Pumasok kami ni Maximo sa loob ng camara de comercio. Nagtipon ang lahat ng mga lupon at konseho, pati ang mga kapitan, ang lahat ng mga nasa pinakamataas na posisyon sa Order. Tahimik ang lahat, damang-dama ang mabigat na tens'yon sa loob, halos ang lahat ay hindi gumagalaw. Halata ang pag-aalala sa mukha.
Hinila ni Maximo ang kan'yang silya sa kabisera ng pahabang mesa. Tanging ang paglahaw lamang nito ang umalingawngaw sa nakahihindik na silid. Sumunod naman ako at ganoon din ang tunog na nalikha. Tila dala ng pagsalpok ng kahoy at ang marmol na sahig.
Tinignan ko ang lahat. Halata ang pagkabalisa sa bawat isa sa silid. Kahit pa man na nakamaskara ang karamihan lalo na sa mga pirate council, kitang-kita ko pa rin ang kanilang alapaap. Alam kong naibalita na sa kanila ang tungkol sa dalawang pagkamatay na naganap dito sa loob ng palasyo sa loob ng ilang oras lamang. Sino nga ba ang hindi mangangamba kung ang akala mong ligtas na lugar ay hindi pala ligtas?
"At this moment, I believe the head of the pirate council has been elected already."
Tumango sila at tumayo ang isang lalakeng nakaitim na kasuotan, tila isang pari ito. Nakasuot siya ng sambalilo kung saan sa baybay nito ay may nakabiting tela. Tinatakpan nito ang gilid ng kan'yang mukha at ang kan'yang ilong pababa. Halos kaedad lang namin ni Maximo ang kan'yang itsura.
"I am Memento, the new head." Tipid na pagpapakilala nito bago umupo.
"Now, let's go down to business." Nakita ko ang paglaro ng bawat daliri ni Maximo sa mesa. Sa bawat pagtapik ng daliri ay katumbas naman ng isang kumpas na kumakawala. Ngayon ko lang napansin ngunit hindi na lamang pag-aalala ang nakaukit sa kan'yang mga mata. Hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako, pero ngayon... kitang-kita ko ang pagkaengganyo, na tila matagal na niyang hinihintay na mangyari ito.
No... this was his face the whole time. I just pretended to outlook it, because I wanted to believe that Maximo needed me. It was all nothing but white lies I tried to believe. He wasn't worried at all, in fact, he was enjoying himself.
Maximo's words seemed to be like an ice-breaker, sabay-sabay na nagsalita ang lahat ng mga tao sa loob. All with their concerns about the palace's security. That it needs to be tightened even more, that there might be more victims and casualties afterwards, and all sorts. Nakakabingi. Nakakasakit ng ulo.
Tinignan ko si Maximo, pakubli siyang ngumisi. "Are y'all done with your banters?" This time, Maximo spoke. Dahil dito'y unti-unti silang tumahimik. Tinaasan din ako ng balahibo dahil sa tono niya. Tila nang-aasar na naiinis, it was demanding authority and power.
"We're only concerned that the palace is no longer a safe place." Pagmamalakas-loob ng isang hunta, nakita ko ang pagkuyom ng kan'yang dalawang kamao.
"There's no safe place, fools." Maximo snarled. "Stop confining yourself with the idea that there is, because let me shove it to your throats, all of you, there is no fucking safe place." Kalmadong sambit niya, "I get it, I understand. You're all worried that the enemy is inside. To be honest, I'm thrilled... I'm thrilled that there is someone who isn't afraid of me, someone who is stupid enough to dare to get in my way." He snapped his fingers, saktong iyon ay bumukas ang pinto at pumasok si Joziah kala-kaladkad ang isang babaeng nakauniporme bilang kasambahay, nakatali ang kan'yang mga kamay.
Tila laruang binato ni Joziah ang babae sa marmol. Napasubsob naman ang babae sa sahig at tumingin sa amin—luhaan ang kan'yang mga matang mugtong-mugto at namumula. "Maximo, this is the handmaiden of Goliath." Joziah announced.
Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi ni Maximo, walang sabi siyang tumayo, nilapitan niya ang kasambahay at umupo, ang kan'yang mga siko ay nakapatong sa kan'yang tuhod. "Am I scary?" Tanong ni Maximo sa babae, seryoso ang boses nito, walang bahid ng ibang emosyon kung hindi ay kaseryosohan. "Sagutin mo ako."
Nakita ko ang paglunok ng babae.
"Your tears won't work on me." Siningkitan ni Maximo ang babae. "Fucking talk or I'll cut your tongue off."
"N-Natatakot ako sa iyo..." Sagot ng babae.
What is it that Maximo's doing? Tumingin ako sa babae at naawa. Hindi ko maatim na tignan ang ginagawa ni Maximo.
"So, you are afraid of me. Then tell me why did you butcher the hanged body of Goliath?" Tumaas ng kaunti ang boses ni Maximo, nakakamatay pakinggan. It was like a voice filled with venom. It was poisonous. "I know you're not one of the palace's maid. Who are you working for?"
Nanginig ang mga labi ng babae.
"How did you enter the palace?" Maximo's voice was calm—like the calm before the storm. Tahimik lang kaming lahat na nanood mula sa aming mga upuan. "Sagutin mo ako kung ayaw mong pugutin ko ang ulo mo."
Nanlaki ang kan'yang mga mata. Hindi maikakaila ang takot na siyang dinudulot ni Maximo sa kan'yang. Hindi pa niya hinahawakan o ginagalaw ang babae, tanging pagsasalita lamang. Ngunit tila malapit na sa kalbaryo ang babae dahil sa kan'yang pamumutla.
"Who are you working for? If you don't give me an answer, I'll tear you—" natigil si Maximo sa pagsasalita nang mabasag ang matayog na salamin ng silid dahilan upang tumayo ang lahat ng mga lupon at magsigawan dala ng pagkakagulat.
Tila may nagbato mula sa labas dahilan upang mabasag ang salamin. Ngunit hindi ko maintindihan sapagkat alam kong hindi ganoon kabilis basagin ang salamin. Dahil sa pangyayaring iyon ay napunta sa bintana ang aming Atens'yon. Nang ibaling namin ang tingin muli kay Maximo at sa babaeng nagpanggap bilang kasambahay, nagulat ako—nagulat kami.
She was already dead... There was an arrow that struck her through. Makikita ang matalim na palasong tumusok sa gitna ng kan'yang katawan na tila isang litson. Sa dulo ng metalya ay tumutulo ang kapiraso ng pula at malapot niyang dugo sa marmol. May pumana sa kan'yang mula sa labas!
Hindi kami nakakilos agad. Masyadong mabilis ang pangyayari. Nang maproseso ang nangyari ay agad na nag-unahan at nagsitakbuhan ang mga tao papunta sa labas. Nagkagulo at lahat-lahat na. Si Maximo naman ay nanatiling nakapako sa kinauupuan. Tinignan niya ngayon ang bangkay ng babaeng tinatanong kanina lamang.
Tumingin ako sa mga natira—ang bagong pinuno ng lupon ng mga pirata, si Memento, si Joziah na halata ang pagkamangha sa mukha dahil sa nangyari, at si Mermaid na nasa gilid ni Joziah. Naglakad ako palapit nang may nakita akong tila nakaipit na papel sa dulo ng panang tunod na tumagos.
"There's a message." I said, I opened the rolled paper and read it. "I've come to take you back."
BINABASA MO ANG
Shipwrecked Hearts
RomanceHighest ranks: #1 in Mystery/Thriller #1 in Romance #1 in Adventure #1 in Fantasy #1 in Action #1 in General Fiction #1 in Science Fiction Akira Kara's perfect life fell apart when she discovered that her fiancé wasn't really the man she thought he...