Ara's POV
2 weeks after our Ilocos trip! 2 weeks after the freaking accident! 2 weeks na ring nakahiga si Mika dito ss hospital bed na 'to.
"Vicky, you should rest." hinawakan ako ni Cienne sa shoulders. "Kakagaling mo lang rin sa accident. Dapat nag papahinga ka." dagdag pa niya.
Umiling ako. "I want to be beside her when she wakes up. This is all my fault." nag sisimula nanaman mamuo ang mga luha sa mata ko.
"Tama si Cienne, Vic. You should rest." si Kim naman ang nag salita. "Pag tapos ka payagan ng doctor na makita siya hindi ka na umalis jan sa side niya. You're still recovering rin. Kailangan mo mag pahinga."
"I can't leave her side okay? I don't want to leave her side. She's here because of me. The least I can do is stay by her side."
.
.
.
.
.
.
.
Pag labas ko galing comfort room, kausap ni Tita Bhaby ung doctor ni Mika. Sinasabi nitong normal lang ang sitwasyon na ito sa mga na accident. Usually pa nga daw months bago magising."Guys..." si Mela. "I think gumalaw si Mika." Lahat ng atensyon namin na baling sakanya. Hindi ako makagalaw.
She slowly opened her eyes.. Gusto ko siya lapitan. Gusto ko siya yakapin.
"Mika.." sabi ni Cienne, at agad pumunta sa tabi ni Mika.
Mika was searching the room. Napangiti ako. Okay siya...
"Asan siya?" mahina nito'ng tanong pero enough para marinig ko. Andito kasi ako sa likod nila Kim. Nakatayo na ang lahat.
"Asan si Kristian?" parang biglang binagsakan ako ng langit. Bakit si Kristian? Bakit ang lalaking nanakit sakanya ang hinahanap niya?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Camille's POVAfter a month...
"How are you holding up?" andito ako ngayon sa condo nila Vic to check up on her.. again.
"Same old same old. It still kills me everyday." plain niyang sagot.
"Kumakain ka pa ba Vicky? Ang laki ng pinayat mo! Isang buwan palang. My god! Pinapabayaan mo na ang sarili mo." panenermon ko. Pero parang balewala lang sakanya.
Nilabas ko na ang dalawang lalagyan na dala ko at nilapag ito sa mesa. "I cooked this. Caldereta, and upo."
"You know I don't eat vegetables."
"I know, and it's time you start eating them. Kasi kailangan mo ng nutrisyon sa katawan!" halos pa sigaw ko nang sabi. "Nag kaka-ganyan ka dahil lang kay Mika!"
She finally looked at me... "Mil, naranasan mo na ba maiwan sa ere? Hindi naman diba? Na wala sakin ung babaeng pinaka-mamahal ko. Worst is, she can't remember everything about our relationship! Ang natatandaan niya is yung gago'ng nanakit sakanya! What do you expect from me Camille? Tanggapin ko nalang ng ganun ganun nalang? Mas okay pa sana kung, kung nakipag hiwalay siya sakin eh!"
Nag sisimula nanaman tumulo ang mga luha niya. "Pero hindi Camille! Walang official break-up! Wala akong magawa dahil advice ng doctor hayaan na si Mika ang makaalala mismo. Na wag siyang biglain dahil hindi makakabuti sa pag rerecover niya."
Nakaupo lang ako at nakikinig. Naiiya na rin ako dahil naawa na ako kay Vic. "Kaya ko naman mag hintay eh! Pero nasasaktan ako kasi sinasamantala ni Kristian ang sitwasyon! He's acting na parang siya rin nag ka-amnesia. Na hindi niya alam na break na sila. Na hindi niya alam na ako ang girlfriend at ang mahal ni Mika. Masakit Camille! Masakit kasi gustong gusto ko na siya yakapin at halik halikan pero hindi ko magawa. Putangina Camille! Sobrang sakit!" Patuloy parin sa pag iiyak si Vic. Humahagulgol na ito.
Lumapit ako sakanya at niyakap siya. "Shhhhhh..... Ang amnesia daw, sa utak. Kaya pag nauntog, pwede makalimot. Pero mas naniniwala ako sa heart, kasi pag nag mahal, kahit na mauntog, hindi makakalimot. It takes time Vicky. Don't lose hope. Don't give up on Ye just yet. Andito lang kami. Tutulungan namin kayo..." yakap yakap ko parin si Vic. Pinapatahan. I've never seen her like this before. Sobrang fragile. Sobrang vulnerable.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
--
So I can't sleep kaya eto. Masakit ulo ko kaya please bear with my typos and grammatical errors. Mehehe. And sorry if it's short.ask.fm/mynameisjessiya
Twitter: @aliyaherana
BINABASA MO ANG