Chapter 7

3.9K 58 0
                                    

Ara's POV

"Eto na pala ung sales report. Tapos, eto naman ung proposal ko. Nasabi kasi sakin ni Jan na nag hahanap ka ng bago'ng recipes." Inabot na sakin ni Iya yung folders. 2 weeks na rin siya rito. At infairness malaki na rin ang natutulong niya dito.

"Sige. I-checheck ko nalang. Salamat. Nga pala, baka mawala ako dito ng ilang araw next week. Aalis kasi kami ng barkada for Ilocos."

"Ako na bahala dito boss. Haha! Osige dun muna ako sa labas. Padalhan nalang kita ng kape kay Jan." lumabas na siya.
.
.
.
.
.
"Hello Kimy?"

"Mamimili na kami ni Mela ng ibang gamit for Ilocos. Ano ba gusto niyo? By land or by air? Haha!"

"Gusto ko roadtrip! Mas masaya yun!" naka-conference ata kami, kasi boses un ni Cienne.

"Ikaw Vic? Carol?" tanong ulit ni Kim.

"Ah okay lang samin ni Camille roadtrip. Para mahaba habang bonding tayo." si Carol naman.

"Oo, sige kotse nalang tayo. Dalawang kotse nalang. Dalhin ko rin ung amin."

"Osige ganun nalang Vic. Osha tinanong ko lang naman. Baka kasi kamo gusto niyo mag eroplano. Buti nalang hindi. Haha. Sige. See you guys next week! Bye!" They hang up.

Na eexcite na ako sa totoo lang. Kasi nakakamiss ang out of town ng barkada.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Mika's POV

Andito kami ngayon ni Jessey sa Mall of Asia, shopping. Na miss ko na rin kasi siya and I'm convincing her to join us on our trip to Ilocos.

"Sige na kasi bf. Sumama ka na." pag kukumbinsi ko.

"Hindi nga pwede bf. Kasi kailangan na matapos ung bahay nun nila Airah." hindi niya ako nilingon, tumitingin kasi siya ng mga top.

Oo nga, siya pala ung nirecommend namin ni Vic kela Airah.

"Kainis naman eh." nag pout ako. Na mimiss ko na kasi si Jessey. Parang dati lang nung high school pa kami, kung kelan lang maisipan mag punta sa tagaytay para mag stay dun sa rest house nila Ella pwedeng pwede kami. Pero when we got into college. Lesser time to bond with each other. Tho, walang gap talaga samin.

"Huy Miks!" She was snapping her fingers infront of my face.

"Ay sorry, what was that?" nag zone out ako kaka-alala.

"Sabi ko i-try mo 'to. Mukhang bagay sayo." inaabot niya sakin ung White crop top and a pair of maong shorts. "It'll compliment your legs." ngiting ngiti niyang sabi.

"Hay nako. Ako ba ang fashion designer dito o ikaw? Sige na nga." kinuha ko na ung mga damit at nag lakad na papuntang fitting room.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ang dami namin na pamili. Binilhan ko rin si Vic ng polo and muscle shirts. Alam ko'ng magugustuhan niya yun.

Andito kami ngayon sa Iceberg. Naisipan kasi namin mag ice cream dahil sobrang init. Nakakairita na.

"Uuwi ka na talaga pag tapos nito?" tanong ko sakanya.

"Yes bf. Kikitain ko pa sila Mommy for dinner eh. Nag tatampo na. Hindi na daw kasi ako umuuwi. Ikaw ba?"

"Dito na daw ako susunduin ni Vic eh. Tsaka baka dito nalang rin kami mag dinner." sumubo ako sa icecream ko.

"What time daw siya dadating bf? Para pag andito na siya tsaka nalang kita iiwan."

"Malapit na yun, kasi kanina pa nag text na papunta na siya."

Ng kwentuhan lang kami ni Jessey hanggang sa dumating na si Vic. Nag kwentuhan rin sila saglit, pinipilit rin ni Vic na sumama na si Jessey, tutal naman daw kasama si Mela. Pero hindi talaga mapilit ang babaita. Napaka-workaholic talaga nito'ng si Jess. Walang pinag bago.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ara's POV

"Nabusog ka ba?" tanong ko kay Mika. Kakatapos lang kasi namin kumain sa Conggo Grill.

"Opo. Dami ko nanaman ata nakain eh. Nako. Baka mag mukhang mataba ako sa swimsuit ko."

"Bakit mahal? Ano meron?" nag tataka ko'ng tanong.

"Syempre mag sswimming tayo sa Ilocos next week! Dapat sexy!"

"Tara mahal." yaya ko sakanya.

"Saan?"

"Kain ulit tayo! Papatabain kita. Mamaya sa sobrang sexy mo maagaw ka pa sakin. Tara tara." hinihila niya ako pabalik sa wing ng mga restaurants.

"Hahahaha ayoko nga. Aalagaan ko ang figure ko aba. Mahirap na." pang aasar niya sakin.

Nag libot libot pa kami sa loob ng mall, palabas na sana kami ng madaanan namin ung malaking playroom.

"Mahaaaaal gusto ko pumasok jan!" sabi ko sakanya.

"Baliw! Hindi ka papapasukin jan. Laki mo kayang damulag."

"Bakit? Baby pa naman ako ah? Baby mo pa kaya ako." nag side hug ako sakanya.

"Oo nga. Ikaw baby pa kita. Pero sila hindi. Dahil malaman ko lang na may ibang may baby sayo. Yari ka sakin." kinukurot kurot niya ung tagiliran ko.

"Bakit mahal? Wala naman ahh?"

Ngumuso siya sa dun sa kabilang store. "Kanina pa natingin yang mga babae na yan. Gusto ata nila makatikim ng isang Mika Reyes." Umiral nanaman pagka-selosa nito'ng mahal ko.

"Ay nako mahal hayaan mo sila. Wala ako pake dun." Niyakap ko na ulit siya. "Uuy mahal gusto ko nga talaga pumunta jan sa loob. Ang ganda kasi eh. Tas sobrang laki." hindi ko kasi na try jan nung bata pa ako. Kaya nakaka-aliw.

"Hanap ka muna ng bata. Haha. Hindi na pwede si Josh kasi big boy na."

"Ay oo nga no. Sayang! Ngayon lang kasi tayo nadaan dito eh. Or siguro kaka-gawa lang. Tara na nga dun sa seaside."
.
.
.
.
.
"Mahal gusto ko mag Vikings!" hinihila na niya ako papunta dun. Pero ayaw ko mag patinag. Na duduwag ako. Promise. Ayoko ng ganyan. Nakakalula eh. Tas nakakahilo pa.

"Ayoko nga kasi mahal! Kakakain lang natin tas ganyan agad. Baka masuka ka." sinusubukan ko pumiglas sa pagkaka-hawak niya. Pinipilit kasi niya talaga.

"Ang sabihin mo naduduwag ka." Bumitaw na siya sakin at umirap.

"Uy hindi ah. Baka lang kasi masuka ka. Or kaya ako masuka. Diba? Kadiri." pag dadahilan ko. "Ferriswheel nalang tayo mahal. May aircon pa jan." Ayoko rin jan eh. Pero mas ok na yun kesa dun sa Vikings.

"Ang boring boring naman jan mahal eh. Walang thrill. Gusto ko mag vikings." Pag pipilit niya.

"Next time nalang mahal. Sige na oh, lakad lakad nalang tayo dito. Malay mo makita pa natin si Dyesebel dito." pag bibiro ko, natawa naman siya.

"Next time ah? Promise yan?"

"Oo mahal. Promise. Pinky swear pa oh." inoffer ko ung pinky ko at ganun rin siya.

Nag patuloy lang kami sa pag lalakad. At pumwesto sa may seaside. Hanggang sa mag kayayaan kami na mag Padi's Point. Pampalipas oras.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
--
Short lang kasi I'm kinda excited to start with chapter 8. So yeah. :)

ask.fm/mynameisjessiya

The Mind Forgets, But The Heart Remembers (Mika Reyes-Ara Galang Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon