Mika's POV
Umakyat na agad ako nung pinaakyat ako ni Vic.
Para ako'ng nabunutan ng tinik sa dibdib. Ineexpect ko'ng masakit ang pakikipag-hiwalay ko kay Kristian. Pero wala. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro wala na talaga ung pag mamahal.
Sa totoo lang nag dududa na talaga ako nung una palang. Kasi, una sa mga tao'ng nasa paligid namin, parang lahat sila nag tataka kung bakit kami ni Kristian. Iba ung pag tataka nila. Basta nararamdaman ko un. Pangalawa, para'ng wala na talaga ako nararamdaman sakanya. Hindi ko alam. Siguro ginawa ko nalang rin rason ung nakita ko'ng may babae siya para kumawala sakanya. Umiyak ako syempre dahil kahit papano may sakit. Pero basta. Pangatlo, wala pa ako'ng pinag sasabihan. Pero nagkakaron ako ng mini-flashbacks. May tao dun, sobrang saya namin. 'Mahal' pa nga ang tawag namin. At malinaw na hindi si Kristian yun. Sinusubukan ko makita o ma-alala ung mukha pero wala talaga eh. Yung boses naman..... Sobrang familiar. Para'ng kilala'ng kilala ko na pero nasa dulo ng dila ko kung sino.
Sa sobrang pag iisip ko, sumakit nanaman ang ulo ko. Meron nanaman flashback.
Flashback...
"Oh dahan dahan ka nga mahal." Muntik na kasi ako matapilok "Hindi aalis ang lighthouse wag ka mag madali." tumingin ako sa nag sasalita pero di ko parin talaga makita ung mukha
"Akyat pa tayo dun." Turo ni Kim sa lighthouse mismo. As in ung sa may tuktok. "Maganda view dun."
Kim! Kilala kaya ni Kim?
.
.
.
"Nakikita mo ba lahat yan mahal?" Tanong niya."Oo mahal. Bakit?" Sagot ko
"Wala naman. Natanong ko lang kung nakikita mo. Sayang kasi kung hindi."
"Picture na tayo dito! Eto background natin ah!" Inabot ni Cienne kay kuya driver ung camera at nag papicture na kami.
Sabi na may alam si Cienne na ayaw sabihin eh.
Yinakap ako ni 'mahal' galing sa likod.
"Okay ba mahal pag dito nalang tayo mag papatayo ng bahay?" pinikit ko ang mga mata ko at nilasap ang masarap na hangin.
"Kahit saan mahal. Basta kasama ka, kahit saan pa yan okay lang sakin." hinawakan niya ang kamay ko.
Hinalikan niya ko sa pisngi. "Basta mahal. Lahat. Lahat ng pangako ko sayo, unti unti natin tutuparin yan."
"At yan rin ang pangako ko sayo. Magkasama natin tutuparin yan lahat." dinampi niya ang mga labi niya saakin tsaka ako niyakap ng mahigpit. "I love you, Mika." bulong niya.
/end of flashback
Napansin ko'ng umiiyak na ako. Hindi ko alam kung dahil sa flashback o sa sakit ng ulo. Dahil pareho'ng nag bibigay ng sakit sakin ang mga to. Narinig ko'ng bumukas ang pinto. Si Vic na un I'm sure. Agad ako'ng tumayo mula sa sofa at niyakap siya ng walang pag aalinlangan.
"Vic."
hinahagod niya ang likod ko.
"Wag ka na umiyak Ye. Di na tayo guguluhin nung asungot na yun."
Pero hindi parin ako tumitigil sa pag iyak. Vic. Hindi yun ang rason. Kailangan ko ng mga sagot.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Daks sure ka na dito ka lang? Ayaw mo ba sumama sakin?" Vic asked for the nth time."Yes daks. Mag papahinga nalang ako." ngumiti ako sakanya.
"Osige. Try ko mag half day kung onti lang tao sa shop. Kumain ka okay? Tsaka yung gamot mo. Inumin mo, para di na sumakit ulo mo. And, bukas, Sabado, patingin na natin ya'ng sa mata mo." pag papaalala niya.
"Opo ma'am. Sige na. Byeeee. Umalis ka na. Di na ako bata." natatawa na siyang pumunta sa pinto.
"Vic!" sigaw ko. Napatingin naman agad siya sakin. "Kiss ko??"
nakita ko'ng namula siya at lumapit sakin, hinalikan ako sa noo at tuluyan na'ng lumabas. Tsk. Noo lang?! Joke.
.
.
.
.
.
.
.
"Cienne may kailangan ka sabihin sakin at satin lang talaga to." kausap ko si Cienne sa skype ngayon. Dahil nakikipag kita ako sakanya pero hindi raw siya pwede. Tsk."Ano nanaman ba yan Mika?"
"Sino yung tinatawag ko na Mahal dati??" tanong ko, at halata na nagulat si Cienne dahil muntik na niya mabuga ung ininom niya.
"Nakaka-alala ka na?" agad agad niyang tinanong.
"Hindi." halatang na disappoint siya. "Pero may mga flashback andun kayo. Pero ung tumatawag talaga sakin nung 'mahal' hindi ko makita. And malinaw na sakin na tapos na kami ni Kristian."
"Ha? Ano na nangyari sainyo ni Kristian?" Abaaaaa.
"Wag mo ibahin ang topic. Tsaka ko na ikwento sayo yun. So ano nga, sino?" tanong ko ulit.
"Ay ano... Nako Ye... Madami pa ako'ng gagawin. Tsaka na tayo mag kwentuhan." hindi pa ako nakaka-sagot at binaba na agad ni Cienne ang video call namin. Tsk. Halata ka masyado'ng instik ka.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Gusto ko rin sana tanungin si ate Kim. Pero wag na muna. Malamang sa malamang nasabihan na ni Cienne yun. Kaya sa susunod na. Mamaya babaan pa ulit ako o kaya hindi sagutin tawag ko.Pero sino kaya yun no? Teka....
Na alala ko.... Si Vic. Nung lasing siya
Flashback..
"Mahal..."
"Miss na kita mahal.."
"Bumalik ka na sakin please lang."
Paulit ulit na sinabi ni Vic.
Pagdating sa unit..
"Wag mo ko rape-in" sabi niya.
"Hoy papalitan lang kita ng damit. Amoy alak ka na! Inom inom ka jan di pala kaya." sagot ko habang pinupunasan siya.
"Magagalit mahal ko pag nalaman niya. Shhh ka lang."
"Eh sino ba yung tinutukoy mo'ng mahal? Asan siya?"
"Umalis... Kinalimutan ako...".
"Sino ba yung mahal mo?"
"Si.... Si..." pa tense naman to.
"Mahal. Si Mika."
/end of flashback
Hindi kaya si Vic?
--
Happy Christmas!! Sorry if I kept you waiting, tas di naman kagandahan ang update ko. :( so anyway, I hope you'll appreciate. Happy holidays! :)
@aliyaherana
Ask.fm/mynameisjessiya
BINABASA MO ANG