NANG DAHIL SA MATH 😬

406 18 15
                                    

Chapter 01 - NANG DAHIL SA MATH


Math is like,

A  sheep and 4 cows in one farm together with 3 birds having red and blue feathers, with 22 goats, 5 dogs, 3 cats and 30 pigs in an equation of x=143 + (-143)raised to the 22nd power..

In short MAGULO,MAHIRAP!

Akalain mo yun, sa dinadami-dami ba namang subject na pwedeng maging daan para samin bakit MATH pa? ANO TO GAGOHAN?!

Para malaman nyo kung papano, basahin nyo lang pwede? (naman ang taray ng dating ko dun ah? HAHAHA)

*Sa Classroom*

Pesteng mga kaklase kong to! Ingay-ingay! Di ko tuloy marinig si Sir.

Gusto ko pa namang makabawi sa mga grades ko, gusto kong mapasama sa top 10 ngayun 3rd year tapos eto naman silang nanggugulo!! Hampasin ko kaya tong ng durian? 

PWEEDEEE..

"Hooyyy!! Wag nga kayong maingay!!"

"Hoy! Babae wag ka ngang kj dyan! tsaka sigurado ka ba na maiintindihan mo yang mga pinag sasasat-sat ni sir sa unahan??"

Eh shunga pala tong mga to eh, kaya nga nakikinig eh para maintindihan!

Ano guys? Hampasin ko na ba? LINTEK

Ay, Sorry. Di nyo nga pala ako kilala hahahahha 

Ako si Jasmine Dimaano, 14 years old. Third year highschool na ako and yet kaklase ko parin si FRANCIS 😬

"Pwede tumabi?"sabi ni Francis.

See?Pustahan tayo,manggugulo na naman yan.

Francis Kyle Barameda.

A 14 years OLD and a "Campus Hearthrob" sabi nila pero EEWWWWWW! San banda? Paki explain nga.

"Ok class, Lets talk about the Secondary parts of Triangle..bla..bla...bla.." sabi ni sir

Habang nag didis-cuss si sir,bigla akong napatingin kay Francis

Ang kinis ng mukha. Wow. Alagang belooo! Magkano kaya isinangla nila para ipasurgery to? Marlou ikaw ba yan? HAHAHAHA 

Ang puteeee! TSS! Glutaaa

Yung ayos ng buhok ah! PARANG HINIMOD NG KALABAW HAHAHAH

Pointed nose PERO MABUHOK NAMAN HAHAHA

And those red lips. Kyah ano gamit mong lip tint?

Ng biglang syang humarap...

Weyyyyyyyyyyttttttttttttt! Am I staring at him??

Peste. Akala nya siguro pinagpapantasyahan ko sya!

Ew-ew lang.

Makapagfocuss na nga lang kay Sir! Magqui-quiz yan for sure.

"Naintindihan nyo na ba?" tanong ni sir

"Yes Sirr!" Kakapal ng mukha ng mga kaklase ko magyes buset

"Okey. Write this on your math notebook and this will serve your seat work. Okey class?"

See? Tingnan nyo makik-wifi lang lahat sila o kaya maghuhula nalang. May maisagot lang.

Madali lang kasi yung seatwork sa amin ni sir. Multiple choice naman sya kaya di masyado mahirap

Habang nagsasagot ako..napatingin ako sa notebook ni Francis. Agaw pansin eh!

"Nanuulad ka ano?"sabi nya at tinakpan yung notebook nya.

Sira talaga tong mokong nato. E halos wala ngang sagot yung notebook nya kung maka tabon ng papel akala mo ginto, buset

"Ako tutulad sayo?Ano naman pati tutularin ko sayo, e halos wala ka ngang sagot oh?! Please lang no?"

"Ehhh ano kasi ehh.."sagot nya habang kinakamot yung ulo nya.

May kutoooo, fran? HAHAHA!

"Di ko kasi naintindihan sabi ni sir eh. Paturo naman, tuko!" paki usap nya with his puppy eyes "daw" 

"Akala ko ba nakinig ka kanina?"

"Eh di ko maintindihan eh! Ganto nalang, pagtinuruan mo ako bibigyan kita ng paborito mong....tanan!!! DEWBERRY"paki-usap nya habang hawak nya yung favorite kong biscuit..

"DWEBERRY. DEWBERRYYY KOOOOOO! Sege sege. Kaw talaga alam mo ung weakness ko. Akin na nga yan!"sabay kuha ko dun sa dewberry na nasa kamay ni Francis

Francis POV

"Hoyy Francis makinig ka ha! Ayokong slow yung tinuturuan ko" 

Ayan nanaman sya..tinotopak na..

"Yes sir! *ehem ehem* I mean ma'am!"

"Good dog. Oh eto..(sabay turo dun sa drawing na nasa notebook ko) pag sinabing Isosceles 2 equal sides sya. Pag sinabing..blahhh..blahh..blahh"

Habang nagtuturo sya sa notebook ko,di ko maiwasang mapatingin sa mukha nya..

Ang ganda pala nya sa malapitan..

Totoo ba to? Baka naman lumalabo na mata ko?Kaya mas lalo kong inilapit ang mukha ko habang sya naman nakatingin sa notebook ko

Ang kinis ng mukha nya ha? Ilang catchalis kaya ginamit nito?

Ung nose nyaaa. Iniipitan nya siguro tuwing umaga ng ipit? HAHAHA! Sakit nun. Tiis ganda ba?HAHAHA

And her reddish lips.....AHA! Lips candy! Yung kulay red! Hahah! Matesting nga..Joke! Di ako bakla no! Mag-tae kayo dyan.

Then suddenly...

Humarap sya...

----------------------------------------

May 11, 2015 (not sure if yan talaga yung date nung pinublish ko to but siguro yung late edit ko nito)

Last Edit : January 2, 2018

~ All rights reserved. No part of this document may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without prior permission from the Author. PLAGIARISM is a crime.

Note : Any resemblance of person, place or events are purely coincidental. Patnubay ng mga MAGAGANDANG TULAD KO ang kailangan sa mga mambabasa!BHWUAAAHH!

© 2015 | SiAuthorNgPageNato

Me and My Mr. CoatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon