CHAPTER 23

7.6K 202 0
                                    

Nilibot ng kanya mga mata ang malaki bahay ni Russel. Inimbitahan siya nito sa bahay nito. Nasa isang pribadong subdibisyon ang kinaroroonan ng malapalasyo nito bahay.

"Mag-isa ka lang dito?"tanong niya agad ng makabalik ang binata mula sa  kung saan.

May bitbit itong kulay ginto bote at dalawang wine glass.

Hindi naman siya siguro lalasingin nito.

" Don't worry,hindi ito nakakalasing..."tila nabasa nito ang nasa isip niya.

Sinimangutan niya ito. He chuckled.

"And yes,mag-isa lang ako rito.."turan nito habang nagsasalin ng wine.

Napatitig siya sa kulay asul na likido.

Nakangiti ito inabot sa kanya ang wineglass na sinalinan nito.

"Ngayon lang ako makakainom ng kulay asul na wine na 'to.." mangha niya saad.

"It's a special wine from my birthplace," inporma nito.

"Saan ba ang sa inyo?" usisa niya.

Sumimsim siya at matamis iyun. Mataman naman nakatingin sa kanya ang binata.

"Faraway from here.." hindi malinaw nito saad.

Hindi na niya inusisa pa ang sinabi nito. Natuon ang atensyon niya sa wine. Matamis at may kakaiba ito epekto sa kanya.

It's something she can't tell what is it.

"Pwede ba magtanong?" maya-maya saad niya.

"Maupo muna tayo.." alok nito.

Umupo siya sa single sofa. May pakiramdam kasi sya na parang may tumutulak sa kanya na dumikit rito. Argh,I'm not like this ..acting like I am his girlfriend!

Makahulugan naman ito ngumisi at umupo sa pahabang sofa na katapat lang niya.

Tumikhim muna siya.

"Tapatin mo nga ko..bakit mo ko sinusundan? Ano ang nagtulak sayo para gawin mo yun? Pati na rin yung pagpasok mo sa condo ko? Paano ka nakakaakyat dun? Nakakababa?" sunod-sunod niya tanong rito.

Hindi ito kaagad sumagot.

"Kailangan ko malinawan hindi kasi malinaw ang sagot mo last time.."

"Okay..sinusundan kita dahiL gusto ko lang masiguro na ligtas ka makakauwi lalo ng malaman ko nanggaling ka dati sa isang aksidente noon. Ang kagustuhan ko na malaman na ligtas ka uuwi ang nagtulak sakin na sundan ka lagi. It's my choice because I want to. At sa pangalawa tanong mo,I'm athletic person madali..madali lang sakin ang umakyat at bumaba roon.."

Hindi siya satisfied sa huli nito sinagot.

"Hindi ako naniniwala sa huli sagot mo.." matapat niya komento.

Binaba nito ang walang bawas na wine nito.

"It's hard to tell,actually.."

"Bakit naman? DahiL may supernatural power ka?"

Natigilan ito sa sinabi niya.

Gotcha! May nililihim ito ibang pagkatao.

"Hindi ako naniniwala sa mga supernatural powers na yan pero kung mapapatunayan iyun na totoo yun mismo sa harapan ko baka maniwala na ko.." kibit-balikat niya saad at sabay na sumimsim sa wine.

Masarap taLaga.

Nakita niya ang pagkuyom ng mga kamay nito na nakapatong sa magkabila tuhod nito.

Mataman ito nakatitig sa kanya.

Humugot siya ng malalim na hininga.

"Sige ..hindi na kita uusisain pa.."

"Gusto kita,Darlene..gustong-gusto.." seryoso nito anas.

Her heart stop pumping suddenly.

"I like you so much..at gusto ko na makilala mo ako ng lubusan.."

Bigla niya nasaid ang wine.

Shit,alam naman niya iyun na may pagtingin ito sa kanya pero iba pa rin pala kapag harapan na nito sinasabi iyun.

"May sekreto ako na hindi alam ng lahat..gusto ko malaman mo yun.."

"H-hindi mo naman kailangan gawin pa yun..it's a secret though,kahit ako na may sekreto hindi ko magagawa ipagsabi yun sa iba.."komento niya.

"But I want you to know about it,Darlene.." seryoso nito saad.

"Seryoso ka talaga?"maang niya saad.

Mariin ito tumango.

Prince Of Blue Wolves Series 3 : RUSSEL EMILIO by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon