CHAPTER FORTY-NINE
Isang buwan mahigit na rin ang lumipas simula nung bumalik kami. Hindi binawi ng mommy ni Xander at ng daddy ko yung statement. But we’ve proven them wrong.
Everyone knows I’m Mrs. Andrea Claire Lopez now and I don’t give a f*ck kung anong sabihin nila.
Nasimulan na din yung furniture business namin ni Tatay so medyo nahahati ako ngayon between sa trabaho ko sa LopezLand at dun sa business. Madami na agad kaming kliyente, mga dati kong katrabaho’t kaibigan.
It’s Monday. Nauna kong gumising kay Xander as usual. Naghilamos muna ko’t nag-mouthwash. Lumipat ako sa walk-in closet para ilabas yung isusuot nya for today. Wife na wife lang ang peg ko diba. I must say, I love it. At natutuwa si Xander pag ginagawa ko toh sa kanya.
Then bumaba na ko to fix breakfast. Sometimes siya ang nagluluto, sometimes ako.
I cooked french toast and eggs.
“Ambango naman nyan” sabay yakap sakin at halik sa balikat ko.
“Good morning too hubby. Upo na’t tapos na toh” tas bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at umupo na.
Hinain ko na yung mga niluto ko tapos nagkwentuhan lang kaming dalawa ni Xander. Ganito kami every morning pag hindi kami nagtatalo. Masaya kaming dalawa na kaming dalawa lang muna.
After breakfast nagprepare na kami para pumuntang work.
Eto na nga pala ang last week ko,
Hindi ko na din ginagamit yung isang sasakyan, sabay kaming pumapasok, holding hands and all.
“Good morning Mam, Sir” bati samin nung gwardya.
“Morning!” I greeted back, a little joyful than expected.
Sumakay na kami sa elevator na kaming dalawa lang. Bihira na may sumabay samin, either intimidated or what, hindi ko alam. Oh well.
“Hindi pala ko makakasabay sayo sa lunch hah” sabi nya sakin while looking at his watch.
“Why?”
“We’re finalizing the Palawan Project. Nag-set ng meeting si Kuya mamayang lunch eh”
“Oh, okay”
“I’ll see you later wife” sabay smack nya sa lips ko pagdating namin sa floor ko.
“I’ll see you” tas lumabas na ko ng door at pumunta sa table ko.
A little before lunch biglang may dumating sa floor namin.
“Hi I’m looking for Mrs. Andrea Lopez” rinig kong sabi nya.
Narinig kong tinuro naman nila yung office ko.
“Good morning are you Mrs. Lopez?” tanong niya sakin.
“Yes I am, how can I help you?”
“I’m Attorney Felicia Lao. Your father sent me here to talk about your divorce” sabay abot ng kamay nya sakin.
Napakunot naman yung noo ko at biglang nag-init yung dugo ko.

BINABASA MO ANG
We Got Married
RomanceWhen two broken hearts cross paths in the most unexpected place and time, they made a decision that would bind them together forever. Is it destiny's way of saying they're meant to be together, Or is it just a stupid mistake? As the saying goes, "Th...