CHAPTER FORTY-EIGHT

547 11 0
                                        

CHAPTER FORTY-EIGHT

The next three days were the best ever.

Yung unang araw hindi kami lumabas ng kwarto ni Xander.

As in literally, walang labasan ng kwarto at bihisang naganap.

 May pagkain naman kasi kami dito sa kwarto namin kaya di na kami lumabas, at tulad nga ng sabi ni Xander, hindi na kelangan pang magbihis kung tatanggalin din naman after.

We just made love the whole day.

The next day, dun na kami lumabas ng kwarto and all we did that day was talk. Yap, it was possible to spend a day with Xander talking, although may occasional kissing na nagaganap.

Nung third day pumunta kaming bayan at bumili ng mga pasalubong tapos we toured around the city.

Nag-impake na rin kami since babalik na kami kinakabusan.

We had a romantic dinner sa porch namin after.

Ang sarap sa pakiramdam na walang pinoproblema.

Pabalik na kami sa Manila.

“Babe alis na ba talaga tayo??” I pouted at him habang nilalagay nya yung mga maleta namin sa sasakyan.

“Yes, we have work”

Sabay yakap nya sakin.

“About that, I was meaning to tell you something”

“Ano yun?” sabay hawi sa buhok ko.

“Magre-resign ako after ng Palawan project” I declared.

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

“Why?”

“Because I want to. Ayokong itago pa natin tong relationship natin, if I’m going to be Mrs. Lopez, ayoko na nagtatrabaho pa ko under sayo. It would be unethical and unfair”

“Eh anong gagawin mo? Bum around? Or  babalik ka sa photography?” nagaalala nyang tanong.

Kinurot ko nga sa ilong.

“Silly. Diba hindi na kita iiwan?? Well, I’m planning to put up a furniture business since designer ako and architect ka. Nakausap ko na si Daddy Ramon and Tatay Arturo. Maybe in a month or two pwede na ma-set up yun” sabi ko sa kanya.

He look impressed sa sinabi ko.

“You’ve thought about this?” sabay taas ng kilay nya.

“Yes, because I’ve been craving to announce that I am Mrs. Lopez” then I smacked him on the lips.

“Okay, we’ll see” then he kissed me again.

I stopped him bago pa mauwi sa kung saan yung halikan namin.

“We will be late for our flight Mr. Lopez” then umalis ako sa pagkakayakap sa kanya.

Our flight was comfortable.

Natulog lang kami ni Xander since that was what we lack these past few days.

We touched down in Manila nang bandang hapon na. Masaya kaming nagkukwentuhan nang mapansin naming may mga reporters sa labas. Tapos may mga fangirls.

Ahhh... Siguro may artistang padating.

So we strut our way out happily. Nagaabang na samin yung sasakyan ni Xander dahil pinadala na nya dito mula sa pinag-iwanan namin.

Maayos na sana lahat kaso may nakakita saming reporter.

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon