There's a time na nababagabag siya. Minsan kasi nauuna siya umuwi sa bahay ng nobyo.
Gusto niya kasi pinagluluto niya ito ng hapunan.
He loves spicy adobo. Halos gabi-gabi iyun ang niluluto niya hindi daw nito pagsasawaan ang adobo na luto niya dahil wala naman daw sa mundo na pinanggalingan nito makakain ganun kasarap na pagkain.
Gusto man nila pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyun pero hindi naman nila alam kung paano nila uumpisahan at alam niyang ayaw lang ng binata pag-usapan muna dahil alam niyang inaalala nito ang magiging tugon niya.
Sakto patapos na siya magluto ng mag-ingay ang doorbell.
Agad na nagtaka siya hindi naman ugali ng nobyo ang magdoorbell. Bigla na nga lang ito sumusulpot at lagi na lang siya nagugulat dun.
Masasagot ang tanong niya kung pagbubuksan niya ito ng pinto.
Hindi kaya ang kaibigan ni Jamere.
Si Zei?
Binuksan niya ang pinto pero mali siya ng akala.
Isang hindi pamilyar na lalaki na may kaedaran na rin.
Hula niya nasa mid-60s na ito.
"Sino po sila?"
"Maganda gabi,Hija.." anang nito.
"Ako nga pala si Danny Lucas ang manager ni Jamere,is he here?"
Of course kilala niya ito ang makulit na manager ng nobyo.
"Uhm,Mr.Lucas..hindi pa po nakakauwi si Jamere.."
Mabait ang ngiti nito sa kanya.
"Ganun ba..kung ganun,pwede bang ikaw na lang kausapin ko?" mabait nito saad.
Nagdadalawa -isip siya pero para na rin makatulong sa binata na tigilan na nito ang nobyo pumayag siya kailangan din niya ipaintindi dito ang side ng binata.
Hindi siya basta-basta nagpapasok ng tao na ngayon lang niya nakilala kaya lumabas siya para sa labas na sila magkausap.
Wala naman sinabi ang matanda sa ginawa niya. She's just respect the owner of this house lalo pa at nakikitira lang siya rito.
"Mr.Lucas,nabanggit po sakin ni Jamere ang kagustuhan niyo na sumali muli siya sa Racing Competition.." simula niya.
"Pero siguro ho respetuhin niyo na lamang ang naging desisyon niya," dagdag niya.
"You are his girlfriend?"
"Yes,Mr.Lucas.."
"I see,minsan hindi talaga maiwasan na makielam ang mga nobya sa isyu ng nobyo nila.."
Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito.
"What do you mean,Mr.Lucas?"
"Jamere is generous man baka naman kaya lagi siya tumatanggi eh dahiL sayo..?" makahulugan nito saad.
Naikuyom niya ang mga kamay.
Sa buong buhay niya hindi pa siya pinagsalitaan ng mas matanda sa kanya.
At may respeto siya sa nakakatanda sa kanya.
"Minsan paranoid ang mga nobya nila dahil ayaw nila maagawan ng atensyon.." patuloy nito pasaring sa kanya.
Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib.
"Mr Lucas. Hindi ko po pinapakielaman ang desisyon niya gusto ko lang naman linawin sa inyo na wag niyo na siya pilitin pa.." matapang niya sagot rito.
Naningkit ang mga mata nito na may wrinkles na sa magkabila gilid.
"Masyado ka matapang.." patuya nito saad.
Marahas siya napabuga ng hangin.
"May respeto pa po ako sa nakakatanda sakin,Mr.Lucas.." matapat niya saad.
Hindi na umimik pa ang matanda bagkus umalis na ito.
She sighed. Napapailing na nasundan na lang niya ng tingin ang papalayong unwanted visitor.
BINABASA MO ANG
Prince of Red Wolves Series 4 : JAMERE JUSTO by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prince #Redwolf #Romance #Mate #Prophecy #dreame