Navigare 57

26.1K 1K 52
                                    

I thought everything was perfect even just for this special day. It was Maximo's birthday after all. Seeing the sun as it sets into the deepest depths of the ocean was ephemeral, and watching it with someone I hold deeply inside my heart made it even more spectacular. Ngunit sa isang iglap, biglang sumabog ang tore ng kastilyo. Umalingawngaw ang pagsabog nito mula sa p'westo namin ni Maximo.

Binaling niya ang kan'yang tingin mula sa burol kung saan nakatayo ang matayog na kastilyo. Ang mga apat na tower nito kung saan ang isa ay wala na, durog ang dingding nito pati ang kalahati, pinagmasdan naming dalawa ang pagguho ng tower. Umuusok din ito kung saan ang mga nakarating sa kalawakan ay tila nagmukhang mga itim na ulap.

"Damn." Mabilis na nagsagwan si Maximo pabalik sa daungan. Kasing-bilis ng de makinaryang bangka ang andar ngayon. I can see how his muscles were tensed as he paddled our way back into the shore. Hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaks'yon ko. Bigla na lang sumabog. Nakita ko ang mga pirata sa mga barkong nilalampasan namin na nakatanaw din sa palasyo. Alam kong agaw-Atens'yon ang nangyari sapagkat ang kastilyo ang pinakatanawin ng Anarchist Harbor.

"Maximo..." malungkot kong tinignan si Maximo, mahigpit ang pagkakahawak niya sa kahoy na ginagamit niya upang gumalaw ang bangka. Sa bawat paghampas nito sa katubigan ay katumbas ng malalaking alon na siyang nililikha niya. Nang nasa deck na kami'y mabilis kaming tumungo sa pinagtalian kay Avalon.

Sumakay kaming dalawa, parehong p'westo pa rin kanina kung saan ako ang nasa harap at siya ang nasa likod ko. "Hold on tight, Starfish." Sinunod ko siya at humawak sa buhok ni Avalon. Hindi na ako umimik pa, tila isang masunuring bata ako. I don't want to delay anymore. "Hiya!" Saktong iyon ay mabilis na tumakbo si Avalon papunta sa kastilyo.

Nakamasid lamang ako sa umuusok na tore ng kastilyo habang mabilis na tumatakbo ang kabayo. We passed by the people who were all looking at the castle. May mga mukhang tauhan naman ni Maximo na nalampasan namin na agad na sumunod. It seemed like they didn't need Maximo to command for a gathering, like it was a part of their instinct to follow.

"Joziah..." rinig ko ang galit na boses ni Maximo, tumingin ako sa kamay niyang nasa harap ko, mahigpit na nakahawak sa tali, wala sa sariling dumapo ang aking kamay sa likod ng kan'yang palad, I wanted to tell him that everything will be alright.

Sa gitna ng biyahe ay tuluyan nang nandilim ang kalangitan, gaya ng aking inaasahan ay tumulo ang malakas na pag-ulan. Sa sobrang lakas ay nabasa agad kami. Masakit sa balat ang paghampas ng bawat patak ng ulan dahil sa bilis ng pagtakbo ni Avalon, ngunit hindi ko iyon pinansin. Hindi namin pinansin iyon ni Maximo.

Nang nalampasan namin ang s'yudad ng Jolly Roger ay sinalubong kami ng kakahuyan at kagubatan na siyang pumapaligid sa palasyo. Hindi ko alam pero tila alam na ni Maximo ang nangyari. Hindi ako nagtanong o umimik, ang alam ko lang ay may kinalaman si Joziah sa lahat ng ito.

Lumingon ako at nakita ang ibang mga tauhan na nakasakay din sa mga kabayo, sumusunod kay Maximo. Umaalingawngaw ang pagpatak ng ulan sa lupa at ang bawat hakbang ng mga kabayo. Tila namanhid din ang gitna ng aking hita sa hindi malamang dahilan, siguro dahil kay Avalon.

Nakita ko ang mga makapal na pader na pumalibot sa mans'yon at ang malaking tarangkahan nito. Pumasok kami sa loob at suminghap nang makita ang dalawang g'wardya na nagilitan sa leeg. There was blood on the ground that looked like a spilled red wine. Mabilis na tumigil si Avalon at bumaba si Maximo. Hindi na niya ako inalalayan pang bumaba dahil agad niyang tinignan ang pulso ng dalawang g'ward'ya.

"Damn it." He balled his hands into a fist upon confirming their death. His knuckles turning into a pale-yellow color. Dumapo sa kan'yang buhok ang kan'yang mga kamay matapos iyon at tila sinasabunutan ang sarili. Bumaba ako kay Avalon, kasunod nito ay ang pagpasok ng crew ni Maximo pati na rin ang crew ko. Nakita kong lumapit si Nick at Charles sa akin, gayon na rin sa iba pa.

"What the hell happened?" Charles scowled.

"Hell happened." Sagot ni Nick na nakatingin sa dating matayog na tower. Ngayon ay kalahati na lang, wala na ang tore nito, dahil sa pag-ulan ay natigil ang apoy at usok mula roon. Kinuha naman ni Nick ang tali ng kabayo at itinali ito sa gilid.

Tinignan ko si Maximo sa kung saan siya dating nakatayo ngunit wala na siya. I frantically searched for him around the place. Nakita ko naman siya na ngayon ay pumapasok na sa entrada. He unsheathed the sword from its hilt on his side. He looked deadly, he looks like death itself.

"Maximo!" I screamed, ngunit dahil sa malakas na pag-ulan ay tila hindi niya ako narinig. Oh, my gosh! Has he lost his mind? He's about to commit suicide! Ano ang pinag-iisip niya? Sumusugod na lang siya nang basta-basta! We need to at least make a plan! Wala siyang kaalam-alam maski ako sa mga kalaban, kung ilan sila, at kung paano sila nakapasok! They are experts on this!

Hindi ko alam ngunit bigla akong kinutuban ng masama. Lalo na noong galit na binigkas ni Maximo ang pangalan ni Joziah. I remember it clearly. As if he wanted to kill Joziah himself. Doon na ako nanghinala.

I processed all the things I know—how Maximo appointed Joziah and his crew to be the new replacement guards of the entire palace. I gasped, an unsettling realization hit me hard on the face.

Si Joziah ang may pakana ng lahat. Maximo trusts him and he returns the favor by stabbing him on his back. It feels like Marco all over again, and Meliodas. History keeps repeating itself with betrayals.

For the last few seconds before Maximo disappeared into the darkness of the palace, I screamed his name, hoping to stop him—there are too many of them. And he's all alone.

"No use calling Maximo." Binaling ko ang aking tingin kay Charles na nagkibit-balikat lang. Ano ang ibig niyang sabihin? "You may not know it but he killed thousands of men within half an hour, all by himself. Without help. I think that was the incident where he saved Yomiere Silician. He can handle it."

"But he's still human." Sumbat ko. "He can die."

Shipwrecked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon