Chapter 21

2.6K 64 4
                                    

Ara's POV

Maaga ako gumising para mag handa ng aalmusalin namin.

"Morning Kuya Jon." bati ko kay Kuya. Andito na pala siya.

"Morning rin Vic. Sino kasama mo? Chicks mo?" natatawang sabi niya.

"Huy hindi ah!" sumilip ako sa taas ng hagdan baka kasi gising na si Mika. Buti nalang at hindi. "Iba yan siya Kuya. Tsaka kelan ako nag dala ng chicks dito?" I playfully punched him on the arm.

"Oo nga naman." pag sangayon niya.

"Kumain ka na ba? Mag luto na ako. Dami namin binili."

"Tapos na ako, nag kape at tinapay lang ako. Akyat muna ako sa taas ah. Pahinga lang."

"Sige. Good night. Haha" umakyat na naman siya at nag simula na ako mag hiwa ng sibuyas.
.
.
.
.
.
.
"Good morning!" bati sakin ng pinaka-magandang babae sa balat ng lupa.

"Good morning rin. Kain na Ye." nilagyan ko siya ng omelette at rice sa plate niya.

"Sweet sweet naman" nag smile siya sakin "san pala itinerary natin today?" at sumubo siya.

"Mines View nalang tayo. Pero kain nalang tayo sa 50's diner. Sa may session road. Mag park nalang tayo sa SM para madali."

"Ikaw mag ddrive?" tanong niya.

"Syempre ikaw! Tuturo ko lang sayo dadaanan natin. Kala mo ahh."
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi na kami nakakain dun sa 50's diner dahil sobrang daming tao, kaya mag hahanap nalang kami ng iba'ng pag kakainan.

Nag park na kami sa SM Baguio at nag lakad na papunta sa session road, malapit lang naman.

"Vic."

"Oh?" sinuot ko ung shades ko.

"Hold my hand. Baka mawala ka eh."

"Baka kamo ikaw ang mawala!" sagot ko sabay tawa.

"De joke lang. Diba nga kasi sabi ko, it fits perfectly." sinuot na niya ung shades niya at hinila na ako pa lakad. Aba eto'ng si Mika siya ang dumadamoves sakin ngayon ahh. Haha.

"Dito nalang tayo kumain!" huminto kami sa harap nung Jim's Retro Diner

"Sige dito nalang."

Umorder kami ng Carbonara w Garlic Bread and Pesto. Sarap! Eto'ng kasama ko naman ako mo di ko pinapakain. Sobrang gutom. Pero sabagay. 3pm na kasi. Paano napaka bagal nito kumilos haha.

Nahuli ata ni Mika na nakatitig lang ako sakanya kaya huminto siya sa pag kain.

"Daks bakit di ka kumakain? Mauubos ko na to oh" sabay pout.

"Haha eto na eto na. Kakain na."
.
.
.
.
.
.
.
"Nabusog ako sobra!" sabi ni Mika.

"Malamang! Nakailang plato ka at slices ng pizza eh." tawa ko.

"Che." hinawakan niya ulit ung kamay ko. "San na tayo?"

"Mines View na. Kunin na natin ung kotse."

"Lakarin nalang natin!"

"Ikaw daks, lakarin mo. Haha ang layo nun dito eh. Hahaha." sagot ko.

"Alam ko ba? Jan ka na nga!" bumitaw siya sakin at nauna mag lakad. Nag tatampo nanaman mahal ko. Ang sarap i-kiss! Kaso di pwede. Na mimiss ko na gawin yun.

Tumakbo ako para maabutan siya at agad kinuha ang kamay niya.

"Sorry na. Binibiro ko lang naman ikaw eh. Tara na." nag smile ako sa kanya pero no reaction siya.
.
.
.
.
.
.
.
Sobrang traffic dito sa Mines View. Di parin nag sasalita si Mika. Hala. Pikon talaga nito.

"Ye strawberry taho oh. Gusto mo ba? Libre na kita."

"Yoko." Pfft. Sungit

"Sungit naman. Sorry na please." Di parin ako pinapansin. "Ye pansinin mo na ako. Sige ka. Tatalon ako jan sa cliff." Aba wala parin. Teka nga.

"Subukan mo bumaba!" halos pa sigaw na niya sinabi. Binuksan ko kasi bigla ung pinto nung nag drive siya.

"Sorry na nga kase!"

"Oo na nga." sagot naman niya.

"Yehey!" Binigyan ko siya ng side hug. Kinikilig ako! Parang nakakalimutan ko panandalian ung problema. Sobrang saya ko ngayon. Sa simple'ng moment na to.

"Bili mo na ko taho."

"Maya na pag baba natin. Ayun oh, dun ka na mag park." turo ko sakanya.

Pag park namin nag lakad lang kami onti papunta sa entrance. Hand in hand. Parang naka glue mga kamay namin.

Binilhan ko na siya ng strawberry taho at tuwang tuwa naman siya. Nag picture picture lang rin kami at namili ng pasalubong para kela ate Kim. Malamang sa malamang galit un samin. Di namin sinasagot mga tawag nila eh. Sinabi lang namin na okay kami at wag mag alala.

Bumili kami ni Mika ng 'christmas sweater' sobrang cute. Haha. Red akin, green sakanya.

Pag tapos namin mamili eh inaya ko siya umakyat sa may grotto, medyo may pagka malayo sa city proper. Ang bilis rin kasi talaga ng oras

"Ang .... Lamig dito... Daks" Nanginginig niyang sabi. Binalot ko ung kamay ko sa bewang niya.

"Ye tignan mo oh. Ang daming stars."

"Oo.. Nga."

"Wish tayo!" pag aaya ko.

"Wala... Naman... Shooting star"

"Di naman natin kailangan ng shooting star para mag wish diba?" mag ka-face to face kami. Onti nalang ang space samin. Nararamdaman ko na rin ung pag hinga niya. Nag smile siya sakin at pumikit. Ganun rin ang ginawa ko.

Wag na sana matapos to. Sana bumalik na ang lahat sa dati. Sobra sobra ang pag mamahal ko para sa babae'ng ito. Lahat. Gagawin ko para sakanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
-----

Happy New Year again! Sorry if ang lame pero please bear with me. Again. Enjoy the remaining days ng vacation. Harthart! Vote and comment thank you! :)

@aliyaherana
ask.fm/mynameisjessiya

The Mind Forgets, But The Heart Remembers (Mika Reyes-Ara Galang Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon