CHAPTER TWENTY
Kinabukasan maaga kaming gumising ni Xander dahil balak naming sabayan mag-simba sina Nanay Pearl at Tatay Arturo. Tinext ko sila kagabi na ipapasyal ko sila. Eh sobrang aga nung dalawang yun magsimba.
Medyo pahirapan gisingin si Xander dahil nakakundisyon yung katawan nya for Sunday.
Sa church lang namin sa subdivision nagsisimba sina Nanay Pearl at Tatay Arturo. Kaya dun kami pumunta. Di rin kami masyadong nagsisimba nito ni Xander. Busy. Pero I think this time I have something to be thankful to the Lord for.
Pagdating namin dun buti na lang at may upuan pa sa tabi nila. Agad kaming umupo dun. Nagulat naman silang dalawa nung dumating kami.
After mass, nagtirik silang dalawa ng kandila habang hinihintay namin sila.
“Oh Andrea bakit ka andito?” sabay yakap sakin ni Nanay Pearl.
“Umm... Ipapasyal ko po sana kayo” sabi ko.
“Sino naman tong kasama mo?” sabay turo ni Tay Arturo kay Xander.
Nagkatinginan kami ni Xander, napagdesisyonan kasi namin na sabihin na sa kanila since ayokong naglilihim sa kanilang dalawa. Sa parents ko okay lang, pero kina Nay Pearl at Tay Arturo ayoko dahil masama sa pakiramdam.
“Ah.. Nay, Tay may sasabihin po ako pero kayo lang po ang makakaalam nito. As in”
Halata naman yung pagtataka at pagalala nilang dalawa.
“Si Alexander Lopez po, asawa ko” kabado kong sabi.
Nung una kita sa mukha yung gulat nila. Tapos napalitan ng pagaalala.
“A-asawa?” sabi ni Nanay Pearl.
“Hello po, Alexander Joaquin Lopez po, Xander na lang po” tas nag-mano siya sa kanilang dalawa.
Nagkatinginan silang dalawa. Kinakabahan ako na baka pagalitan nila ko.
Pero imbis pagalitan, nagulat ako ng biglang yinakap ni Nanay Pearl si Xander.
Mukha namang nagulat din si Xander pero niyakap nya din ito.
“Kegwapo mo namang bata. Nanay Pearl na ang itawag mo sakin” sabay punas ng luha nya.
Tiningnan ko si Tay Arturo’t kinamayan naman siya nito.
“Tay Arturo na lang iho. May mga paguusapan tayo mamaya ah” pero nakangiti si Tatay.
“Opo, sige po. Almusal po tayo?” tanong ni Xander.
Tumango naman sila tapos inakay ko sila papunta sa kotse.
Dinala namin sila sa IHOP since naging fave na namin toh ni Xander.
Dun nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan. Hindi sila nagtanong kung pano kami nagkita pero nagtanong sila kung bakit di sila imbitado. Pinaliwanag naman namin ni Xander yung kwento namin kahit di sila nagtatanong.
After namin mag-breakfast namasyal muna kami. Naglibot muna kami sa mall. May nakita kong bilihan ng magandang damit para kay Nanay.
“Pasok po tayo dito” sabi ko sa kanya.
“Anak, nakakahiya”
“Nay, sige na” pilit ko.
Tumingin siya kay Tatay, tumango lang si Tatay sa kanya.

BINABASA MO ANG
We Got Married
RomanceWhen two broken hearts cross paths in the most unexpected place and time, they made a decision that would bind them together forever. Is it destiny's way of saying they're meant to be together, Or is it just a stupid mistake? As the saying goes, "Th...