CHAPTER TWENTY-THREE

541 9 0
                                        

CHAPTER TWENTY-THREE

Pagdating namin sa bahay. Iniwan ko sila sa kusina. Sabi ko magpadeliver na lang sila ng almusal, ako na magbabayad.

They just waved at me to go at baka daw nagsa-sariling sikap na si Xander.

Pagpasok ko sa Master’s Bedroom, he was still lying on the bed.

Sinara ko ng mahina yung pinto. Mukhang hindi pa nya napapansin na andito ako.

I took off my clothes and creeped under the sheets. He pulled me up and kissed me.

“God, hindi mo alam kung anong mga gusto kong gawin sayo ngayong umaga” he whispered in his very husky voice.

“Show me” I seductively said.

He smiled playfully and showed me. Buti pala umuwi ako. Who knew Xander could be so imaginative in bed?

After ng ilang rounds ng morning sex, napabuhat ko din si Xander at sabay kaming pumunta sa baba.

Nakita namin yung mga kaibigan ko nanginginain ng Jollibee sa dining table namin.

“You owe me” sabi ni Celine sakin.

“Bayaran mo si Celine” sabi ko kay Xander sabay tabi kay Louise at kuha ng pagkain.

“Bakit?”

“Nagpadeliver ako sabi ko ako magbabayad. Eh antagal mo so ikaw na magbayad” sabay subo ko.

“Sige mamaya. Gutom na ko” tas tumabi siya sakin at kumain din.

Tahimik kami saglit nang biglang nagsalita si Xander.

“So would you mind telling me kung bakit umalis ng maaga si Andy?” tanong nya kay Louise.

Pinandilatan ko nga.

“What? I’m just asking. I have the right to know” sabay crossarms nya.

“Sorry Xander. Just needed someone to vent out my frustration”

“About Kabe?” sabi nya.

Nanlaki yung mata naming tatlo. Sinipa ko nga siya sa ilalim ng mesa.

“Ow! Andy!” sabay himas nya nung binti nya.

“Really sensitive of you Xander!” pagalit ko.

“Bakit ba eh totoo naman. Wag ka magalala Louise di ko naman sasabihin sa kanya eh. So tell me whose bed did the two of you end up in?” dire-direcho nyang sabi.

I shoot him a death glare. Really? Kelan pa siya naging madaldal??

“His. God Alex! Was I stupid para yayain siya?! I’m stupid right?” sabi ni Louise sa kanya.

I just shook my head. Baka nga si Xander ang kelangan makausap ni Louise.

“Nah, you’re not stupid” sagot sa kanya ni Xander,”You’re still inlove with him”

Napatigil kaming tatlo sa pag-kain. How could Xander bluntly say it in Louise’s face?

Tinitigan lang namin siya.

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon