.

"Uuwi na ako , biglang sumama ang pakiramdam ko eh"

Niyakap ko si Gabby at hindi ko pinansin si Shawn pero naka kunot lang ang noo niya saakin.

"Pero sis Di pa tapos ang party pero kung masama talaga ang pakiramdam mo. Oh sige see you tomorrow"

Tumango lang ako at ngumiti ng matipid. Pumunta ako sa table nila mommy at daddy at sinabing uuwi na ako. They still can't leave because that would be rude. Hindi pa nga tapos ang party. Ginamit namin ang sasakyan ni Adam at buti may dala kaming bodyguard kaya siya ang nag drive sa sasakyan ni Adam. At si Adam naman ay sasabay nalang kay mommy at daddy. Napatingin ako sa dance floor at hindi pa talaga sila tapos mag sayaw tsk. The next morning walang gana akong gumising at nag bihis para sa school. Bumaba na ako at wala akong nadatnan sa may hapag. Tinanong ko ang kasambahay namin at tulog Pa daw si mommy at daddy. Siguro madaling araw na rin sila nakauwi. Hindi ko na tinanong kung nasaan si Adam dahil wala akong pakialam. Pagkatapos kong kumain ihahatid na sana ako ng mga bodyguards ko sa school ng biglang dumating si Adam.

"Sa sasakyan ko na siya sasakay. Sabay na kami papuntang school"

Tumango lang ang mga bodyguards ko at sinunod si Adam. Biglang bumaba si daddy mula sa taas at ngumiti saamin.

"Goodmorning daddy"

Bati ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Nag paalam na rin kami ni Adam na aalis na kami.

"Adam before I forgot I want you to date Katrina Lim and make her your girlfriend"

"But dad I do-"

"That's not a favor Adam. That's an order"

Aangal pa sana si Adam pero hindi na niya nagawa. Nainis naman ako kay daddy. But whatever! Kung magiging sila ni Katrina edi wow! Pero nakakainis din si daddy. Ginagamit niya si Adam for business purposes.
Habang nasa sasakyan niya kami walang umiimik saaming dalawa.

"Solanna are you okay?"

Basag niya sa katahimikan. Tinignan ko lang siya at inirapan.

"Solanna are you mad at me?"

Tinignan ko lang siyang muli at inirapan. Ng makarating na kami sa school at na park na niya ang sasakyan bababa na sana ako kaso hinila niya ang braso ko.

"Solanna what's wrong?"

His tone is melow. Para niya akong sinusuyo. Madalas niya akong sinusuyo noon 5 years ago. Solanna could you please stop it?!"

"Ano ba ang problema mo?! Kanina ka Pa tanong ng tanong kung okay lang ako! I am perfectly okay! Kaya pwede ba wag mo nga akong guluhin! Kung gusto mo doon ka mangulo sa Katrina mo!"

Kumunot naman ang noo niya tapos bigla nalang siyang ngumiti. May nakakatawa ba Adam?! Meron ba ha?!

"Are you jealous?"

Nilapit niya ang mukha niya saakin kaya bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Bago pa siya makalapit ng sobra saakin I laugh bitterly.

"Bakit naman ako mag seselos? Buhay mo iyan at wala akong pakialam sa iyo. ikaw naman ang unang nawalan ng pakialam saating dalawa diba? Nung umalis ka five years ago. Noong iniwan mo ako" I paused "I need to go ayokong ma late"

Lumabas na ako ng sasakyan niya at doon Pa siguro ako nakahinga ng maayos. Nag madali akong mag lakad papuntang room dahil ayokong maabutan niya ako. Agad kong pinahid ang luhang lumandas sa pisngi ko. Pag pasok ko sa room umupo agad ako sa tabi ni Gabby at isinubsob ang mukha sa desk ko.

"Sis are you okay?"

Tumingala ako at nginitian siya tapos isinubsob muli ang mukha sa desk.

"Alam mo Solanna may nabalitaan ako na iyong Katrina Lim daw ay spoiled brat"

Agad akong napatingin sa kaniya ng naka kunot ang noo.

"She is spoiled as fuck daw. Lahat ng gusto niya ay dapat nasusunod at ang ama naman niya ay todo bigay kasi diba nga nag iisa lang siyang anak. She obviously likes Adam at gagawin nito ang lahat para makuha lang si Adam and I don't like that bitch"

Napailing nalang ako sa sinabi ni Gabby. Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na ang prof namin.

"Okay class we have a new transferee student. Be nice to her okay? Pwede ka ng pumasok"

Pumasok ang isang babae.....UGH! IT'S KATRINA LIM! Why do I have to be so lucky?! Napatingin siya saakin and she smirk at me.

"Hi guys I am Katrina Lim it's nice to meet you all!"

Tumingin na naman siya saakin habang nagpapakilala siya sa gitna. At may kung ano sa ngiti niya. Pinaupo siya ni ma'am sa harapan ko. Kaya nasa likod niya ako at nasa harapan ko naman siya. Nagkatinginan kami ni Gabby at alam kong hindi siya natutuwa na classmate namin si Katrina. Same here sister.....same here.

"Hi Solanna! I am so glad magka klase tayo! You are Gabriela Maylas right? Nice to meet you"

Ngumiti ako ng peke kay Katrina ng lumingon ito at nakipag usap saamin. Inabot niya ang kamay niya kay Gabby para siguro makipag kamay pero tinignan lang Ito ni Gabby.

"For your information it's Gabby. And yeah it's nice to meet you too"

Napahiya naman si Katrina dahil Hindi inabot ni Gabby ang kamay nito sa kaniya.

"Okay"

Lumingon na ito at nakinig na kay prof pero bago iyon may nadinig pa akong sinabi niya.

"Bitches"

Hindi ko alam kung sinabi niya ba talaga iyon or guni-guni ko lang kaya Hindi ko nalang pinansin.

My Brother Is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon