Solanna's pov
Nag-lalakad ako papuntang classroom kasama si Shawn. Hindi ko nga Alam kung bakit maaga rin itong pumasok ngayon.
"Solanna what's bothering you?"
Napatigil ako sa pag-lalakad at tinignan siya. Tinignan niya naman ako sa mata pero agad din akong umiwas.
"Shawn it's nothing. Maaga lang talaga ako ngayon dahil maaga akong nagising"
Niyakap ko na si Shawn at nag-paalam na at pumasok na sa room. Pag pasok ko naman nandoon na rin pala si Gabby.
"Solanna sabay pala kayo ni kuya. May problema ba?"
Umiling lang ako kay Gabby at umupo sa tabi niya at napag desisyunan na matutulog nalang muna.
*Kkkrrriiinnnggg*
Lunch na at tapos na rin ang Math namin na subject pero niisa wala akong naintindihan sa pinag sasabi ng prof. Namin , I am just physically present but I am mentally absent.
"Solanna let's go hinihintay na tayo ni kuya?"
Tumango lang ako kay Gabby at sinundan siya papuntang cafeteria. Pumasok kami sa isang booth at may dalawang "waiter" ang lumapit saamin para kunin ang order namin. May sarili kasi kaming booth dito sa cafeteria na kaming tatlo lang ang pwedeng makapasok. It's like our own private room made of glass walls and doors para daw Hindi na kami mahirapan at pumila sa crowded na cafeteria. Tsk special treatment nga naman I mean Hindi naman sa nag rereklamo ako na may sarili kaming room dito pero para lang kasi saakin na unfair para sa ibang estudyante.
"I still can't believe uuwi na si Adam next week! Gosh I miss him! Sa wakas makakasama na rin natin siya!"
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Gabby. Bata Pa lang kasi kami , kaming apat na ang palaging magkakasama. Ako , si Gabby , si Shawn , at si Adam. Kaya nabigla talaga sila ng umalis nalang basta basta noon si Adam lalo na si Gabby. Oo nabigla ako at nasaktan ng sobra pero hindi ko naman pinahahalata sa kanila noon dahil ayokong malaman nila ang tungkol saamin ni Adam noon.
"Well , I am not shock at all kasi last month ko Pa alam na uuwi na siya"
Dahil sa sinabi ni Shawn napalingon ako sa kaniya ng nakakunot ang noo.
"What do you mean?"
Inubos niya muna ang pag Kain niya at uminom ng tubig bago siya umupo ng tuwid at tinignan ako.
"He texted me last month ago na uuwi na daw siya dito sa pilipinas. Sorry if I did not inform you guys especially Solanna I just want it to be surprised. Alam ko naman kung gaano ka SPECIAL si Adam saatin lalo na kay Solanna right Solanna?"
Hindi ako sumagot sa sinabi ni Shawn dahil pakiramdam ko may mga bagay siya na alam na hindi niya na dapat malaman pa. Kinabukasan walang pasok and I decided na pumunta nalang sa isang restaurant para mag breakfast dahil wala rin naman si daddy sa bahay. Nasa mayor's city hall siya at ginagawa ang duties niya bilang mayor dito sa syudad ng San Agustin while si mommy naman ay busy din sa ibang mga businesses namin kaya wala naman akong kasabay kumain kung sa bahay ako kumain. Kasama ko ang dalawang bodyguards ko at nag babantay sila sa labas nitong restaurant. napailing nalang ako dahil nakakahiya at pinag titinginan na ako ng mga tao tapos mag bubulungan sila tsk. Ng may makita akong dalawang magkasintahan na kumakain din dito sa restaurant kaya may naalala ako.
Flashback 5 years ago
Kumakain kami ni Adam sa isang restaurant dahil may ibabalita daw siya saakin.
"Solanna top 1 na naman ako! At valedictorian ako sa batch namin na gra-graduate ng junior highschool. Proud na naman sila mommy at daddy saakin!"
Ngumiti ako ng mapait kay Adam. Oo masaya ako dahil valedictorian siya pero nakakalungkot din isipin na ma di-disappoint sila mommy at daddy sa kaniya kapag nalaman nila na may relasyon kaming dalawa ni Adam. All his life he is trying his best to make mom and dad proud dahil para sa kaniya Utang daw niya ang buhay niya kay mommy and daddy. Kung Hindi dahil sa kanila baka napariwara na daw ang buhay niya. Pero alam ko na magagalit sila kapag nalaman nila ang namamagitan saamin ni Adam. Baka palayasin nila si Adam , okay lang sana kung ako nalang huwag lang si Adam.
"Adam paano kung tutol sila mommy at daddy sa pag mamahalan nating dalawa?"
Tanong ko sa kaniya , bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ng kamay ko.
"I don't care Solanna if mom and dad disagree to our relationship. Mahal na mahal Kita and I can give up everything for you. Hinding Hindi kita iiwan kahit anong mangyari"
Ngumiti ako at may luhang pumatak mula saaking mga mata kaya kumunot ang noo niya. Nilibot ko muna ang aking paningin sa buong restaurant at buti kami lang ang tao dito. Lumapit ako sa kaniya and kiss him on the lips , just a gentle kiss.
"I love you too Adam"
End of flashback-----
"Ma'am Solanna okay lang po ba ang lahat?"
Nilapitan ako ng isa sa mga bodyguards ko ng mapansin siguro niya na kanina Pa ako tulala. Tumango lang ako sa sinabi niya at kumain ulit. Napabuntong hininga nalang ako sa naalala ko. What a dreadful memory , sabi niya saakin noon na mahal niya ako. Sabi niya saakin na hindi niya ako iiwan pero bakit nagising nalang ako isang araw nalaman ko nalang na umalis na siya papuntang America. Ang sakit , sobrang sakit. But maybe he never did really love me , maybe he only loves me as a sister and what happened 5 years ago is just a huge mistake and that mistake will never be made again. I already learned my lesson kaya wala na saakin kung babalik man siya galing america after 5 years. Maybe he is already happy at baka may girlfriend na rin siya. I mean Adam is a very handsome guy at hindi ako mag dududang wala pa siyang girlfriend hangang ngayon. But it's all in the past now.
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Lover
RomanceSolanna Andrea Mendez , 20 years old. Mayaman at kinaiingitan ng lahat. Bukod dito maganda rin siya at matalino kaya marami ang naiingit sa kaniya dahil sa kasikatan niya dahil anak lang naman siya ni Henry Mendez , ang mayor ng syudad ng San Agusti...