Chapter 18

2K 37 1
                                    

Ara's POV

Andito kami ngayon sa venue ng birthday ng anak ni Mrs. Enriquez. At hulaan niyo kung sino ang kasama ko. Mika? Yup! Tama! This past few days halos lagi kami mag kasama. Hindi ko alam if iniiwasan niya ba si Kristian at ang mama niya. Kasi, isang beses tumawag si Kristian at pinatay niya agad ung call. Akala ko busy, pero nung sila Cienne ang tumawag sinagot naman niya.

"Iya okay na ba lahat?" tanong ko.

"Yup. The party will start at exactly 8PM. Yung main course ilalabas na rin in awhile."

"Okay, that's good. Sa labas muna ako. San pala si Mika?"

"Sa garden ata." sagot niya at dumiresto na sa kitchen.
.
.
.
.
.
.
.
"Huy! Tulala ka nanaman." nakakatawa si Mika. Gulat eh.

"Kainis to! Masakit ulo ko eh." hinampas niya ako at huminga ng malalim.

"Nanaman? Sabi kasi sayo wag ka na sumama ehh." this past few days kasi paulit ulit ung pag sakit ng ulo niya. Sabi ko mag pa tingin. Pero ayaw niya.

"Tas para'ng lumalabo lalo mata ko." nag pout siya.

"Ye, bukas patingin na natin yan." tumango naman siya.

Nanatili lang kaming tahimik na'ng biglang nag ring yung phone ko. Unknown number..

"Hello?"

"Asan si Mika?" tanong nung nasa kabilang line.

"Andito. Bakit? Sino ba to?"

"Ang boyfriend lang naman niya." WOW 'BOYFRIEND' talaga!?

"Ahh.... Boyfriend??" natatawa ko'ng sagot. "Teka"

"Ye, Kristian." umirap siya at kinuha ang phone.

"Hindi mo ba ma-gets na ayaw kita'ng makausap? ... Wala ako pake. .... Oh tapos? .... I don't care. ... Wag ka na nga tumawag. Nang-gugulo ka lang eh." binaba ni Ye ung phone.. At binato!?!

"Hoy daks! Phone ko!!" nagulat rin siya sa nagawa niya. Tumakbo ako kung san niya binato. Buti nalang at madamo to. Hindi naman nabasag. Sumunod rin siya sakin.

"Daks sorry. Bwisit kasi talaga si Kristian eh. Papalitan ko nalang."

"No. Okay lang. Di naman nabasag." natatawa ko'ng sabi. "Ano ba meron at galit na galit ka sakanya?"

"Pano ba naman. Nakita ko nanaman na may kalandian na babae. Tangina eh. Hindi ko alam kung tanga lang ba talaga ako o ano. " naupo siya sa grass at niyakap ung tuhod niya. Umiiyak na siya. Ayoko siya makita na ganito. Lalo na maling tao pa ang iniiyakan niya. "Hindi ko alam kung bakit nandito pa ako sa relasyon na to." Hindi mo alam kasi hindi ka naman talaga dapat anjan. Tayo dapat Ye. Masaya tayo. Sobra.

"Tahan na. Hindi iniiyakan ang mga ganung tao." yinakap ko siya. Sobrang higpit. Ayoko na bitawan pa siya. Yumakap rin siya pabalik.

"Ayoko na Vic. Pagod na ako."

"Edi tama na. Madaming nag mamahal sayo jan." sagot ko.

"Tulad mo?" lalo'ng humigpit ang pag kaka-yakap niya sakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
12AM nag packup sa Venue at pauwi na rin kami. Sobrang hyper parin ni Mika. Kanta ng kanta. Paka-ingay! Siya nag ddrive. Di ko alam pero, kaya ko na naman mag drive. Pero ayoko parin mag drive pag si Mika ang kasama ko. Siguro andun parin ang trauma.

Paliko na kami sa Parking ng maaninag ko ung sasakyan ni Kristian. Puta! Ano? Ayaw tantanan girlfriend ko? Oo! Girlfriend ko! Hindi naman talaga kami nag break ah?

"Ye, anjan si Kristian." napatingin naman siya sa gawi kung saan ako nakatingin.

"God! I don't have the strength to deal with him right now." iritableng sabi ni Mika.

"Ako na bahala. Park mo nalang."

"No. Hayaan mo na siya jan."

Na'ng makarating na kami sa parking floor namin, aba matinde ang Kristian. Naka-abang.

"Ye mag usap tayo." pag baba na pag baba namin ng kotse yun agad ang bungad niya.

"We have nothing to talk about. So please leave. Wala ako'ng lakas makipag usap sayo. Tapos na tayo." dirediresto'ng salita ni Mika at nag lakad palayo sakanya.

Nagulat ako nung hinawakan niya ng mahigpit si Mika sa braso. Sinusubukan naman ni Mika pumiglas.

"Bitaw!" Ayaw parin niya bitawan si Mika. Kaya lumapit na ako at hinawakan ang kamay niya'ng nakahawak sa braso ni Mika.

"Bumitaw ka." ako na to. Sinubukan ko sabihin sa pinaka-kalmado'ng paraan.

Binitawan naman niya si Mika.

"Daks. Umakyat ka na." sumunod naman agad si Mika. Nung sigurado na ako'ng nag sara na ang elevator hindi na ako nag dalawang isip na suntukin to'ng asungot na nasa harap ko.

"Gago ka ba ha!? Matagal na kayo'ng tapos ni Mika! Akin siya! Swerte mo lang at ikaw ang na aalala niya. Ano karapatan mo para saktan girlfriend ko?? Lakas pa ng loob mo para tawagin ang sariling mo'ng boyfriend niya." Galit na galit ko'ng sinabi.

"Totoo naman ah? Boyfriend niya ako. Gaya nga ng sinabi mo. Ako ang nataandaan. Hindi ikaw." pinunasan niya ung dugo sa labi niya.

"Osige. Sabihin na natin na boyfriend ka. Pero incase you haven't heard tinapos niya na kung ano 'man ang meron kayo. Makaka-alis ka na. At sa susunod na manggulo ka pa dito. Di lang yan ang aabutin mo. Umalis ka na. Wag mo na antayin na ipakaladkad pa kita sa mga guard."

Tumayo naman siya at nag lakad palayo sakin.

"Lubayan mo kami ng Girlfriend ko gago!" sigaw ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
Umakyat na ako sa unit namin. At laking gulat ko na pag bukas na pag bukas ko ng pinto, agad ako'ng niyakap ni Mika.

"Vic." umiiyak siya.

---

The Mind Forgets, But The Heart Remembers (Mika Reyes-Ara Galang Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon