Binalik ko ang mga nagkalat na damit sa wardrobe, hindi ko na lang tinupi. Binuksan ko ang aircon ng kwarto pati na rin ang electric fan, pagkatapos ay ginulo ko ang kama at inayos ang mga unan saka ito kinumutan, making it look like I am sleeping.
I slid the backpack towards my shoulders. Binuksan ko pintuan ng veranda ng aking kwarto, saktong iyon ay may kumatok. "Miss Akira?" Boses ito ni Lola Asuncion.
Nanlaki ang aking mga mata at saka tumakbo para pagbuksan siya. Mabilis ko siyang pinapasok at saka niyakap. "Lola." I can feel my tears building up.
"Ano ang ginagawa mo? Maglalayas ka?"
I smiled and nodded. "Lola, they're gonna lock me up. It's no different from being held as a captive."
"Mag-ingat ka." Agad na sambit ni Lola, as if understanding me. "Pero saan ka pupunta? Yong papa mo, kaya ka niyang ipahanap."
"I'm going somewhere he can't find me. Lola, baka ito na ang huli nating pag-uusap. Salamat at hindi mo ako pipigilan."
"Kung pigilan kita, apo ko, hindi ka naman makikinig. Ipagdasal ko ang iyong kaligtasan. Pumunta ako rito para sana tignan kung tulog ka pa, ipinagluto kasi kita."
My heart melted. I wanted to stay and eat with her, but time was running out. Any minute by now, pupuntahan na ako ng mga tauhan ni papa at kakandaduhin nila ang kwarto ko. I can't risk my freedom just for the sake of sentimental feelings.
"Lola, don't worry about me. I'm in good hands." Hinawakan ko siya sa kan'yang kamay at ngumiti, "kailangan ko nang pumunta."
"Paano ka makakatakas? Mahigpit ang seguridad sa labas ng mansion. Matayog din ang pader."
I smiled, "I know just what to do. Lola, paalam."
Ngumiti siya sa akin. "Paalam, Akira. Mag-iingat ka 'lagi."
"Opo."
Tumungo ako sa veranda, may malaking puno sa tabi nito. I jumped and held the branches. That was a close call. I sighed. Tumingin ako kay Lola Asuncion na halata ang pag-aalala sa mukhang sumilip sa akin. She nodded at me for the last time and I beamed at her, telling her silently that I am going to be okay. After that, I looked away. It was one of the hardest thing to do. Tumalon na ako pababa, landing against the bermuda grass.
Mula sa aking pwesto ay nakita ko ang sasakyan ni Vanz, mukhang ito ang ginamit ng mga Alfonzos papunta rito. As if thinking of a last-minute idea, agad ko itong sinakyan. Stupid Vanz. He never learns to lock his car. I picked the ignition of the car and the engine started, I smiled.
Pinaharurot ko ang kotse, agad naman akong pinagbuksan ng mga gwardya sa tarangkahan, thinking it was Vanz and his parents inside the car, mabuti na lang din at tinted ang kotse kaya hindi nila alam na ako pala ang nakasakay dito. As a sign of acknowledgment, binusinahan ko sila. At ang mga tanga naman ay sumaludo.
Nang nasa main road na ako ay mabilis kong pinatakbo ang sasakyan. I needed to get away as far as possible. I drove fast for an hour, by now, I am sure they are already looking for me and Vanz is probably going insane about his car being taken.
Dahil malayo naman na ako at gutom, I decided to have a drive thru at a fast food chain. It was lucky of me that Vanz left his wallet inside his car, so I'm going to borrow money first. I ordered chicken nuggets, fries, coke float, mashed potato, burger, spaghetti, and more!
After paying and getting my order, nagmaneho ulit ako. I was smiling while eating as I drove the car. I drank the cokefloat, halos mabitawan ko ito dala ng gulat nang may teleponong tumunog sa tabi ko. It was Vanz's phone. Damn. What if there's a GPS tracker?
BINABASA MO ANG
Shipwrecked Hearts
RomanceHighest ranks: #1 in Mystery/Thriller #1 in Romance #1 in Adventure #1 in Fantasy #1 in Action #1 in General Fiction #1 in Science Fiction Akira Kara's perfect life fell apart when she discovered that her fiancé wasn't really the man she thought he...