Navigare 55

16.1K 541 31
                                    

Sinuklay ni Maximo ang kan'yang buhok, halata ang pagkasiphayo sa kan'yang seryosong mukha. Tahimik kaming kumakain ngayon sa dining hall. Hindi lang kaming dalawa, naroon din ang ibang mga lupon at mga maharlika. Seryoso ang lagay ng loob, walang nagsasalita. Tanging ang tunog ng mga kubyertos lamang ang umaalingawngaw. Kapansin-pansin din na maraming umiiwas sa tapat ng bintana, siguro dala ng matinding dagok sa nangyari kanina.

"I miss sailing." Maximo sighed, "all the things happening on this island is holding me back. I've never been in the waters for a long time now."

Tumingin ang lahat sa kan'yang dahil sa kan'yang inasta. Nadama ko na tila hindi sila makapaniwala dahil sa kan'yang kinikilos. Na tila wala siyang pake sa mga sunod-sunod na kababalaghang nangyari. Ngunit walang umimik. Sapagkat umaapaw ang mabagsik na tila lason sa kan'yang tono.

Ako rin ay tahimik. Halatang hindi naintindihan nina Maximo ang sulat kanina na binasa ko. Ngunit alam ko sa kaloob-looban ko, pakana ito lahat ni Kuya. Upang maalala ko siya, kaya niya ginawa ang mga iyon—K, I, D. At ang sulat, upang iparating sa akin na andito na siya upang kunin ako muli.

Siguro kaya hindi ko maalala nang lubos din ang nakaraan ay dahil masyado pa akong bata noon. Nilaro-laro ko lang ang pagkain sa aking pinggan, wala akong ganang kumain. Halata rin naman sa iba, they were all worried. What now? This was supposed to be their safe haven, now not.

Nagkaroon na ng curfew sa kastilyo kaya naman lahat ay sabay na sa pagkain. As much as possible, we needed to be with people, dapat iwasang mag-isa. That was the best plan they could think of to repel, at least, the solo-attacks.

Isa-isang tumayo at lumabas ang mga lupon sa bulwagan. Hanggang sa kami na lang nina Maximo at Joziah ang naiwan. Si Mermaid ay pumunta sa black morgue upang tawagin si K. After all, there was another dead body.

"Joziah," binaling ni Maximo ang tingin kay Joziah na nasa gitna ng mahabang hapag-kainan na halos sakupin ang malaking silid. Tumingin si Joziah kay Maximo ngunit hindi nagsalita. "I'm replacing all the guards, I want them all to be your crew."

Tila nakuha naman ni Joziah ang mithiin ni Maximo. By doing so, the chance that the enemy slipping behind us falls to one percent. Kung iisang grupo lamang din galing ang bagong magbabantay sa palasyo, mas mabilis ma-trace kung sino ang may pakana ng lahat.

"Okay, Maximo." Sagot naman nito. "Wala ka bang balak na ipagdiwang ang iyong kaarawan ngayon, Maximo?" Kunot-noong tanong nito.

"Oh, today's my birthday?"

"Yup. It's December 1," sagot naman ni Joziah.

"What a perfect timing." Tumayo siya at saka nilahad ang kamay sa akin, nagtaka naman ako ngunit agad ko itong tinanggap. Nagulat din ako. Hindi ko alam na ngayon pala ang kan'yang kaarawan. "We're leaving."

"Saan tayo pupunta?"

"Somewhere."

Lumingon ako at nakita si Joziah, tinanguan niya ako, as if telling me to trust whatever Maximo is planning to do.

Naglakad kami sa koridor. We passed by the round pillars, hanggang sa nasa labas na kami ng palasyo. Tumungo kami sa gilid kung saan may nakita akong kamalig. Pumasok kami at doon ko narinig ang paghalinghing ng mga kabayo.

Tumungo kami sa pinakadulong kuwadra kung saan may isang kayumangging kabayo na ang mga paa'y tila nakamedyas sapagkat kulay puti ang mga ito. Tinanggal ni Maximo ang kandado at kinuha ang tali nito, maamo namang sumunod ang kabayo habang ginigiya ito ni Maximo palabas.

"Hold the rope, Starfish." Sinunod ko naman ang kan'yang sinabi at hinawakan ito, "why don't you caress her?" So this horse is a girl. "She's Avalon." Nagdalawang-isip ako, ngunit nang hinaplos ni Maximo ang mahahabang hibla ng buhok ni Avalon ay tila nasabik din ako. Dahan-dahang dumapo ang aking kamay sa gilid ng leeg nitong kabayo, "now feed her with this." Nilahad niya sa akin ang dayami. Kinuha ko naman ito at sinubo ang dulo sa malaking bunganga ni Avalon. "Keep doing this, I'll just put the saddle on her."

Tila sinusuyo ko ang kabayo habang sinusuot ni Maximo ang sintaderang yari sa tanso. Maximo locked the belt, securing it. He effortlessly slumped himself unto the saddle and Avalon did not even flinch. Inabot niya sa akin ang kan'yang kamay, "hop on."

Sinunod ko siya. Inalalayan niya ako pataas sa kabayo. Sa harap ako ni Maximo pum'westo, dahil sa lapit namin ay ramdam ko ang perpektong pagkalilok ng kan'yang makisig na katawan, tumatama rin sa aking batok ang mainit niyang hininga. He snaked his arms on both sides of me, as if securing me from falling. Nakahawak na siya sa tali. Maximo made a sound and the horse moved.

Dahil dito'y napaurong ako nang kaunti, mas lalo akong dumikit kay Maximo, he seemed to not care at all, "where are we going?"

"Somewhere where we can be alone."

Hindi ako umimik. Dinama ko lang ang hangin na humahampas sa aking mukha dahil sa bilis ng takbo ng kabayo. Umaapaw din ang tunog ng bawat hakbang nito mula sa ladrilyong sahig ng s'yudad. We went into the middle of the Jolly Roger. People waved at us, but Maximo was too engrossed to even notice. Tumigil kami sa daungan ng mga barko, naunang bumaba si Maximo at inalalayan ako. Pagkatapos ay iginapos niya ang tali sa kahoy sa gilid. He patted Avalon who seemed pleased to what he was doing.

"So, today is your birthday?"

"That's why we're going to make it special. You are going to make it special." He grinned at me. How I wish I can be like him, to grin like nothing wrong is going on. Tila nabasa naman niya naman ang aking iniisip, "I'm worried too. I just got used to it, learned that crying over a dead meat is senseless. I learned it the hard way." Kinapa niya ako sa aking pisngi at sinandal ang noo sa akin, ilang pulgada lamang ang layo ng aming mga labi, ang aming mga ilong din ay nakadikit. "Ever since I made you a pirate, a pirate queen, there's been nothing but bad shits going on. I, at least, want to make up to you. Plus, it's my birthday."

Ngumiti ako kay Maximo. I simply nodded my head, telling him I understand.

"So, Starfish, just for this day, I want you to forget all the fucking problems we're facing. It's just you and me."

Shipwrecked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon