Ara's POV
Ilang linggo na ako'ng hindi pumapasok sa shop, tawag na ng tawag si Iya pero hindi ko sinasagot. Pabagsak na siguro ang negosyo ko. Pabagsak na ang pangarap ko.
Simula nung gabi'ng nagkasamasama kami'ng barkada, nagka ganito na ako. Kung paano ko nakita na masaya si Mika kay Kristian. Sobra'ng sakit. Oo masaya ako na masaya siya, pero sa piling ng iba. Dapat sakin. Sakin dapat.
Nito'ng mga nakaraan na gabi halos wala ako'ng tulog. Iniisip ko kung bakit nangyayari ito sakin. Samin ni Mika. Bakit kailangan kami pa? Bakit kailangan kami ang masaktan, wait. Let me rephrase that. Bakit kailangan AKO ang masaktan. Sobrang unfair ng buhay. Sana ako din, sana ako din naka-kalimot. Sana ako rin nagka-amnesia.
Ilang buwan na ang nakakaraan matapos ng aksidente na yun. Pero hirap na hirap ako tanggapin. Masisisi niyo ba ako? Buhay ang mahal ko, pero ako hindi niya matandaan. Baka sa sobrang pag iisip ko ng ganito magkasakit ako sa utak. Malabo mangyari yun, pero yun ang hinihiling ko.
Nakakatulog ako na umiiyak. Tapos magigising ng hati'ng gabi, mapapa-isip at maiiyak nanaman. Ang dami'ng tubig siguro sa katawan ko wala'ng sawa sa pag agos ang mga luha ko.
Nag simula nanaman ako'ng umiyak.
Hindi ko na alam kung san ako kukuha ng lakas. Sakanya ko pinaikot ang mundo ko. Akala ko okay na ako, akala ko kaya ko, na kakayanin ko. Pero mahirap pala. Mahirap kasi ako lang, ako nalang.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Isa'ng himala!" pabungad ni Cienne sakin. Hindi na ako sumagot at agad naman na bumeso sakanila.Andito kami ngayon sa Pampanga. Meron event.
"Buti naman at nasisinagan ka ng araw ngayon." sabi ni Carlo na naka-akbay kay Camille.
Nagkibit balikat nalang ako.
"Kumain ka na ba?" Camille asked.
"Yes." tipid ko'ng sagot.
Dumating naman si ate Kim na mukha'ng natataranta.
"Shit!" sigaw niya pag lapit samin. "Ang gago naman talaga nung isang driver na yun!"
"Bakit pangit?" tanong ni Mela
"Nag back out bigla eh. Hindi na daw siya pupunta ngayon. Ako mapupuruhab dito eh. Ewan ko ba kasi kung bakit ako pa nag pilit dun. Eh alam ko naman walang isang salita yun." dirediresto niya'ng sabi.
Dumating naman sila Kristian at Mika. Magka-hawak kamay. Nung nakita ako ng Mika nawala ang ngiti niya sa mukha. Parang napalitan ng pag aalala. Pero ung akin, ung puso ko. Puro sakit ang nararamdaman.
Tumabi siya kay Cienne at hindi na bumati pa sakin.
"Ano'ng event ba yan? Baka naman may mapakiusapan ka pa dito." suggest ni Mela.
"Drifting ehh." sagot niya.
"Ako nalang." at nabalin lahat ng atensyon nila sakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Sigurado ka ba dito?" tanong ni ate Kim."Kailangan mo diba? Di ako mang-iiwan sa ere." matigas ko'ng sabi habang nakakahawak sa manebela.
"Pero kasi magka-iba na magka-iba to sa drag racing Ara. Alam mo yan. Baguhan ka palang dito."
"Hindi. Kaya ko to. Mag tiwala ka lang sakin."
"Osige, basta wag masyado mabilis ah. Kahit hindi naman manalo eh. Masabi lang na hindi nag back-out ung kinuha ko."
"Sus te Kim. Para san pa at sumali ako, kung hindi ko gugustuhin manalo?" sagot ko.
"Sa bagay. Pero mag ingat ka please lang."
Meron na'ng nag salita sa speaker at hudyat na mag sisimula na.
"Sige dun na ako ahh." turo niya sa mga upuan sa taas ng stadium. "Mag iingat ka." nag fist-bump kami at tyaka siya tumakbo papunta sa grupo.
Kita'ng kita ko sila dito. Kita'ng kita ko kung paano akbayan, hawakan at kung ano ano pang pag lalandi ang ginagawa ni Kristian kay Mika. Akin yan!
.
.
.
.
.
.
.
Nagsimula na ang karera pero mabilis ko aad pinatakbo ung sasakyan. Oo. Wala ako'ng alam sa drifting. Mag kaibang magkaiba sila ng drag racing.Sa drag racing isa diresto lang ang iddrive ko. Pero dito sa drifting, limang laps at matinding timing at control ang kailangan.
Hindi naman ako nahihirapan ehh. Pero hindi ko magawang bagalan ang pag papa-takbo.
Napatingin ako sa gawi ng barkada. At sumisigaw sila. Sila Cienne naka-kunot noo at sumisigaw. Habang si Mika makikita mo talaga ang bakas ng pag aalala.
Dirediresto lang ako. Sa sobrang bilis eh napa-gewang gewang ako bigla.
"Shit!!"
Sinusubukan ko apakan ung break pero wala! Eto na ba katapusan ko!? Eto na ba sagot sa mga dasal ko???!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bumaba ako at napaupo habang pinanunuod ang mga kotse'ng mabibilis na humaharurot sa harap ko.Agad ako'ng may naramdaman na mga bisig na nakabalot sakin, pero agad rin niya ito inalis
"Mag papakamatay ka ba!?" tanong niya. "Napaka-bilis ng takbo mo!" sigaw niya.
Hindi ko magawa sumagot. Naiiyak na rin ako.
"Babe race to. Syempre bibilisan niya. Kumalma ka nga." nag salita ung lalaking gustong gusto ko na patayin.
"Tumahimik ka! Hindi ikaw ang kinakausap ko!" sigaw ni Mika.
"Fine!" sagot nito at sa tingin ko ay nag walkout.
"Ano Vic?? Hindi ka sasagot? Sagutin mo tanong ko! Mag papaka-matay ka ha!?" tinutulak na niya ako.
"Ye. Kalma lang tayo dito." pag papakalma sakanya ni ate Kim.
"Hindi ate! Eto'ng si Vic! Gusto na ata mamatay eh! Ano sagot!" galit na galit siya.
"Ayoko na." biglang lumabas ung salita na gusto ko'ng sabihin. Tumingala ako sakanila.
Ngumiti ako. Pero kasabay nito ang pag luha ko.
"Ayoko na. Ayoko na. Hindi naman ako mananalo diba? Kung pinag patuloy ko to. Ayoko na. Titigil na ako." garalgal na ang boses ko at napa-hagulgol na.
"Ayoko na." muling ko'ng sabi. Agad nanaman ako naka-ramdam ng yakap. Si Camille. Hinahagod ang likod ko. Napako sa kinatatayuan niya si Mika.
"S-sorry." sabi niya. At niyakap na rin ako.
Desidido na ako. Ayoko na. Titigil na ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
--
Sorry if I update very slooooow.Thank you baby for helping me! Hehe. Pag walang chance ha. Balato mo na sakin! ;) hahahaha labyu!
BINABASA MO ANG