CHAPTER 28

7.5K 207 2
                                    

Panay ang piglas niya sa mahigpit na kadena na nakakabit sa kanya mga kamay at paa.

Ginusto niya ang kalagayan yun. Mas mainam ng igapos niya ang sarili kaysa makapanakit siya.

Balot siya ng dumi mula sa lupa at pawisan. Wakwak ang suot niya pantalon. Hubad baro naman ang pantaas niya.

Napaangil siya ng bigla nanuot sa pang-amoy niya ang pamilyar na amoy ng dalaga.

Malayo siya sa dalaga kaya imposible na maamoy niya ito sa paligid.

Lalo siya sumingasing ng mas lalo sumidhi ang amoy iyun.

Darlene..

Buo pwersa siya pumiglas sa pagkakadena.

"Russel.."

Marahas siya napaangat ng mukha ng marinig ang boses iyun.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang babae sa harapan niya at hindi makapaniwala nakatitig sa kanya.

"D-Darlene...?" hinihingal at paos niya saad.

"A-anong ginagawa mo rito?" Hindi makapaniwala niya turan.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" balik-tanong nito sa kanya.

Natigilan siya sa sinabi nito.

"So,ganyan kayo kapag nadidepress?" maang nito saad.

Lalo lang siya napatanga sa pinagsasabi nito.

Paano napunta rito ang dalaga?

Si Zei!

"H-hindi ka dapat nagpunta pa rito.."

"Oo naman..kaso hindi maganda ang pakiramdam ko dahiL sayo. Lalo lang sumasama ang pakiramdam ko kung tinitikis kita.." matapat nito saad.

"Naliwanagan na ko ngayon.."

"Hindi ko gusto na gampanan mo ang isang bagay na napipilitan ka lang.."

Umismid ito.

"Ganyan ka ba dapat mangumbinse sa mate mo?" pagtalim ng mga mata nito sa kanya.

Napahigit siya ng hininga.

"Aalis ako kapag hindi ka nagpakita sakin sa loob ng isang araw..wag ka na magpakita sa akin...kailanman.." saad nito.

Napakurap-kurap siya. Totoo ba ang lahat na ito?

"Pero yung tungkol sa heat season niyo,pwede wag muna natin pag-usapan? Masyado mabilis..gusto muna kita makilala .." anito.

"Darlene..." tangi naiusal na lang niya.

Pinagmasdan nito ang kabuoan niya.

Natuon ang mga mata nito sa kaliwa dibdib niya kung saan may pabilog na tattoo siya roon.

Napangisi siya.

"Stop grinning,akala mo ang cool mo dyan sa tattoo na yan. Ang weird nga eh.."supla nito sa kanya at mabilis siya tinalikuran.

Umecho ang malakas na tawa niya sa loob ng kweba.

Prince Of Blue Wolves Series 3 : RUSSEL EMILIO by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon