Ara's POV
"Kelan mo balak sabihin sakin na nag babalak ka pala'ng pumunta sa London?" pasigaw na tanong ni Mika.
"Bakit mo pinakelaman gamit ko?" kinuha ko sa kamay niya ung application form.
"Wala ka'ng balak sabihin sakin? Ha Ara? Balak mo ba ako'ng pag mukhaing tanga? Ano?" galit na galit siya. Kakauwi ko lang at eto ang bubungad sakin. "Ano!? Nganga? Sumagot ka! Ako! Yung mga offers from New York hindi ko tinatanggap kasi ayoko ikaw iwan, sinasabi ko agad sayo! Pero ikaw ganito!" nag dadabog na siya.
"Ano ba! Gusto mo marinig Mika?!" nataasan ko na rin siya ng boses. Naiinis na rin ako. Ayoko'ng ayoko pag pinapairal niya ung ganyan niyang ugali sakin eh. Napaka-childish. Hindi muna mag tanong.
"Yung totoo! Don't tell me kaya ka nagiging malambing these past few days eh dahil jan. Ano?" naluluha na siya.
"Wala ako'ng balak umalis Mika. Binigyan lang ako ni mama niyan kung sakaling gusto ko." mahinahon kong sinabi, nilapag ko na rin ung form sa mesa. "Yung ginawa ko these past few days, ano akala mo? Out of guilt lang? Wow."
"Alam mo okay lang naman sakin eh. Pero hindi ko inaasahan sa ganto'ng paraan ko pa malalaman." namumula na siya sa inis.
"Ano ba naman Mika. Wag ka nga isip bata! Ang tanda na natin para sa ganito. Mag tatanong ka kasi sa susunod."
"Ganun? Isip bata?" pumasok na siya sa kwarto. Ano ba naman to'ng si Mika. Hindi ko maintindihan eh. Hindi ko naman talaga binabalak pumunta dun eh. Sa tingin ba niya kakayanin ko? Sa tingin niya ba gugustuhin ko pumunta dun ng wala siyang alam?
Pumasok ako sa kwarto at nakitang nag iimpake siya.
"Dun muna ako kay mommy." patuloy lang siya sa pag lalagay ng damit sa bag niya. Hindi 'man lang niya ako nilingon.
"Ano? Pag nag aaway tayo ganito lagi balak mo'ng gawin?" naiinis na talaga ako. Hindi ko na malaman kung ano pinapairal niya eh. Kung pride ba o sadyang matigas lang ulo niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ma'am Ara, anjan na po si Ms. Camille."
"Ah sige Jan. Lalabas na ako." andito ako sa shop ngayon. 3days pagtapos namin mag away ni Mika.
"Hi Vickylu. Dito na ako nag pasundo kay Carol eh." bumeso si Camille at umupo na ulit. Umupo naman ako sa harap niya.
"Hi Mil." tipid ko'ng sagot.
"Sabi ni Cienne andun parin daw si Mika ah?" oo, kay Cienne siya pumunta. Hindi sa mama niya. Sinabi niya lang yun para hindi ko siya sundan.
"Huy Vic." tapik sakin ni Camille.
"Sorry, ano ulit yon?"
"Sabi ko bat hindi pa kasi kayo mag ayos ni Mika? Ang liit na bagay lang ng pinag awayan niyo. Misunderstanding lang. Bat ba umabot sa ganito?" sunod sunod na tanong ni Camille at sumubo siya sa blueberry cheesecake niya.
"Ewan ko dun sa kaibigan niyo. Sayo na nanggaling, napaka-liit na bagay lang. Hindi ko nga alam kung bat umabot sa ganito eh. Napaka-isip bata."
"At ikaw rin, nag papaka-isip bata ka. Imbis na ayusin eh nag mamatigas ka pa." sermon. Eto na. "Ano Vic? Hahayaan mo na ganito lang kayo? Ilang araw ang balak niyo palipasin bago kayo mag ayos?"
BINABASA MO ANG