Gusto niya matawa sa pinaggagawa niya pero iyun lang ang paraan kahit na ba boss niya ito. Ito lang ang magpapagaan muli sa pakiramdam niya ang makaganti sa binata.
Nakangisi na pinapanuod niya ito sa isang tabi. Pawisan na ito at napapapikit ng mariin sa bawat pagbitaw ng mga bata sa palaso at natutuwa naman siya dahiL mahuhusay ang mga ito.
Hindi ka ba kinakabahan sa pinaggagawa mo? Boss mo pa rin siya! Ang sama mo! sita ng inner self niya.
Tss..bakit siya ba kinabahan sa pinaggagawa niya pagstalk at pagpasok sa unit ko ng wala pasabi?! sagot niya sa kanya isip.
Pumalakpak siya ng tumira ang huling trainer niya.
"Goodjob,guys! See! achievement yun,let's say thank you for our guest!"
Agad naman tumalima ang mga bata at nagsilapitan ang mga ito sa binata na alanganin na nakangiti sa mga ito.
Bago pa man siya mahuli nito tumawa inabala na lang niya ang sarili na ligpitin ang mga mansanas na may nakabaon na mga palaso.
"They are amazing..mahusay sila.." pukaw nito sa likuran niya.
"Oo naman.."
"Kinabahan ako pero dahiL mahusay ang trainor nila kumapit ako na hindi sila sasablay.."
Nakangisi ito na balingan niya ito.
"Salamat.."
"Yes,and I'm forgiven?"
Tumango siya. "Yes,you're forgiven.."
Ngumiti ito. "Kung ganun ,we should start again.."
Nangunot ang noo niya.
"I assume na close na tayo ngayon kaya naman simulan natin ang friendship natin this time."
Napaawang ang labi niya.
Friendship? Iyun lang ba yun?
"Maybe more than a friendship ?" nakangisi nito dugtong.
Gumalabog ang dibdib niya sa huli sinabi nito.
"Masyado naman ata mabilis yun?"pagtaas niya ng kilay rito.
Saglit ito nabigla sa sinabi niya at agad na nakabawi.
" Alright,friendship first,then.."makahulugan ang dati ng pagtitig nito sa kanya.
Aware siya doon dahiL ganun din naman ang gusto niya mangyari.
Hinay-hinay,Darlene...hindi mo pa siya gaano kakilala kaya take it slow.
Nakalahad ang palad nito sa kanya.
Alright,let's bring it on!
Inabot niya iyun at nakipagkamay rito. Marahan ito pumisil sa kamay niya at may masarap na sensasyon ang bigla gumapang sa mga ugat niya.
Heck,what's that!
Marahan niya binawi rito ang kamay niya.
"Let me help you.." offer nito.
Hinayaan niya ito tulungan siya sa pagdampot sa mga mansanas.
Ito na ang bumuhat sa karton na pinalagyan ng mga mansanas.
Napailing na lang siya at bahagya natawa ng kumagat ito ng isa mansanas.
He's funny sometime.
Yeah,that's why you have something on him.
BINABASA MO ANG
Prince Of Blue Wolves Series 3 : RUSSEL EMILIO by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prince # BlueWolf #Romance #Mate #dreame