CHAPTER 2

9.1K 246 2
                                    

Kakalabas lang niya sa pinagtatrabuhan niyang talyer malapit sa tinutuluyan niya apartment. Ang pagmemekaniko na ang naging trabaho niya pagkatapos niya magtapos ng kolehiyo sa kursong HRM hindi naman niya iyun nagamit pa dahil sa bigla pagkamatay ng kanya ama na siya iniidolo niya sa galing nito paggawa ng mga sasakyan at namatay naman ang kanya ina pagkatapos siya isilang nito.

Ang pinapasukan niya ngayon ay ang dating pinagtatrabuhan ng kanya ama at siya ang pumalit ng pumanaw ito. Gusto niya gamitin ang natutunan niya mula sa kanya ama.

Hindi pa man siya nakakalayo sa talyer ng magring ang di-pindot niya celpon. Agad na dinukot niya iyun sa suot niya marumi at puno ng grasa na jumper suit.

Mang Rene calling...

Agad na sinagot niya ang tawag.

"Hello po.."

Mabilis ang tibok ng puso niya. Nag-eexpect kasi siya na maipapasok siya nito sa pinagtatrabuhan nito. Sa JJ's Car Racing Club bilang mekaniko. Kaibigan ito ng kanya ama at nagkita na lamang sila ng pumunta ito sa lamay ng kanya ama at nangako kapag naghanap ng bagong mekaniko sa pinapasukan nito ay siya ang kukunin.

"Maganda hapon,hija..Pwede ka ba bukas ng umaga?"bungad nito.

"Depende po.." sagot niya.

Natawa naman ito. "Manang-mana ka talaga sa ama mo,nakakatakot kausapin.."

Napabuga siya ng hangin. Ganun siya,masydo maaskad ang ugali dahiL siguro tinuruan siya ng ama wag magpakita ng kahinaan di porket babae siya.

"Pasensya na po.." nahihiya saad niya.

"Naku,wala yun,hija! Bigla ko tuloy naalala ang tatay mo," buntong-hininga nito turan.

Bigla nanikip ang dibdib niya ng maalala din ang ama.

"Bakit ho kayo napatawag?" saad niya

"Oo,hija..kasi nangangailangan kami ng bagong mekaniko,di ba nangako ako ikaw ang kukunin ko at ito na ang pagkakataon mo para magamit mo yang skills mo sa mas malaki at mas malinis na lugar,"

Napangiti siya sa maganda balita nito.

"Salamat ,Mang Rene.."

"Ititext ko sayo ang address..wag ka mag-alala pwede ka muna tumuloy dito sakin,tatlo lang naman kami dito sa bahay kaya may space ka dito," anito.

Tumango siya kahit hindi nito nakikita.

"Sige ho,Mang René.."

"Sige,ipapasundo kita sa Bus terminal na bababaan mo kay Sara.." tukoy nito sa nag-iisang anak na babae na kasing-edad lang niya.

"Sige ho.."

Nang matapos ang tawag agad na umuwi siya sa apartment niya para mag-impake ng ilang gamit.

Nasanla ang bahay nila dahil sa pagkasakit ng ama at hindi na niya natubos yun kaya tuluyan na nawala ang bahay sa kanila pagkalibing ng ama agad na naghanap siya ng apartment na maliit na kaya niya bayaran.

She sighed. Sana naman this time makahawak naman siya ng sasakyan na mamahalin at malinis. Hindi sa nagrereklamo siya sa mga sasakyan na ginagawa niya kaso lang kasi gusto naman niya yung makahawak siya ng mamahalin at masasabi niya karapat-dapat siya maging mekaniko kahit na babae pa siya.

Kung sakali man matanggap siya sa pinapasukan ni Mang Rene pagbubutihan niya. Ang pagkakaalam niya sa isang kilalang racing club ito nagtatrabaho at opportunity iyun sa kanya.

Naeexcite na siya para sa pagkakataon iyun.

Prince of Red Wolves Series 4 : JAMERE JUSTO by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon