Ara's POV
It's been a month since nag Baguio kami ni Mika, and ngayon eto ako. Nag mumukmok sa kwarto.
When we got back, bumalik narin ang reality. Kristian fixed things up with Mika. Okay nanaman sila. Starting nun, dun muna umuuwi si Mika sa mom niya.
Hindi ko na alam kung ano nangyayari at mangyayari pa. Para'ng nito lang nabibigyan na ako ng lakas ng loob para masabi ang totoo, dahil good progress naman ehh. Pero bakit ganun? Kung kailan may chance na maging okay, panibagong problema nanaman ang ibinabato sakin. Wala na ba ako karapatan sumaya?
"Vic?" si Camille, kumakatok sa pinto. Dito muna siya nag stay, at kahit hindi nila sabihin sakin alam ko na nag usap usap ang barkada well except me and Mika, na dito muna mag stay si Cams para may makakasama ako at may mag babantay. Feeling ko, feeling ng mga 'to mag kakaron ako ng suicidal attempt.
At mukha'ng hindi naman malayo.
Narinig ko'ng bumukas ang pinto habang ako nakaupo sa corner ng kwarto.
"Vic ano na? Ganyan ka nalang ba sa araw araw na ginawa ng Diyos?" halos pasigaw na sinabi niya.
"Sa tingin mo ba may magagawa to'ng pag mukmok mo? Sa tingin mo ba babalik lahat sa dati sa pag babaya mo sa sarili mo?" galit na siya, but I couldn't bring myself to care.
"Vic ano ba! Onti nalang susuko na ako sayo!" mabilis tumulo ang mga luha ko, bago pa maka-labas ng pinto si Camille agad ko'ng nahanap ang mga salita at tanong na gusto ko sabihin.
"Sige Cams, lahat naman kayo mawawala na sakin eh. Yung tipo'ng wala na'ng matitira. Wala na siguro'ng tao'ng makaka-tagal sakin." pa tuloy lang ang pag daloy ng mga luha ko. "Nag mahal lang naman ako eh. Bakit nangyari sakin to? Nag paka-bait naman ako eh. Lahat ginawa ko, para lang sakanya. Pero hindi pa siguro yun sapat. Gusto ko na'ng sumuko, gusto ko na bumitaw ng tuluyan sa katiting na pag-asa na nakukuha ko. Kahit alam ko maliit na lang ang chance na this would end happily." humikhikbi na ako at hindi na ako makahinga. Lumabas naman siya, at bumalik ng may dalang baso ng tubig, pinainom niya sakin at hinagid hagod ako sa likod.
"Vic, sa tingin ko kailangan mo na sabihin kay Mika kung ano ang totoo."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Balita ko sasabihin mo na ah?" andito kami ngayon ni ate Kim sa balcony ng condo ko. Umiinom."Siguro. Hindi rin ako sigurado." sagot ko naman at ininom ang red horse na hawak ko.
"Bakit?"
"Hindi ko alam. Para'ng gusto ko na bumitaw. Siguro wala na talaga'ng pag asa na bumalik pa ung alaala niya. Siguro dapat na ko'ng bumitaw." pinipigilan ko nanaman ang mga luha ko.
"Ano ba yang pinagsasabi mo?"
"Let's face it ate, mukha'ng masaya na si Mika sa kung ano meron niya ngayon. Parang hindi na importante ung mga nakalimutan niya." pinunasan ko ung luha na tumulo.
Hindi na sumagot si ate Kim at nanatili nalang kaming tahimik at patuloy sa pag inom.
Sa totoo lang, hindi ko na alam ang dapat ko'ng gawin. Wala na ako'ng pinanghahawakan. Akala ko magiging okay na ang lahat. Pero hindi. Baka sign na nga ito ng universe na bumitaw na ako at itigil na ito lahat.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Naparami na rin ang na inom namin dalawa ni ate Kim, nakahiga na nga siya sa sofa eh. Habang ako andito parin sa balcony, inuubos ko nalang ung pang-lima ko'ng bote.Medyo hilo na ako'ng tumayo.
Multo ba to'ng nasa harap ko? Nagiging malabo na rin kasi eto'ng paningin ko.
Sinusubukan ko'ng palinawin ang paningin ko pero ayaw talaga. Muntanga lang.
"Vic..." sabi niya.
---
Thanks for waiting.