CHAPTER THIRTY-THREE

539 8 0
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE

I’m an emotional wreck.

Six days had passed simula nung dumating ako dito.

Three days ago I confessed that I love Xander and he gave me space.

Three days later I’m still miserable as hell.

Today though I decided sulking isn't good for me. Iyak-tawa ang ginagawa ko. Malapit na ata ako mabaliw.

Nagbihis ako at pumuntang Cradle's, magpapakalasing na lang ako.

Pagdating ko dun, Mario was surprised to see me.

Pero wala talaga ko sa mood kahit uminom so tumambay na lang ako.

We just talked habang nagtatrabaho siya.

Guys were hitting on me to no avail. I'm such a party pooper!!

Aalis na sana ko dahil pakiramdam ko napakawala kong kwenta ngayong gabi nang bigla na lang nagkaron ng commotion.

"Bitawan nyo nga ko!" sigaw ng isang lalake.

Agad namang umalis si Mario at sinundan ko siya.

Pagdating ko dun my heart melted at the scenario.

It was Xander.

He was held up by two guys habang yung isa sinapak siya. But he’s so strong, tinulak nya yung isang may hawak sa kanya't sinipa yung isa, tas sinapak nya yung nanuntok sa kanya kanina.

"Hey break it up!" sabi ni Mario.

Hindi nakinig si Xander at pinaguupakan yung mga nang-agrabyado sa kanila.

I decided to enter the scene. Kinapitan ko yung braso nyang ipangsusuntok sana.

"Xander stop it"

He whipped his head to my direction, galit sa pumigil sa kanya. But his anger melted nung nakita nya ko. And napalitan yun ng lungkot at relief.

"Andy?"

"Yes, I'm here so calm down okay?" sabi ko.

"Hoy miss, boyfriend mo ba yan?? Hiwalayan mo na yan!" sabi nung unang sumapak sa kanya.

Nangalit nanaman yung mukha ni Xander.

"Bastos ka noh? Ako ang may-ari nitong club na toh kaya bago ko kayo ipakaladkad palabas, umalis na kayo" sabi ko ng masama.

Bigla naman silang nag-panic at umalis.

Tumingin ulit ako kay Xander at naawa ako.

“Let’s get you home” sabi ko ng malumanay sa kanya.

Nagpatulong ako kay Mario na madala siya sa kotse. Nakatulog siya sa shotgun seat. Mukhang ngayon lang ulit siya nakatulog.

Tinawagan ko din si Cam at Kabe para matulungan akong ipasok siya sa bahay namin. Ayoko naman na gisingin pa si Xander.

Pagdating ko sa bahay, andun na yung dalawa. Hinatid nila si Xander sa Master’s bedroom.

“Buti nandun ka Andrea. Kung hindi baka nakapatay na si Xander” sabi ni Kabe.

“Buti na nga lang eh” sabi ko.

“Alis ka na ba? Kami na bahala sa kanya” sabi ni Cameron.

Tiningnan ko nang mabuti si Xander.

Could I leave him? The way he stared at me kanina, para siyang nawawala.

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon