Chapter 26

2.8K 71 11
                                    

Kim's POV

Isang linggo ang nakalipas matapos nung event. At isang linggo ko narin napapansin na meron nag bago kay Ara. Pero hindi ko ma-pinpoint kung ano ba talaga yun.

Papunta na ako ngayon sa Pastry Shop niya, simula kasi nung na lugmok siya eh from time to time binibisita ko ito at inaalam kung ano ang kaganapan dito. Syempre as a friend hindi ko rin naman hahayaan na mawala lahat ng pinag hirapan nung mokong na yun.

Pag park ko ng sasakyan, agad ko nakita ung kotse ni Ara. Naka-park. Andito siya? Agad ako bumaba at pumasok.

Laking gulat ko ng makita ko siya. Take note, hindi sabog ang istura, nakangiti at hands on na hands on sa gawain. Nung makita niya ako, nag pa-sub siya sa kahera at lumapit sakin.

"Oh ate Kim! Ano ginagawa mo dito?" ngiting ngiti niyang sabi at nakipag-fist bump sakin. Hindi parin ako makapa-niwala eh.

"Wala. Dumaan lang, icheck ko lang if buhay pa to'ng shop mo." natatawa ko'ng sabi.

"Baliw! Syempre buhay pa, maganda ang pag mmanage eh. Haha. Joke. Salamat pala sa pag tingin dito habang ako, alam mo na." tumatawa niyang sabi. Ano ba nangyari dito? Nag iba ang ihip ng hangin. Himala na hindi siya naka-kulong sa apat na corner ng kwarto niya.

"Upo muna tayo ate. Ano order mo?" tanong niya.

"The usual."

"Jan! Isang redvelvet cake nga at ice caramel macchiato." sigaw niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi ko namalayan at ang tagal rin pala namin nag kkwentuhan, puro tawa at pang aasar lang. Napa-tingin ako sa orasan ko, 7:30PM na pala at hindi pa kami nag ddinner.

"Uy Ara, dinner tayo ano? Tawagan ko bullies." pag aaya ko.

"Sure! Sige lang. Pero may isend lang ako saglit sa cliente ko. Tawagan mo na sila, dun lang ako saglit sa opisina ko." agad niyang sagot. Without hesitation. Yes! Hindi siya nag dalawang isip pumayag. I mean, bullies eh. Ibig sabihin kasama si Ye. Pero wala. Okay lang sakanya. Nakakapag-taka. Ano ba talaga nangyari sayo Vic? Bakit?

Kinuha ko ang telepono ko at agad tinawagan si Cienne

Calling Cienne Cruz....

"Hello te Kim" bati niya

"Ienney, san ka? Dinner tayo."

"Dito ako sa may QC eh, pero okay lang. San ba tayo? Sakto nag aaya rin si Mil and Ye." sagot niya

"Sige jan nalang rin banda, may alam ako jan eh. Kaka-open lang na restobar nung kakilala ko. Text ko sayo ung place." um-oo naman siya at binaba na namin ung telepono.

Siguro after 10mins lumabas na rin si Ara sa opisina niya.

"Leggo na! San tayo te Kim?"

"QC nalang, sa Alexandria's bagong bukas na restobar nung kakilala ko." sagot ko.

"Okay sige. Tara tara." pag aaya na niya "Iya! Mauna na ako, ikaw na bahala dito ah." tumango naman si Iya at sinabihan na mag ingat kami.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pag dating dito onti lang ang tao. Tahimik. Tama'ng chill lang, nauna na kami mag order dahil wala pa naman sila.

Siguro after 10mins dumating na rin sila.

"San si Carol?" tanong ni Ara kay Cams

"Wala eh. May inaasikaso pa. Pero baka sumunod nalang siya."

"Hi Ars and te Kim!" bati ni Cienne at umupo sa tabi ni Ara

"Oh Ye! Galit ka parin sakin?" natatawang sabi ni Ara. Inirapan naman siya ni Mika.

"Daks naman eh!! Bati na tayo, di na ako uulit. Haha" tumayo siya at tumabi kay mika. Inakbayan niya pa ito.
.
.
.
.
"Hahaha! Eh si Vic nga rin kahit ano'ng kain di tumataba no!" balik ni Ye, nag aasaran na kasi kami habang umiinom.

"Oo nga!" sabay na sagot ng kambal.

"Hoy! Sa cheeks lang kasi napupunta minsan, ikaw nga Ye inconsistent eh hahaha" Nag apir kami ni Ara at tawa ng tawa. Sinamaan nanaman siya ng tingin ni Mika

Nakaka-miss rin ung pagiging ganito namin. Ung wala'ng ilangan, kumbaga parang dati lang.
.
.
.
.
.
.
"Oh pano? Kelan nanaman ba tayo makukumpleto? Hindi na nakasunod si Carol mil ah?" sabi ko

"Oo nga eh, diresto uwi na siya sa bahay."

"Kanino kayo sabay Ienne?" tanong ni Mika

"Kay ate Kim haha. Pasabay nalang sayo ah! Out of the way na kami pag sakanya pa kami sumabay."

"Osige. Ikaw Ars? Jan ka na kay Mika?" medyo may pagka-bahala ko'ng tanong, tumingin naman siya agad sakin, busy'ng busy sa phone ah?

"Ah, oo pare. Kay Ye nalang ako sabay, yun ay kung okay lang sakanya. Baka galit parin sakin eh." may halong pang aasar niyang sabi.

"May magagawa pa ba ako?"

"Haha wag ka na mag kunwari daks! Alam ko naman na miss mo na ako, sa condo ka nalang rin matulog." dagdag ni Ara. "Akin na pala susi, ako na mag drive."

Natigilan kami....

Si Ara?

Mag ddrive?

Kasama si Mika?

Ano?

May iba talaga sa kinikilos ni Ara. At sana hindi tama ang hinala ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
---
After not updating for a month.. Sowreyy! ✌️

The Mind Forgets, But The Heart Remembers (Mika Reyes-Ara Galang Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon