CHAPTER FOURTEEN

587 7 0
                                        

CHAPTER FOURTEEN

Friday night, Xander and I decided to be a bum sa bahay namin at mag-movie marathon na lang. Nagpadeliver kami ng pizza, gumawa ko ng popcorn and bumili siya ng beer-in-can.

SALT ang napili namin panoorin, yung kay Angelina Jolie.

Pero imbis mag-concentrate sa movie, nagpapatayan kami sa pagkain. Ang dupang kasi nito ni Xander, dapat tig-4 slices kami eh, naging 5-3 ang hatian tas popcorn-hog pa.

“Leche Xander, pahingi na kasi!!!” sabay abot ko nung popcorn.

“Abutin mo!!!” loko nya.

“Tutuhurin kita!” takot ko sakanya.

“Ikaw naman gagamot eh”

“Xandeeeer!!” reklamo ko.

Tawa lang ng tawa ang bwiset. Umupo na nga lang ako’t nag-pout.

Tumabi naman siya sakin.

“Oh ito na” sabay abot ng popcorn.

Hindi ko siya kinibo. Kala nya nakakatuwa siya.

“Uuuuyy... Tampururot na yan!!” suyo nya sakin.

Pero tahimik pa rin ako.

“Andy, sorry na” sabi nya ulit.

Hindi ko pa din siya pinansin.

Nag-abot na lang siya ng popcorn, tas automatic na bumukas yung bibig ko’t sinubo nya sakin yun.

“Akin na nga yan” sabay kuha ko ng bowl nung popcorn.

Ngumiti lang siya pero inirapan ko siya. Nanood kami ng tahimik.

“Xander, para sayo anong food ako?” bigla kong tanong.

Sobrang random ko lang diba.

“Hmmm... Popcorn” masaya nyang sabi.

Bumusangot ako bigla, sa lahat ng pwede eh, popcorn pa talaga.

“Bakit? Kasi tingnan mo, diba kala mo ordinary and boring lang ang buto nya pero give it time and enough heat it will become something delicious. And who would’ve thought something that small actually contains a lot. Tsaka ang sarap kaya kainin ng popcorn, kahit paulit-ulit pa. Hindi nakakaumay. Parang ikaw” sabay kindat nya sakin.

Napatawa naman ako sa sinabi nya. Kelangan talaga may sexual hint sa dulo eh.

“Fine. Okay seems legit” sagot ko.

“Eh ako?” tanong naman nya.

Inisip ko ng mabuti, what food can I compare Xander with. Hmmm...

“Crispy Pata” nakangiti kong sabi.

“Hah?”

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon