CHAPTER THIRTY-FOUR

484 8 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

LOUISE

“Bitch ang tagal mo naman!” sabi ni Celine sakin.

Papunta na kami sa baggage carousel para kunin yung mga maleta namin.

Maaga kaming nakauwi ni Celine, dapat kasi bukas pa. Kaso mabait ang Vitro at pinakuha na kami ng flight today. Buti na nga lang nasabihan ni Celine si Cameron.

At buti na lang at nagkabati na yung mag-asawa.

When Andy called us, she was gushing habang kinukwento nya yung nangyari nilang pagu-usap.

Syempre natuwa naman kami ni Celine dahil at least klaro na sa kanilang dalawa na mahal na nila ang isa’t isa diba.

 Biglang naputol yung iniisip ko nung may bumangga saking nagmamadaling babae.

Magtataray sana ko eh, kaso mukha naman siyang mabait at mahinhin.

“Sorry Miss” sabi nya sakin.

She was roughly around my age, pero mukha siyang prim and proper kahit nagmamadali.

“It’s okay” I smiled at her.

She bowed her head before walking past me.

“Come on Lou. Wala ka na bang ibibilis?” reklamo ni Celine nanaman.

“Why are you nagmamadali?” I asked, eyebrow raised.

“Hello, gwapong nilalang ang susundo sakin bakit hindi ako magmamadali” she joked.

It seems like she and Cameron is trying to make everything right between them.

Buti naman. They both deserve each other.

Napahawak ako sa engagement ring ko. I don’t know who I miss more, si Red or si Kabe.

Red’s always busy, always away. Iniisip ko na lang na para sa future namin toh.

Kabe on the other hand, is someone I regret losing. Pero hanggang dun na lang talaga kami eh.

The day na hinatid nya ko, he vowed that he’ll try to be happy for me. Ayokong sabihin nya yun, pero yun ang tama. Masakit man, kelangan ko yun tanggapin. I can’t hurt someone as kind as Red.

Nakarating na kami sa baggage carousel at kinukuha na ang mga maleta namin.

“Sino susundo sayo?” tanong ni Celine sakin.

“Wala, nasa Bicol pa is Red eh”

“Naku, yang fiancé mo talaga. Sabay ka na lang samin” yaya nya sakin.

“Sure? Baka magalit si Cam”

“Hindi yun. Eh si Kabe di ka ba susunduin?” tanong nya sakin.

“CeCe, I’m not his responsibility” placing my luggage sa trolley.

Tinulak na namin palabas yung trolleys namin. Tinawagan na ni Celine si Cameron.

Habang naghihintay kami sa labas. Napansin ko yung babaeng nakabunggo sakin kanina. May tumigil na pamilyar na kotse sa harapan nya.

May lumabas na lalake, naka-shades. Pamilyar yung tindig nya. Niyakap naman siya nung babae at tinanggal yung shades nya.

“Oh my god!” bulong ko.

Napatakip ako sa bibig ko, tears stinging my eyes.

Agad kong kinuha yung phone ko’t nag-dial. Nakita ko kung pano nya sagutin yung phone nya.

“Hi hon!”

Nakita ko how those words left the mouth of the man I was staring at.

Si Red nga siya. Hindi ako nagkamali.

“Louise hon, you there?”

Pero hindi ako makapagsalita.

“I have to go hon. See you tomorrow? Love you” tas binaba nya na yun phone nya.

Hindi ako makapaniwala.

How dare he even tell me ‘Love you’ samantalang niloloko nya ko?!

“Lou, andito na si Cam, let’s go?” tawag sakin ni Celine, but I was too stunned to move.

“Lou, ano bang nang-Oh my god! Is that...”

Pero hindi ko na narinig yung sasabihin ni CeCe. I was shocked by what I witnessed.

Niyakap ni Red yung babae and kissed her on the lips, happily and torridly.

Ang sakit. Sobrang sakit.

All this time, I felt guilty because I thought I was cheating on him. But here he is, happily cheating on me. Ang masakit pa mukha siyang masaya, hindi katulad pag kasama ko siya.

“That evil, motherf*cking, cheating, lying bastard” susugurin na sanay siya ni Celine pero nahawakan ko yung braso nya.

“Celine no” pigil ko.

Hinarap ako ni Celine, I was crying so much by now.

“Lou, hindi natin pwede palagpasin toh” angal nya.

“Not here, and not today. Tara na please” sabi ko sa kanya.

Bigla namang lumapit si Cameron samin.

“Girls, what’s the hold up?” sabi nya samin.

Pero nakita nya yung itsura ko, tapos kung san galit na galit na nakatingin si Celine.

“Si Red yun diba?” gulat nyang sabi.

Tapos tulad ni Celine, susugurin na nya sana.

“Cameron please let’s just go. I can’t handle this anymore” iyak ko.

Tumingin sila sakin at agad naman nila kong inalalayang dalawa.

“Didirecho tayo kina Xander hah” sabi ni Cam.

I don’t care kung san nila ko dalhin basta gusto ko makalayo dun.

Pagdating namin sa bahay nina Andy, hindi na ko umiiyak.

“Welcom ba-” pero naputol yung masayang bati ni Andy nung nakita nya yung itsura ko.

Agad ko naman siyang niyakap, I was crying again.

Bigla namang may nagtatawanang pumasok galing sa garden nila. Napahiwalay ako ng yakap kay Andy.

Si Xander, kasama niya si Kabe.

Nawala yung ngiti nila ng makita ako. Lalo na si Kabe.

“Louise...” he started, his eyes worried.

I don’t know what to say to him. Susumbatan nya ba ko dahil mali ako ng taong pinagpalit sa kanya?

“I’m s-sorry. Hindi ako dapat pumunta dito. I-I have to go” sabi ko sabay labas.

Narinig kong pinigilan nila kong lahat pero hindi ko sila pinansin.

Nahihiya ko kay Kabe. Nahihiya ako dahil nagpakatanga ko. Nahihiya ako dahil ito nangyari sakin pagkatapos ko siya ipagpalit.

Iniwan ko yung maleta ko kina Andy at nakapara naman agad ako ng taxi. Sumakay ako agad, hindi ko na sila nilingon pa’t umiyak ako ng umiyak.

I feel horrible and miserable. I just want to be alone. I deserve to be alone.

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon