Tahimik lang akong nakatitig sa chandelier sa kisame ng k'warto ni Goliath habang binababa siya nina Joziah at K. Maximo's penetrating gaze was locked unto me, halatang nag-aalala dahil sa aking naging reaks'yon. Naramdaman ko ang pagpilipit niya ng aming mga daliri. Nang maramdaman ko ang init ng kan'yang palad na nakadampi sa akin hindi ko maiwasang kumalma. I felt safe and sound. Hindi ko alam kung ano ang bigla kong naalala. Hindi ko masyadong naintindihan.
Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit sa lahat ng p'wedeng makalimutan, bakit ang pangalan ng aking kapatid ang isa sa mga iyon? Hindi naman ako naaksidente o ano.
Pinag-isipan ko nang mabuti iyon. Pakiramdam ko ay muling nagpaparamdam ang aking kapatid. Ano nga ba ang nangyari sa kan'yang? Bakit bigla na lang siyang naglaho noong bata pa ako? Kumirot ang aking ulo sa tuwing pinipilit kong alalahanin ang mga dapat na hindi ko nakalimutan.
"Starfish," tinanggal ni Maximo ang hawak sa aking kamay at kinapa ako sa aking pisngi. Nilapit niya ang kan'yang ulo sa akin, halos isang pulgada na lang ang layo ng aming mga mukha at magdidikit na ang amin mga labi. Dahil sa kakulangan ng distans'ya ay naramdaman ko ang paghampas ng mainit niyang hininga sa akin. Nakakaadik ang amoy nito, napakatamis at tila hinahalili ako sa isang hardin. "Tell me what's wrong."
Natigilan ako dahil sa kan'yang mga salitang binitiwan. Paano ko masasabi sa kan'yang ang mga bagay na hindi ako sigurado? Bumuntong-hininga ako, dumapo ang aking kamay sa kan'yang kamay na hanggang ngayon ay nakadapo sa aking pisngi at pinisil iyon. "Wala. Sumakit lang ang ulo ko..."
"Are you sure that's all?" Paninigurado niya.
I faked a smile, "yes, I'm sure."
"Mukha ka kasing nakakita ng multo kanina, Ate Kira." Singit ni Mermaid na nasa tabi ko. "Kita mo, namumutla ka pa."
"I'm really okay." I smiled to Mermaid. "ikaw talagang bata ka, ang dami mong alam." Binaba na ni Maximo ang kan'yang mga kamay mula sa aking mukha. I can still see his penetrating eyes—those heterochromia eyes. The green and blue shades and orbs. They were penetrating, as if they can see what you're hiding underneath. Or this is just paranoia. I'm not even sure how to tell Maximo what I remembered... it was... something you can't just talk about like it's normal.
Tinignan ko ang bangkay ni Goliath sa mga huling sandali bago ito binalot ng puting tela. "May karwahe na naghihintay sa labas ng kastilyo. Sa laki ng katawan n'yan hindi ko mabubuhat." Tugon ni K na tila nagpaparinig. "Hindi pa naman siguro patay ang pagkamaginoo ng mga lalake." Saad nito na tila pinaparinggan si Joziah. Umalis na kasi ang ibang mga tauhan na nandito kanina dahil sa utos ni Maximo.
"Oh, you haven't heard? Sasabihin ko pa sa pirate council ang balita na patay na ang pinuno nila para makapag-elect sila ng bago." He replied, "by the way, before I go... chivalry is dead." Aniya at walang pasabing lumabas sa kamara. Naiwan namang nakalaglag ang panga ni K.
Nakita ko ang pagkuyom ng kan'yang kamao, tila hindi makapaniwala sa ginawang pag-walkout ni Joziah sa kan'yang. "That... that asshole!" Nalukot ang kan'yang mukha. Napahilamos din siya. "Wala man lang konsideras'yon! Pagod na pagod na ako, e!" She sighed in annoyance. Nakita ko ang paghawak niya sa paanan ni Goliath at ang paghila sa kan'yang palabas.
"Ako na." Maximo offered. Walang kahirap-hirap niyang sinakbit sa kan'yang balikat ang nakabalot sa telang bangkay ni Goliath na parang isa siyang sako ng patatas. Walang bakas sa kan'yang mukha na nabibigatan siya sa timbang ng dating pinuno ng pirate councils.
Nauna na siyang lumabas sa kwarto at sumunod si K. Hinawakan naman ni Mermaid ang aking kamay at hinila ako palabas upang sundan ang dalawa.
Tahimik lang ako habang si Mermaid ay salita nang salita. Pinag-isipan ko nang mabuti ang mga panaginip ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y nagkaroon ako ng memory alteratio. May napanood ako dati na dokumentaryo patungkol dito.
Maaaring ang memory alteration ay sumiklab kapag naharap ang isang tao sa isang bagay na maaaring magsanhi ng pagka-trauma, mga alaalang hindi kanais-nais. Maaaring makalimutan ito. In other words, it usually happens to intense situations, gravely scenarios, but this is rare.
I altered my own memories, is that it?
Hindi ako makapaniwala. Pero nandoon pa rin ang posibilidad, I mean... considering how I forgot the existence of my foster brother Kid. Wala na akong maalala sa mga sumunod pang nangyari matapos kong tumakbo sa aking alaala, at noong lumingon ako.
BINABASA MO ANG
Shipwrecked Hearts
RomanceHighest ranks: #1 in Mystery/Thriller #1 in Romance #1 in Adventure #1 in Fantasy #1 in Action #1 in General Fiction #1 in Science Fiction Akira Kara's perfect life fell apart when she discovered that her fiancé wasn't really the man she thought he...