CHAPTER EIGHTEEN

548 9 0
                                        

CHAPTER EIGHTEEN

“Xander ito na yung design for middle class rooms” sabay abot ko nung proposed design ko.

May kausap siya sa cellphone kaya di nya muna ko pinansin.

“No I don’t want to” sabay baba nung phone nya.

“Who was that?” tanong ko.

Di nya ko sinagot at kinuha yung designs ko.

Tumunog ulit yung phone nya, pero tiningnan nya lang kung sino’t pinatay toh.

Paulit-ulit na tumunog yung phone nya, narindi na ko.

Kinuha ko yung phone nya’t nabwisit na ko.

“Andy don’t” but too late dahil sinagot ko na.

“Hello, who’s this?”

“Hello Xander? You sound funny”

Nagbago yung itsura ko’t sinamaan ng tingin si Xander.

Si Victoria.

So she’s been pestering Xander hah. Nakakainis lang. Tas hindi sakin sinasabi nito ni Xander. Eh bwiset lang talaga.

“Xander please I need you. Kausapin mo naman ako. I want to explain everything. Can you not give me a chance?” sabi nito sa kanya.

Nagpintig yung tenga ko sa narinig ko. How dare she?!

Pinatay ko na yung cellphone ni Xander at binalik sa kanya.

“Kelan pa siya tumatawag sayo?” tanong ko.

“Andy...”

“Kelan pa Xander?!” tanong ko ulit.

“After the dinner. Binigay ni Ma yung cellphone number ko. I’ve been blocking her calls pero mapilit siya” paliwanag naman nya sakin.

“And you didn’t even bother to tell me?”

“I mean to kaso...”

“Oh forget it Xander” tas lumabas na ko ng opisina nya.

Nakakainis! Ang tagal tagal na pala nyang nakakausap yung bwitreng babae na yun tapos di man lang nya mabalita sakin. Anong kakapalan ng gilagid yun diba?! Ang shit lang!!

Nagtrabaho na lang ako ng matiwasay. And when I say work, I meant stalking. Yes, I stalked Victoria Prinsloo. Nag-email ako sa mga friends ko sa Vitro and I even googled her.

Ugghh... Ang landi nya I swear!!! Andami nyang na-uto na kung sinu-sinong lalake. I dislike her so much!!! Kakaasar!!

Buong hapon yun lang ang ginawa ko, I hate feeling inferior to that bitch. Bwisit! Kaya inalam ko na lahat tungkol sa kanya.

Nakabusangot ako sa harap ng computer ko. Andami kasing positive shits sa kanya. Naaasar ako!!!

Biglang nagtilian at nagbulungan yung mga kaopisina ko. Sinilip ko kung anong meron.

May deliveryman na may dalang sobrang laking bouquet ng white rose. Huh. Sweet naman.

Nagulat ako ng tumigil siya sa harap ko.

“Special delivery po” sabi nya.

Odd, familiar yung voice. Hindi ko naman makita yung mukha nya dahil nakatago sa likod ng flowers.

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon