CHAPTER 30

7.9K 209 3
                                    

Kahit na hindi nila pag-usapan ni Russel ang status nila,alam nila pareho na malalim na yun.

Hindi na niya ikakaila na tuluyan ng nakapasok sa buhay niya si Russel.

She love him.

Panay ang labas nila ng binata. Ngayon lang niya nalaman na food lover ang binata.

"So,hindi kayo kumakain ng hilaw na karne?"

Napasimangot ito. "We are wolf not a monster," nanghihilakbot nito saad.

Tinawanan niya ito.

"I know..a handsome wolf."

Napangisi ito dahiL binawian niya ito.

Magkatabi sila habang nagmomovie marathon.

Hinapit siya nito sa balikat na nakaakbay sa kanya.

Hinalikan nito ang bunbunan niya.

"And you are beautiful..bagay na bagay tayo.."

She just chuckled.

"Can I ask something?" maya-maya untag nito.

Nanatili nasa screen ng TV ang kanila mga mata.

"Hmm?"

"Ano ba nangyari kung bakit naaksidente ka?"

Nag-angat siya ng mukha rito.

Pinagsalikop nito ang mga kamay nila.

Matagal na yun kaya okay lang sa kanya na sariwain niya muli ang trahedya yun.

"Galing ako nun sa probinsya ng Lolo ko..nagbakasyon ako roon ng isang linggo. I was driving myself on my way back at home here in Manila..madaling araw ako nun umalis,siguro dahiL kaunti pa lang ang bumabiyahe ng ganun oras. Mabilis ang takbo ng mga sasakyan dumadaan pero dahiL siguro nakampante ako na mabagal ang takbo ko. Hindi ko napansin ang bigla pagsulpot ng isang family van. We crashed to each other. Nakatulog daw ang driver nun..then Nagising na lang ako na may cast na ang kamay ko at nalaman na bakal na lang ang nagdudugtong sa buto ko.."

Hinaplos nito ang bakas ng opera sa kanya balat na malapit sa pulsuhan niya. Paikot ang marka niyun.

"I know it's really hurt.." mahina nito saad.

Yumakap siya sa binata.

Sobra sakit nga yun.

"But I'm okay now..may kamay pa naman ako..kaya pa kita panain kung kinakailangan.."

He chuckled. Inangat nito ang mukha niya gamit ang daliri nito.

Nakatingala siya rito.

"Hindi ka na masasaktan ngayon..poprotektahan kita kahit buhay ko pa ang nakataya.."

"Mahal kita.." madamdamin niya saad.

Yes,she said that.

Natigilan ito.

"W-what?"nakaawang ang bibig nito.

"I love you.."

"Totoo?"

"Ayaw mo at--"

Isang mariin na halik ang pumutol sa sasabihin niya iyun.

Naging intense ang halikan nila. Mainit at malalim. Mariin siya napakapit sa batok ng binata at mas lalo niya pinagdikit ang kanila mga bibig.

He groaned.

Huminto lang sila ng pangapusan na sila ng hangin.

Kapwa malamlam ang mga mata.

"I love you,too.." paos nito tugon.

Matamis siya ngumiti rito.

May katugon ang damdamin niya para rito.

Cause they are mate!

Prince Of Blue Wolves Series 3 : RUSSEL EMILIO by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon