chapter 7 party

109 5 0
                                    

Solanna's pov

Umupo ako sa harapan na upuan nila mommy at daddy. Sumunod naman saakin si Adam at umupo katabi ko.

"Your father has something to say"

Biglang kumunot ang noo ko at kinabahan dahil ang sobrang seryoso nila.

"Tomorrow evening , after your school we are going to a party"

I rolled my eyes ng Hindi nila nakikita. Party lang naman pala eh but why is it a big deal?

"This is not an ordinary party. We are going to the 20th birthday party of Richard Lim's daughter"

Sabi ni mommy ng nakangiti. Lim? A Chinese huh. Obviously this man is a businessman.

"Richard Lim is one of our country's richest Chinese businessman here in the philippines. Marami siyang negosyo dito sa syudad ng San Agustin pati na din sa buong pilipinas"

Tumango lang ako sa sinabi ni daddy. Napatingin naman ako kay Adam and he is just emotionless.

"Her daughter's name is Katrina Lim , that's all you may now dismiss. Bumaba nalang kayo dito kapag hapunan na"

Tumango lang ako kay mommy at umakyat na sa taas dahil masama talaga ang pakiramdam ko kanina Pa. Ng mag hapunan na ay Di na ako bumaba dahil masama talaga ang pakiramdam ko at wala akong gana.

"Paki sabi nalang kay mommy at daddy yaya na hindi ako kakain dahil kasi masakit ang ulo ko!"

Sigaw ko sa katulong namin mula sa labas ng pinto ko. I tried to sleep kahit na masakit ang ulo ko. Nagising ako ng may narinig akong may kumatok ng pintuan ko dito sa kwarto ko. Napatingin ako sa orasan na nasa side table ko and it's already 11:00 in the evening. Ng buksan ko ang pintuan ng kwarto ko ay wala namang tao. Isasara ko na sana ang pintuan ng may makita akong isang tray na may lamang pag-kain at gamot. Pinulot ko ang isang note na naka ipit sa Plato.

Hindi ka bumaba kasi masakit ang ulo mo. Mas sasakit ang ulo mo kapag Hindi ka kumain kaya kumain ka. Pag katapos mong kumain uminom ka ng gamot. You should always take care of yourself Solanna

-Adam

I was stunned for a minute because I can't believe what did I just read. Pumasok ako sa kwarto ko at pinilit ang sariling kumain. Pag katapos kong kumain uminom agad ako ng gamot. Humiga ako sa kama ko ng may ngiti sa mga labi. Kinabukasan nagising ako I already feel much better. Pumasok ako sa banyo para maligo but I still can't help to think what happened yesterday night. Bakit kaya iyon ginawa ni Adam? Duh! Of course Solanna Andrea KAPATID ka niya. Please don't assume too much. Ng matapos na ako nag suot lamang ako ng mini skirt na black at off shoulder na black din with matching stilettos. Bumaba na ako para makapag breakfast na sana kaso wala akong nadatnan sa hapag.

"Yaya nasaan sila?"

Our house is very quiet na tanging ang mga kasambahay lang namin ang nandito.

"Ma'am Solanna si ma'am Roxanne po at sir Henry ay nasa city hall. May inaayos po kasing tulay kaya maaga po silang umalis. Pinapasabi naman po ni sir Adam na nauna na po daw siya sa school kasi may gagawin Pa daw siya"

Tumango lang ako sa kasambahay namin at umalis na siya sa harap ko. Habang ako ay nag Simula ng kumain. Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa school. Dahil wala si Adam at bawal akong mag drive ng sasakyan namin hinatid ako ng mga butler ko at buti naman ay hatid lang. Buong araw kong hindi nakita si Adam sa school ni hindi nga siya sumabay saamin kumain ni Shawn at Gabby ng lunch.

"Huy Solanna are you even listening?"

Napukaw ang attention ko sa pag tawag saakin ni Gabby. Nag-lalakad kaming dalawa ngayon papuntang parking lot dahil pauwi na kami. Hindi naman namin kasama si Shawn dahil Hindi namin siya mahagilap.

"Uhm ano ulit ang sinasabi mo sis?"

She rolled her eyes at me and I just chuckled. She gave me a death glare kaya tinignan ko na siya ng seryoso.

"Tsk what I'm saying Solanna is diba ngayon ang party nung anak ni Richard Lim? As always we are invited. So pupunta ba kayo? To be specific ikaw?"

Buti nalang at pinaalala saakin ni Gabby na ngayon pala iyong birthday party ng anak ni Richard Lim. Muntik ko ng makalimutan.

"Uhm wala naman akong choice Gabby eh I know daddy will be mad at me kapag Hindi ako sumama. See you there in a while"

Ng makarating na kami sa parking lot ay agad kaming nag paalam sa isa't-isa. Sumakay na siya sa sasakyan niya at sumakay naman ako sa sasakyan namin. Nasa back seat ako habang nasa driver at front seat naman ang mga body guards ko. Tsk. Ng makarating kami sa bahay agad kong nakita ang sasakyan ni Adam na naka parada sa garahe. Nandito na pala siya. Bakit hindi ko siya mahagilap buong araw sa school kanina? Pag pasok ko sa mansion nakita ko si mommy na naka gown na at si daddy na naka tuxedo na.

"Solanna get dress already! Baka ma late na tayo! Your gown is already at your room"

Tumango lang ako sa sinabi ni mommy at nag paalam na sa kanila na aakyat muna ako dahil mag bibihis. Pag pasok ko sa kwarto ko nakita ko agad ang isang kulay violet na long gown na klarong-klaro ang cleavage ko. Napabuntong hininga nalang ako at nag bihis na. Sinuot ko ito with matching gold six inches stilettos. I put some light make up on at lumabas na ng kwarto ko. Sakto namang pag labas ng kwarto ko ay kalalabas lang din ni Adam sa kwarto niya. Tinignan niya ako mula ulo hangang Paa.

"You look beautiful"

Bigla naman akong pinamulahan ng pisngi sa sinabi niya. Calm your heart Solanna. Alam ko nakakakilig ang sinabi niya pero please calm down. Ang gwapo rin niya sa suot niyang tuxedo and his scent is so manly.

My Brother Is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon