CHAPTER 22

7.4K 210 1
                                    

Bigla siya naalipungatan at nagmulat ng mga mata. Sa silid ng binata siya natulog. Bumangon siya at may pilit na inaaninag sa isang sulok.

Tanging liwanag ng buwan lang ang tanglaw niya.

"Jamere?"sambit niya sa pangalan ng binata.

Hindi niya alam kung bakit niya ito tinatawag may pakiramdam siya na si Jamere ang nararamdaman niya nakatitig sa kanya.

Maya-maya pa ay naaninag ng liwanag ng buwan ang kulay pulang lobo.

Nakatitig lamang sila sa isa't-isa.

"Jamere.."usal niya na hindi inaalis ang tingin sa lobo.

Lumapit ito sa gilid ng kama niya nakasunod lang ang mga mata niya sa paglapit nito sa kanya.

Binuhay niya ang nakapatay na lampshade. Mas lalo niya naaninag ang lobo.

Walang pasubali na inangat niya ang kamay para haplusin ang mukha nito.

Umisod siya palapit rito. Hindi siya nangangamba na baka bigla siya nito dambahin at kainin.

It's JAMERE.

Masuyo niya hinaplos ang malambot at makapal nitong balahibo.

" Ang ganda ng kulay mo.."namamangha niya saad.

"Tss,kahit anyo lobo ka na parang ang pogi mo pa din," hindi napigilan niya saad.

Gumalaw ang lobo at tila nagugustuhan nito ang paghaplos niya rito.

She's chuckled.

Umakyat sa kama ang lobo at dumapa ito,ipinatong nito ang mukha sa hita niya.

She chuckled. "Good boy!"

Umingit ang lobo. Hindi niya alam kung para saan ang reaksyon nitong iyun.

Masaya na hinaplos niya muli ang lobo at pumikit pa. Mukhang makakatulog pa ata ito.

Inayos niya ang pagkakahiga ng dalaga. Nakatulog ito nakasandal sa headboard.

Natutuwa siya na komportable ito kasama siya sa anyo lobo niya.

He sighed.

Hinawi niya ang buhok na tumakip sa noo nito at pinatakan niya ng halik sa noo.

"Goodnight,baby.." anas niya bago niya iwan ito roon.

Kinabukasan,maaga nagising si Aj pero wala na ang lobo ng magising siya.

Pasado alas seiz pa lang ng umaga pero bumangon na siya. Ipagluluto muna niya ng agahan ang binata bago siya umalis.

Tapos na siya magluto pero hindi pa rin gising ang binata na nasa kabila kwarto lang.

Naisipan niya mag-ikot-ikot muna habang hinihintay ito lumabas ng kwarto.

Natuon ang pansin niya sa isang kulay ginto na bote. Nakadisplay iyun kasama ng ibang bote ng wine.

Nangahas siya na kunin iyun.

May nagtutulak sa kanya na tikman iyun. Hindi naman siguro magagalit ang binata na bumawas siya roon.

Kumuha siya ng baso at nagsalin.

Kulay pula ang likido na bumuhos sa baso.

She's smirk.

Dinala niya sa bibig ang baso at tinikman. Matamis ang lasa at wala siya nalalasahan na alcohol.

Hmm,masarap.

Inisa lagok niya ang wine at muli nagsalin.

Ang sarap talaga!

Prince of Red Wolves Series 4 : JAMERE JUSTO by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon