She's in the middle of her concentration. Marahan at banayad na humihinga habang nakafocus ang kanya kulay abo mga mata sa target na inaasinta niya.
She and her archer. Noong maliit pa lamang siya lumalaban na siya hanggang sa magkolehiyo siya pero natigil siya sa larangan iyun ng maaksidente siya at mabalian ng buto sa kanan braso niya.
Gayunpaman,nanatili siya may ugnayan sa pag-aarcher,nang makarekober siya nag-apply siya bilang mentor sa isang archery schools. Iyun na ang naging kapalaran niya ang turuan ang mga aspiring Archery.
Ilang taon na rin siya mentor sa isang archery school.
Binitiwan niya ang dulo ng arrow at walang mintis na tumama iyun sa target.
"Bull's eye!!"bulalas ng kaibigan niya si Dina. College friends niya ito. Ito ang lagi nasa tabi niya lalo na noong panahon na nagrerecover pa siya.
"Oh mga bata,magaling ba si Ma'am!" baling ni Dina sa sampung kabataan na tinitrain niya.
Sabay-sabay na sumagot ang mga ito na puno ng paghanga.
"Lodi ka talaga,ma'am Darlene! Maganda na ang galing pa!"saad ng binatilyo.
Nagtawanan ang iba sa sinabi nito.
" Naku,ikaw talaga,bata-bata mo pa eh,saka ka na magpalipad hangin kapag nagchampion ka na!"sita ni Dina rito.
Kakamot-kamot naman sa ulo ang binatilyo sa pagkapahiya.
"Sige na,guys..mag warm up na kayo,i-condition niyo na ang mga braso niyo," saad niya sa mga ito.
Agad naman nagsisunudan ang mga ito.
"Naligaw ka ata?" sita niya sa kaibigan habang inaalis ang nakakabit sa daliri at braso niya.
"Oo kasi may importante ako sasabihin sayo.."tugon nito.
"Kung tungkol lang yan sa lalaki,tatantanan mo ako..kung ayaw mo mabull's eye sa gitna ng noo mo," banta niya rito.
Malakas ito napasinghap.
"Hala! Grabe ka sakin! Syempre,hindi noh,alam ko naman na hanggang ngayon galit ka pa rin sa huling lalaki na nireto ko sayo! Saka wag ka mag-alala kapag nagtagpo kami,sasapakin ko.." depensa nito.
"Wag na,kaya ko siya panain..in the middle of his body down there.." mariin niya saad.
May galit siya sa lalaki na naging kasintahan niya ng dalawang buwan din ang tinagal na nireto ng kaibigan sa kanya. Nagustuhan niya ito dahiL mahilig din ito sa sport. Pero nakakadalawang buwan pa lang sila naaktuhan niya ito may katalik sa kotse nito na nakaparada sa condo unit nito na minsan naisipan niya puntahan ito.
Sakali man na nagtagpo sila isang sapak lang o kaya naman gamitin niya ang archery skills niya rito magiging okay na siya. Masyado lang naapakan nito ang pagkababae niya kaya mananagot ito sa oras na magtagpo sila.
"So,anong importante naman sasabihin mo?"
May kinuha ito papel sa bitbit nito bag.
Inabot niya iyun at pinasadahan ng tingin.
BLUE SPORTS CLUB. Ang nakainprint sa papel. Pamilyar sa kanya iyun dahiL kilala ang lugar na yun.
"Anong gagawin ko dito?" kunot-noo niya lingap sa kaibigan.
"Naghahanap sila ng mga bagong mentor na pwede magtrain sa mga nag-eenroll diyan..at isa sa Archery ang hinahanapan nila..mag-apply ka dun,malaki ang sahod tumawag na ko sabi nga nila malaki ang sahod dahiL galante daw ang may-ari at kahit na mura lang ang fee ng bawat players.." inporma nito.
Tinitigan niya ang papel na hawak.
Gusto niya din maiba ang environment niya. Kilala ang Blue Sport Clubs sa publiko.
Interesting.
"Sige,pag-isipan ko.." aniya.
"Okay,tawagan mo ako agad,samahan kita!" anang ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
Prince Of Blue Wolves Series 3 : RUSSEL EMILIO by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prince # BlueWolf #Romance #Mate #dreame