Chapter 3

5.2K 72 5
                                    

Ara's POV

Andito ako ngayon sa Sweet Tooth, inaantay ko kasi si Kim dadaan daw kasi siya. Pero alam ko naman na mangungulit lang yun at kukumbinsihin ako sumali sa pag kakarera. Sa totoo lang, gusto ko naman eh. Kaso nga lang, may mga importanteng bagay na dapat mas pag tuunan ko ng pansin. Katulad nito'ng Pastry Shop ko. Habang tumatagal nagiging popular na rin ito. Kaya dapat mas maging hands-on ako.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Sige na kasi Ara. Alam ko naman na gusto mo talaga na sumali dun sa racing eh." ano sabi ko? Mangungulit lang talaga diba?

Nag sip ako sa Ice Caramel Macchiato ko habang siya naman ay sumubo sa red velvet cake niya, "Tsaka na ako sasali. Ano ka ba Kim, nagiging busy na masyado dito sa shop no. Kailangan ng tao."

"Eh bat hindi ka mag hire ng manager? Yung pwede i-handle to'ng Sweet Tooth pag wala ka. Di yung mag isa ka lang."

"Wag muna ngayon. Tsaka kung kukuha 'man ako, syempre ung kilala ko na at mapagkakatiwalaan. Mahirap na mag tiwala ano." sumandal ako at nag cross legs.

"Maiba nga tayo, nung Sabado pare. Hindi ko talaga alam na andun si Kristian ah. Swear. Pasensya talaga." oo nga pala. Nawala sa isip ko na nakita namin si Kristian nung nag Clark kami.

"Sus. Wala yun, ano ka ba. Haha. Di mo naman obligasyon na malaman kung sino ang mga aattend nun." nag sip ulit ako sa drink ko at sumandal.

"Pero di naman naging issue sainyo ni Mika?" nag aalala'ng tanong niya.

"Hindi naman. Wala naman lang kay Mika eh. Tsaka bakit pare? Diba nga tinanong mo ako nung sabado kung hanggang ngayon ba ay hindi pa ako kampante samin ni Mika? Haha. Ano sagot ko?" natatawa ko'ng sinabi kay Kim. Totoo naman eh, hindi naging at hindi magiging issue yun saamin ni Mika.

"Oo na. Oo na. Edi kayo na ang in love na in love." sumubo ulit siya sa cake niya "Ay nga pala. Out of Town naman tayo oh. Ilocos!"

"Ikaw, puro gala na iisip mo ano? Pero mukhang masaya yan, san ba tayo? Ilocos Sur, o Ilocos Norte?"

"Ilocos Sur, may bahay kami dun eh malapit sa Vigan."

"May bahay pala kayo dun?? Bat ngayon mo lang sinabi! Samantalang ang tagal ko na'ng gusto pumunta dun." hindi ko kasi talaga alam okay.

"Hindi naman kasi kayo nag tatanong okay. Basta ah. I-schedule natin yan." nag vibrate naman ang phone niya, malamang si Mela na yan.

"Oo naman. Bahala na kung kelan. Basta push natin." na excite ako bigla, at I'm sure si Mika rin pag nalaman niya to. Baka nga kung pwede na bukas, G na G na un haha.

"Sige. Uy, una na ako. Nag text na si Mela eh. Tapos na ung meeting niya. Alam mo naman yun. Ayaw na ayaw na pinag hihintay siya." Tumayo na si Kim at hinatid ko naman siya sa labas.

"Oh ingat ah. Wag barumbado sa pag ddrive. Haha." pag papaalala ko sakanya.

"Oo naman. Sige. Salamat." sumakay na siya sa kotse niya at nag lakad na ako pabalik sa shop.

.

.

.

.

.

.

.

.

The Mind Forgets, But The Heart Remembers (Mika Reyes-Ara Galang Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon