Chapter 15

2.6K 67 8
                                    

Mika's POV

Ilang weeks na rin ang nakaraan after nung car racing event. Pero hindi parin maalis sa isip ko yung kay Vic. Gusto ko siya tanungin kaso baka ma-weirdohan siya sakin.

"Ano na order mo?" tanong ni Cienne sakin. Andito kasi kami sa Jollibee.

"Chicken with Spag tas Milo blast and Large fries. Pineapple juice nalang drink ko." Siya na ang pumila at ako na ang nag hanap ng ma-uupuan namin.
.
.
.
.
.
"So, how's your relationship with Kristian?" tanong ni Cienne sakin. Sakanya kasi ako nag kkwento. Hindi ko alam, pero parang hindi ako comfortable mag kwento kay Ara. I mean, siya ang bestfriend ko. And open ako sa lahat ng bagay. Hindi ko lang alam kung bakit pag tungkol kay Kristian na iilang ako.

"Same old same old. Nag aaway parin. Pero pag nag sorry siya, tinatanggap ko parin."

"That's the Mika when we were in College. Asan na yung Mika dati?"

"Hindi ko alam Ienne. Ano ba ako after college? Pano ung Mika na yun?" na curious ako eh.

"Naging ma-pride ka kaya!" nag sip siya sa iced tea niya. "Grabe na alala ko nag away kayo, tas ang ginawa mo nag impake ka at nakituloy sa bahay ko. Sabi mo kasi, ayaw mo makita or makasama muna siya. Eh pag nag stay ka sa condo niyo lagi kayo mag kikita. 3 days rin yun ah." sumubo naman siya ng rice. Wait.

"Nakasama ko si Kristian sa condo?" pag tataka ko.

"Ha? Eh. Ano," nag ring bigla yung phone ni Cienne. "Wait, si Camille. Sagutin ko lang ha?"

Nag nod nalang ako. Pero napaisip ako. Talaga ba? Nakasama ko si Kristian sa condo? Pero malabo. Kasi kay Ara ako. Si Ara ang kasama ko sa condo ever since.

When Cienne finally hangup...

"71 Grammercy daw tayo sabi nila Cams. Papunta na daw sila dun."

"Sino sino daw?"

"Sila Kimi. Dun nalang tayo mag ayos sa bahay, mas malapit na dun eh. May damit ka rin naman dun." sagot ni Cienne. Kasama kaya si Vic?

"Sige, tara tara." inubos ko na ung last piece of my fries at tumayo na.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Otw palang kami sa Grammercy, natagalan kami ni Cienne sa pag aayos, at mas natagalan pa kami dahil sa traffic. Sabi ko na nga ba dapat hindi na kami dumaan dito. Tinanong ako ni Cienne if nag paalam daw ba ako kay Kristian. I didn't bother asking permission sabi ko, mag kaaway nanaman kami. Pangatlong beses na to sa isang linggo. And to tell the truth, parang wala lang sakin na magkaaway kami. Ang foreign ng feeling.

After half an hour naka-rating na rin kami. Nag start na daw sila. Pag pasok namin nakita na namin agad sila Camille. Pero asan si Ara?

"Ang tagal niyo naman" bumeso samin si Carol at Camille

"Sorry sorry ang traffic sobra. Rush hour kasi"

"Tayo lang ba? Asan si Kim?" casual ko'ng tanong.

"Si Kim ba talaga hinahanap mo? Haha" Pang aasar ni Carol

"Oh edi asan yung bestfriend ko? Asan si Ara?" diniinan ko ung 'bestfriend'

"Present!" napalingon ako sa likod. Mukhang lasing na si Ara. Meron babae'ng nakapulupot sakanya. She's pretty. But not that much. Bigla ako'ng nakaramdam ng kung ano. Nainis ako.

"Hi" yun nalang ang sabi ko. At umupo na kami ni Cienne. Nag order ulit si Camille ng weng weng, sabi ko Bob marley nalang ako.

Umupo rin sa harap ko si Ara and yung girl. Nag bubulungan sila. Para na ngang nag hahalikan ehh.

"Ganyan na ba talaga si Ara?" bumulong ako kay Cienne

"Not really. May pinag dadaanan lang yan. Pero nakakainis kasi dapat hindi ganyan." halata mo sa boses ni Cienne na na iirita siya.
.
.
.
.
.
.
Nakaka-rami na rin kami ng iniinom, pero hindi ako masyado uminom dahil mag ddrive pa ako. Sila Cienne naman ganun rin, pero si Ara grabe. Yung babae naman parang nag ttake advantage. Nakaka-inis. Gusto ko sampalin eh.

Nung hinalikan niya si Vic sa cheeks nagulat ako. Pero nung hahalikan na niya siya sa lips tinakpan ito ni Ara.

"Sorry.... Hindi pwede... Magagalit ang mahal ko." at nag smile siya. Sino kaya ang tinutukoy niya? Naiinis yung babae at umalis sa table namin. Napahiya ata.

"Uwi na ako guys" tumayo si Ara. Gumegewang na siya. "Nag aantay pa ang prinsesa ko sa bahay." ano? Lasing na talaga to.

"Hoy timang! Wala ka kasama sa condo niyo!" Sigaw ni Kim. Di siya pinansin ni Ara

"Hatid ko nalang siya. Mahirap na baka mapano pa to. Sabay ka nalang kay Cams, Cienne ah?" nag paalam na ako sakanila. Inakay ko na palabas ng club si Ara, at isinakay sa kotse.

Habang nag ddrive ako nakatulog si Ara. Pero nag sasalita siya.

"Mahal..."

"Miss na kita mahal.."

"Bumalik ka na sakin please lang."

Tapos lumipat na siya ng pwesto. Sino kaya yung tinutukoy niyang "mahal"? Wala naman siyang nakwento sakin ehh.

Nang makarating na kami sa condo tinulungan ako ng guard maibaba si Vic at dalhin sa unit.

Hiniga ko siya sa kama. Kumuha ako ng tubig at bimpo para mapunsan siya. Tinanggal ko rin ung polo niya.

"Wag mo ko rape-in" sabi niya. Loko talaga to!

"Hoy papalitan lang kita ng damit. Amoy alak ka na! Inom inom ka jan di pala kaya." sagot ko naman habang pinupunasan siya.

"Magagalit mahal ko pag nalaman niya. Shhh ka lang." loko to nag sasalita habang tulog.

"Eh sino ba yung tinutukoy mo'ng mahal? Asan siya?"

"Umalis... Kinalimutan ako..." haha sumasagot talaga. Maasar nga to bukas.

"Sino ba yung mahal mo?"

"Si.... Si..." pa tense naman to.

"Mahal. Si Mika." ano daw?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
--
ask.fm/mynameisjessiya
Twitter: @aliyaherana

The Mind Forgets, But The Heart Remembers (Mika Reyes-Ara Galang Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon