"Aj,di ka pa uwi?" si Mang Rene.
"Mauna na po kayo,Mang Rene..tapusin ko lang po ito" sagot niya habang tinutunilyuhan ang isang bahagi ng kotse.
"Sige,hija..mauna na ko,samahan ko pa mamalengke si Misis..alam mo naman yun gusto lagi may alalay."
Natawa siya sa sinabi nito.
"Sige ho..ingat po kayo," aniya.
"Aj!" si Aries
"Oh Aries," aniya.
"Una na ko ah.." anito.
"Sige,ingat.."
Nalaman niya na kinausap pala ito ng Sir Jamere nila kaya bigla naging iwas ito sa kanya.
Marahas siya napabuga ng hangin.
Napahinto siya sa ginagawa nang makarinig siya ng pamilyar na ingay na palagi gumigising sa kanya.
Pinakinggan niya ng maigi kung saan iyun nanggagaling.
Malapit lang yun sa kinaroroonan niya.
May kaba sa dibdib na sinundan niya ang pinagmulan ng alulong iyun.
May alaga bang hayop na nakakulong sa malapit?
Hindi niya alam kung ano nagtulak sa kanya para tunguhin ang pinagmumulan niyun.
Lalo lumakas ang ingay na yun ng makarating siya sa kinaroroonan ng opisina ni Jamere.
Hindi niya alam kung nakauwi na rin ito. Malamang nauna na dahil baka akala nito maaga siya umuwi.
Huminto siya sa tapat ng pinto at doon nagmumula ang ingay.
Lalo dumoble ang kaba sa dibdib niya. May alagang ba siyang hayop?
Pinangahasan niya pihitin ang doorknob. Bukas iyun at dahan-dahan niya itinulak pabukas.
Nahigit niya ang hininga ng makita ang isang malaking hayop na kulay pula.
It's look like the monster in her dreams!
Hindi siya nakagalaw nakatitig lang siya sa malaki hayop na iyun.
Hindi siya makapaniwala na totoo ang nakikita niya sa loob ng opisina ni Jamere Justo.
Nagkataon lang ba na pareho ang malaking hayop na yun sa kanya panaginip?
Akala niya iyun lang ang magpapagulantang sa kanya pero nasaksihan niya ang pagbabago ng anyo nito.
Natakpan niya ang bibig ng makilala kung sino ang nakita niya.
Walang kahit ano suot ang lalaki pagkatapos magbago anyo ang malaking hayop!
No way!
Huli na para hindi nito malaman na naroroon siya. Nagtama ang kanila mga mata.
Matiim ang mga mata nito nakatingin sa kanya.
Marahas sya napatalikod.
Hindi! Namamalikmata lang siya!
Nanlalamig ang buo niya katawan na nagmamadali umalis sa lugar na iyun.
Damn! Totoo ba yun?!
O guni-guni lang?!
Sa pagmamadali niya hindi niya napansin na babangga siya sa matigas na bagay.
Muntikan na siya mabuwal kung hindi lang naging maagap ang humawak sa braso niya.
Nanlalaki sa gulat ang mga mata niya nakatitig sa binata na kanina lamang ay nasa loob ng opisina.
Guni-guni lang ata yun nakita niya kanina? Paano ito makakalabas ng ganun kabilis?
"Aj.." anas.
Saka lang siya natauhan sa pagkagulat.
Sinuyod ng mga mata niya kabuoan nito. Naka-t-shirt at pantalon ito.
Hindi kaya taLaga guni-guni lang yun?!
"What's wrong?"matiim nito saad.
"You look pale?" paghaplos nito sa pisngi niya.
Agad na napaatras siya rito.
"W-wala..uuwi na ko."
"Kanina pa kita hinihintay sa labas akala ko na kauwi ka na pero sabi ng guard nandito ka pa sa loob.." matiim nito saad.
Tumikhim siya.
"Pauwi na ko.." maiksi niya sagot.
"Okay,hintayin na lang kita sa labas.."
Marahas siya napabuga ng hangin.
Baka pagod lang siya. Pahamak ang masama panaginip na iyun!
Pero may kung ano pagdududa siya sa binata.
Hindi. Guni-guni ko lang yun.
Tama. I'm think I'm going crazy now.
BINABASA MO ANG
Prince of Red Wolves Series 4 : JAMERE JUSTO by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Hombres Lobo#Prince #Redwolf #Romance #Mate #Prophecy #dreame